Sunday, June 17, 2012

Si Lance, Ang Pilipinas, Ang Dubai, Ang Hong kong, Ang Macau at ang China (ang haba!) Part 2 (Last na To)


E bakit pa ko magsusulat ng mahabang introduction. Ituloy na ang kuwento. Pasok!

PAHABOL NA KWENTONG HONGKONG

Natapos ang part 1 ng kwento sa napakagandang fireworks show ng Disneyland.  At kung inakala ninyo na napagod ako sa kakatakbo, kakahabol at kakahanap ng magandang pwesto e nagkakamali kayo. Instead na matulog na at maghanda para sa maagang biyahe papunta sa isang siyudad ng China e nakuha ko pa rin na galugarin ang Hongkong para sa madalas kong marinig na night market. Kaya pagkabalik ng hotel, naghanda na para sa murang shopping (daw).

Ang unang pagsubok ay alamin kung paano makarating sa night market area. Habang dumudugo ang dila ko (yes dila hindi ilong) sa pilit na pagpilipit ng English ko kasabay ang sign language at paglalaro ng charade sa pagtatanong ng direskyon na hindi ko na rin kinaya, naglabas ng mapa si Hongkong girl (babaeng napagtanungan sa reception) kung paano makarating ng train station from our hotel. Mahal ang taxi sabi nya (buti nainitindihan ko) kaya sumunod na kami sa suggestion na magtrain na lamang. At matapos ang humigit kumulang na 30 minutes (kasama na ang pagtatanong na walang nakuhang sagot at ang patanga-tangang pagsunod sa mapa) e narating din namin ang Hogkong MTR o Mass Transit Railway na tinawag ko na ding Rainbow Train dahil sa dami ng pagpapalit ng lines na iba-ibang kulay na. Sa pagbili pa lang ng ticket e umiral na ang patanga-tanga moment. Taranta sa barya kung magkano at taranta sa machine hanggang nakuha na din ang ticket na parang LRT ng Pinas na sinusuot sa machine papasok at palabas. Hindi pwedeng magkwentuhan sa loob tren or else lalampas sa station na pupuntahan (di ko kase maintidihan ang recorded announcement in Hongkong Cantonese and English na parang pareho din naman ang tunog). Malinis ang loob ng metro at maraming Intsik sa loob (siyempre naman kung negro ang nasa loob o puti e matakot na ako dahil baka nasa ibang dimension na pala).  Kapansin-pansin na may pailan-ilan pa ring locals na nakasuot na ng face mask. Marami pa din daw kase sa kanila ang nag-iingat matapos ang malalang pangyayari sa bansa dulot ng SARS (pakiresearch). Hindi kasing ganda ng Dubai Metro (bias?) ang MTR trains pero maayos at malawak ang loob nito. To know more about MTR ito po ang kaibigan kong si Wikipedia - http://en.wikipedia.org/wiki/MTR.

Narating na namin ang station where we can find the night market. Naglakad kami ng halos 30 minutes (dahil patanga-tanga na naman hanggang sa maligaw at bumalik at mahanap).  I was expecting for an extravagant bazaar but only to see a Divisoria type of tiangge.  E chochoosy pa ba ako e napagod na at nandito na rin lang so simulan na ang harbatan at tawaran na walang katulad. Ilabas ang certificate of Masteral in Divisoria. Bumili ako ng ref magnet at key chains na binebenta ni Randy ng HK$150 isang set (7 pieces na nilagay sa kahon). Pero sa night market nabili ko na lampas kalahati sa presyo nya (ako pa). Ang tshirt na nagsimula sa presyong 3 for HK$100 ay nabili ko ng 8 for 8 for HK$150 (best in tawad). Di ako pwedeng magpaloko sa presyo ng wallet at bag kase may masteral degree nga ako so wag na lang. Besides shirt, garments, pasalubong, etc. e may mga beauty products at perfumes na nakabargain din malapit sa tiangge area. Galingan nyo na lang ang paghahanap at maging matyaga, panalo kayo sa murang pasalubong.

 LUTONG MACAU

Bukod sa Hong Kong, ang Macau ay isa din sa two special administrative regions of China. E ano nga ba ang ibig sabihin nito? Bakit special? Mas masarap ang pagkain? Mas magaganda at gwapo ang lahi? Special ang siopao at siomai? May special treatment ang gobyerno o may special treatment for each other? Ang haba ng paliwanag dito kaya ayan basahin ito: http://en.wikipedia.org/wiki/Special_administrative_region_(People%27s_Republic_of_China). Magbasa ng mabuti para matuto (#BalikEskwela2012).


Entering Macau
Hindi kasama sa package tour na kinuha namin ang Macau (ang mahal naman kase). Pero dahil di kami papayag na di ito marating, hinanda kong ipilipit uli ang dila ko at ang charade moments para magtanong kung paano pumunta sa lugar nang sariling sikap. We did this by the way on our first day in Hong Kong kung saan free time kami just after transferring to our hotel from the airport. At dahil wala pang gagawin at matapos ang Q&A portion go na kami ng Macau. We took a taxi going to the Ferry Station (yes ferry ang sasakyan. Siyempre sa dagat ito going to Macau). Pero sa taxi pa lang e nagsimula na ang pagsubok dahil no english na naman ang driver. Juice ko! Best in sign language at katakot takot na panghaharbat ng interpreter sa daan ang ginawa para maexplain ang destination hanggang naging maayos na at nagkatarantahan naman sa bayad. Finally, nasa station na kami.  Almost every 15 minutes ay may umaalis na Ferry. The trip was around 45 minutes to an hour going to Macau terminal. Medyo nakakahilo at talagang hilong-hilo ako pabalik kase malakas ang alon. Kaya make sure na nakahanda ang white flower, katinko at maxx candy (may nakahandang “sukahan” kaya wag mag alala). To know more about the ferry services including the schedule, fare and options, please click this - http://en.wikipedia.org/wiki/Hong_Kong_%E2%80%93_Macau_Ferry_Terminal,_Hong_Kong (again thank you to Wikipedia nakakarami na ako).

   
The Gold Bars on the floor
Kapitolyo
Pagpasok pa lang ng terminal e sasalubungin at haharbatin na agad kayo ng mga tour groups gaya ng ginawa sa amin. Kaya maging matatag at buo ang loob (meaning wag patanga-tanga) or else mapapa oo kayo na parang nabudol-budol lang hanggang malaman nyo na ang mahal pala ng presyo. The local guy from the tour agency offered us a tour to different tourist sports like casinos, temples, popular streets, etc. sa halagang HK$1000 na binabaan nya to HK$900. Di kami nakumbinsi hanggang makakita kami ng mga kabayan na kausap ng isang grupo din ng mga kabayan na mukhang nagtatrabaho doon. Ginamit ang pagiging usyosero at nalaman na sila e mga kasambahay sa Macau na rumaraket as tour guide. E magkano naman ate? HK$500 daw. Ayaw ko. HK$400 ayaw ko. Hk$300. Deal or no deal?! Deal na ako. So nagsimula na ang tour kasama si ate (na di ko na maalala ang pangalan).  I wondered kung saan kami sasakay kase yung unang nag offer e may sariling sasakyan. Dinala kami ni ate sa shuttle service na libre naman pala going to our first stop, ang Grand Emperor Casino. Picture taking na agad sa labas with the guard in uniform na akala mo e nasa Italya ka samahan pa ng karwahe (Cinderella?) at ang mga painting sa loob ng mga nagdodonyahang larawan. Highlight of the place yung mga gold bars na nasa ilalim ng sahig. Alay-lakad 2012 ang eksena kasama si ateng tour guide. Nakarating kami ng Macau ng halos alas 3 na ng hapon kaya limited na talaga ang oras. Kailangan makabalik sa Hongkong sa gabi. While walking going to the next destination, mapapansin na malinis ang buong city, maporma ang mga tao (kase winter pa) at hindi kagaya ng Hong Kong na feeling mo e ang busy ng paligid. Mas welcoming ang atmosphere ng Macau na parang maliit na siyudad at mas friendly ang mga tao. Kapansin-pansin ang mga street signs in Portuguese na parang Spanish na mas nagparamdam ng feeling at home moment.  Ang Macau naman kase e napasailalim ng pamumuno ng Portugal sa mahabang panahon. Kaya marami din dito ang mga Kristiyano patunay ang mga cathedral at catholic churches sa lugar.  Let’s learn more about Macau through this - http://en.wikipedia.org/wiki/Macau.

Ruins of St. Pau
Narating namin ang Senado Square (buti walang impeachment trial dito). Matatagpuan sa gitna ng lungsod, it is part of UNESCO’s World Heritage Site.  Makikita ang istraktura ng sinaunang Macau at ang sentro ng gobyerno, ito rin ang plaza kung saan madalas tumambay halos lahat ng lahi pati na ang mga kabayan natin kapag walang pasok sa trabaho. Habang namamangha e pinasok muna namin ang St. Dominic Church para magpasalamat (Amen). At habang binabagtas ang kahabaan ng square e narating naman namin ang kalyeng puno ng pasalubong. Panalo dito (may contest na naman?). Almost all the stores are offering free taste hanggang magsawa ka at di ka na bumili. Pasok ang peanut cookies at marami pang sweets and delicacies at ang mga karneng tapa (di ko alam ang tawag tingnan ang picture) na free din tikman. Nakabili din ako ng ref magnet na murang mura ang halaga. At the end of the street is the famous landmark na dinadayo ng lahat – the Ruins of St. Paul’s.  Isang nakakamanghang tanawin na bahagi na rin ng cultural heritage ng Macau at ng UNESCO. Isang lugar na itinuturing na himala considering na tanging ang unahan lamang ng simbahan ang natira dito. Bakit nga ba nagkaganito ang simbahan? Sino ang mga lumapastangan dit?! Sino?! Sino?! Ayan magbasa ka -  http://en.wikipedia.org/wiki/Ruins_of_St._Paul's.









Kinaladkad kami uli ni ate (aso?) papunta sa kasunod na lugar. While waiting for the shuttle service (na libre) nagkwento si ate ng buhay nya (Maaala-Ala Mo Kaya Moment).  Sa Hongkong sha unang namasukan pero dahil sa higpit ng amo nya e iniwan nya ito (pero nagpaalam naman) at lumipat ng Macau.  Naging mas maluwag ang buhay sa Macau. Hindi na sha stay-in at mas maraming oras sa pagraket gaya nga ng ginagawa nya ngayon. May grupo silang mga kabayan na naghahati-hati sa itotour nila.  Marami din daw Pilipino sa Macau na ang mga trabaho e karamihang sa hotel at casino. Most of them are entertainers, performers at mga staff. And speaking of which, narating namin ang kasunod na destination, ang Galaxy Macau. Isa na namang casino and hotel. Mangha agad pagpasok sa malalaking crystals na highlight ng lugar (ayan sa picture). At habang aligaga kakapose e nagkagulo ang mga intsik. E kase naman dumating ang mga impersonators ng Hollywood characters gaya ni Marilyn Monroe, Dreamgirls, Cleopatra, etc. in fairness, gayang-gaya at ang gaganda! Pero ang catch – mga lalake sila. Yes, mga becky na best in impersonation. Ang isa pang catch – mga Pinoy sila! Nakakaproud ang mga beckyness! Pasok na pasok ang eksena. Pinagkakaguluhan at for sure kumikita ng limpak limpak na salapi (lotto? Sweepstakes? Jueteng? ). Gumagabi na kaya sakay na naman kami ng libreng shuttle for the last destination.  We went to another hotel casino this time sa Venetian Macau. Another hotel casino na pangmayaman. Akala mo e nasa Venice ka talaga with matching “San Luca Canal” where you can ride a gondola with a singing gondolier (gamitin nyo ang google para malaman kung ano ito, pagod na si Wikipedia). Di kami sumakay, pangmayaman din kase pati ang presyo. The whole place was great considering the design na akala mo e nasa Italya ka. Marami ding shops sa loob where you can buy a lot of items na pwedeng pasalubong. Hindi na kami masyadong nagtagal at baka mapacasino pa ako at yan pa ang ikayaman ko e hindi ako handa. So sakay na naman kami ng shuttle going the port pabalik ng Hongkong. At doon na nga naganap ang abutan ng epektos, este ng bayad kina Ate para sa ilang oras na paggaguide sa amin. Nag enjoy naman kami and at the same time e nakatulong na rin sa kapwa OFW (uuwi na kaya si ate o maghahanap pa rin ng iguguide? Hmmmm…).








CHINA CHINA ANG SAYA-SAYA (para lang magrhyme ang title)

Tatalon (palaka? Tipaklong?) ang kwento papunta sa last destination ng aming trip. After 2 nights in Hong Kong, naghanda na ang lahat para sa Shenzhen, China tour. It will be the last leg (ano to concert?) of the tour where we will be staying for one night bago bumalik ng Hongkong airport going back to Pinas. Hinatid kami ng shuttle bus going to the train station na maghahatid sa amin sa Shenzhen.  Yes, tren lang kase nasa border lang sha ng Hongkong. Wag nang mangarap ng another boat moment dahil sobrang nasuka ako pabalik ng Hongkong from Macau sa sobrang lakas ng alon (thank you Katinko). Umabot ng almost isang oras ang biyahe ng tren (tulog na naman ako. Di kaya may lahi akonng tarsier?). At finally ay narating namin ang Shenzhen na punong-puno ng kakaibang experience. Pero bago ko simulan ang kwento dagdag kaalaman muna para sa lahat. Hindi natin (mga Pinoy) kailangan ng visa pagpasok ng Hongkong at Macau for a certain number of days.  Automatic na tatatakan ang inyong passport sa immigration pagpasok at paglabas ng mga bansang ito. Iba ang sitwasyon sa Shenzhen. Visa is needed for Filipino tourist. Pero hindi kami nag apply ng visa. Group visa ang inapply ng agency kaya hindi natatakan ang mga passport namin nang pumasok kami ng bansa nila. At ayan nagsimula na nga ang mga kaganapan pagpasok pa lang namin ng immigration.


Babala: ang mga susunod na kaganapan ay totoong nangyari at hindi isinulat para manakot (aswang? Multo?) o siraan (Anabele Rama? Nadia Montenegro? Amalia Fuentes?) ang lugar na aming pinuntahan. Layunin lamang nito na magsilbing babala sa lahat na nagbabalak ng magandang bakasyon.

Sinalubong kami ng nagsisigawang mga Intsik sa customs ng Shenzhen (sigaw talaga, sure na!). May mga epektos kaya na nakapasok? Dala kaya ng pasahero ang mga pekeng Viagra at “Pampa” o mga laruan na may melamine? Aba’y malay ko di ko naintindihan ang usapan. Nang makumpleto na ang grupo ay tumungo na kami sa mga shuttle buses namin but again, another incident. This time isang babaeng Intsik naman ang bitbit ng mga pulis. Nagnakaw kaya siya? Snatcher? O shooting lang ng pelikula? Di ko rin alam ang sagot di ko na naman naintindihan. At bago pa kami makasaksi ng marami pang eksenang China, sumakay na kami ng shuttle at nakilala ang mga bagong tour guide. Our group was divided into two at hindi ko na matandaan ang pangalan ng mga tour guide namin (#alzheimer). Simulan na natin ang tour. Maayos ang English ni ate na tour guide in fairness. At maraming bagay about China na nakakamangha, nakakagulat at nakakalungkot ang nalaman ko habang dumaldaldal siya on the way to our first destination. Married siya at may isang anak na di na pwedeng dagdagan because of China’s 1 child policy. Sabi nga nya nakakalungkot na walang makikilang Uncle at Auntie ang anak nya dahil sha mismo ay isang anak din lang. And since isang komunistang bansa ang China, kontrolado halos ang kanilang galaw.Ang mga TV channels at internet e alam lahat ng gobyerno. Kaya nga halos lahat ng mga palabas sa TV sa hotel e magagandang balita at bagay tungkol sa kanilang bansa. Kaya dapat pahalagahan ng mga Pilipino ang demokrasyang meron tayo kahit papaano (Happy 114th Independence Day).  At least naeenjoy natin ang facebook at ang blog na kagaya nito (free plugging). 

Our first stop was at a museum/tindahan (ito na ang simula ng negosyo at raket). The exhibit about Jade stones was great. Nandun lahat ng klase ng jade na pinaniniwalaang makapangyarihang klase ng bato or charm (tingnan mo si Kris Aquino marami nyan lagi nyang suot. Ito din kaya ang bato ni Darna? Hmmmm…). Iba-ibang klase pala ito at kulay at napakamahal ng presyo depende sa klase. Matapos ang exhibit e ang bentahan portion again ng mga charms and accessories ang sumunod and this time e tsaa or tea na gawa sa lychee ang idinagdag. Pampabata daw ito at pampaganda pero parang di naman ako naniwala nang makita ko ang mga tindera. Hahahaha (tawang pang teleserye).  Hindi natinag ang paniniwala kong wag gumastos so wala akong nabili (muntik na actually sa jade bracelet).  So diretso na kami sa next destination – ang Splendid China. Isa itong park na may mga cultural ek-ek pero hindi na namin pinasok kase lunch daw namin yun.  Libre ang lunch kaya naupo na kami kasama ang grupo while waiting for the food to be served.  At habang hinihintay ang pagkain, another incident happened. Nagkagulo sa isang lamesa dahil may humablot ng bag ng isang tourist. May habulan at sigawang naganap pero di na ako nakialam gutom na ako (maimmune agad-agad sa krimen sa paligid?). Part ng package ang lunch so di pwedeng maging choosy. May soup (na di ko mawari kung ano), gulay (na very asado ang lasa), hipon, isda, karne, etc. Di ko na pahahabain, natapos na ang lunch at nilakad na lang namin papunta sa next destination. Isang seminar (Nego Syete ang eksena. Hinanap ko si Kuya Germs pero wala siya) ang pinuntahan namin about bamboo (korek kawayan hindi si Bamboo na singer).  The seminar was about the uses of bamboo into different products na hindi mo maiisip na pwede pala gaya ng panty, brief, bulak, tela, toothpaste, etc. At siyempre matapos ang seminar katakot-takot na bentahan sa kanilang grocery. Nagpaloko ako this time by buying a massage item para sa leeg na umiinit (hanggang kelan kaya?).  After the negosyo moment, we were given an option whether to join or not the tour and dinner at the Windows of the World.  It is a park where you will see the replicas of different famous landmarks of different countries all over the world. Sa tagalog, Nayong Pilipino. At dahil kailangang magbayad na naman para makapasok e hindi na kami sumama. Mas pinili namin na magshopping kesa gumastos para magpapicture.  So go na kamin sa hotel na maayos din naman for a one night stay to drop our things at dumiretso na kami sa shopping central ng Shenzhen. It is a bit of an adventure kase para kang nasa Divisoria pero Intsik lahat ng tao. Goodluck sa tawaran portion. Maraming items kase sobrang laki ng lugar. Panalo pa rin ako sa pagtawad gaya ng t-shirt na 100 ang preso na nakukuha ko ng 40 na lang (#ExpertSaTawaran).  Hanggang gumabi na at bumalik na kami sa hotel.  The breakfast was free the next day. May buffet sila ng pansit, gulay at siopao na walang laman.  After eating, di namin sinayang ang oras, may medyo malapit na mall sa hotel so go kami agad to shop para sa sapatos na magaganda daw sa China. Alay-lakad na mabilisan kase pabalik na kami ng airport sa tanghali. Pero di ko napigilan mapansin ang mga restaurant na may live fish sa labas na pwedeng ipaluto. Ok naman ang isda pero ang pagong? Korek! Nakahanda si ninja turtles na mapili any moment para lutuin! Habang bawal ito sa Pinas e mukhang patok na patok sa China! Anong luto? Sinigang na pagong? Nilagang pagong? Inihaw na pagong? O kilawing pagong? Inalis ko sa isip ko yan para makatawd ng maayos sa shopping moment ko. Pasok na naman sa tawaran. Mabuti at maayos makipag usap ng English ang tindera ng sapatos. Hindi na kami nagtren pabalik ng HongKong. Shuttle bus again na kailangan lamang tumigil sa immigration ng China at Hongkong to exit and to enter properly. Maaga kaming inihatid sa airport kaya binalak namin na bumalik ng Hongkong para sumimba pero hindi na kami nakalabas. So best in ikot sa duty free shops at best in lamon hanggang maubos ang natitirang $HK. 





Learn more about Shenzhen from my friend - http://en.wikipedia.org/wiki/Shenzhen.

May mga nakasabay kaming mga kasambahay na OFW pabalik sa Pinas. Nakakalungkot na hindi sila basta makauwi sa atin to think na ang lapit lang nito at halos balik-balikan na lang ng marami as a tourist destination. Excited silang umuwi dahil graduation daw ng mga anak nila (Dakilang Ina Award 2012).  Nakakatuwa lang na hindi sila magkakakilala pero nag usap-usap na makisakay na lang sa may susundo papunta sa probinsya (#bayanihan).  One thing I found out e mas malaki pala nang di hamak ang sahod ng mga kasambahay sa Hongkong compare sa mga nagtatrabahong kasambahay sa Dubai. Tatalakayin natin yan sa OFW Diaries. Abangan.  At matapos ang pasyal, kain, shopping, negosyo, learnings, etc., e nakabalik kami ng matiwasay sa Manila matapos madelay ng halos 2 oras ang flight ng Cebu Pacific (Claudine Baretto, pasok!).

ANG AKING MGA BILIN AT PAALA-ALA:

  • Kung nagpaplanong magtour, siguraduhin muna kung saan at anong gustong gawin (baka naman Luneta lang e nakarating ka na ng Singapore). Totoo ang kasabihang mas marami mas masaya, at mas marami mas makakatipid ka (kase mas mura ang group package sa mga offer).
  • Look for options in booking for the tour. Gamitin ang pagtawad skills para mas makahanp ng mas murang package. Wag ura-urada at wag excited. Makakarating ka din sa patutunguhan. Tandaan that patience is a virtue.
  • From my experience, pwede din siguro na wala na lang land tour package kung makakakuha ng murang flight. Pero kung first timer ka, go na muna sa makakamura. Wag choosy at wag magmarunong, pag naligaw ka baka makita na lang namin sa FB ang mukha mo na pinaghahanap.
  • Wag gastos ng gastos. Isipin kung magagamit ang mga bibilhin sa tour or hindi. Tandaan, hindi ka mayaman at matatapos din ang pagpapanggap after ng tour.
  • Wag basta magpapadala sa mga sinasabi ng tour guide especially sa pagbebenta ng items. Malaki ka na, mag-isip ng tama.
  • Alamin ang kultura ng bansang pupuntahan para di patanga-tanga at walang masasagasaan.
  • Ugaliin na alamin ang kalagayan ng mga kabayan sa lugar na pupuntahan. Kung may makausap ka kahit isa sa kanila at makumusta ang kanilang kalagayan e malaking bagay na yun. Para na rin silang umuwi sa Pinas.
Ang pagbisita sa ibang bansa whether to work or just to tour is a privilege that is given not to everyone.  Kaya siguruhin na meenjoy mo ito at may matututunan ka dito. 

Nakakatuwang isipin na halos lahat ng lugar sa mundo ay may Pilipino. Kagaya nga ng isa sa aking bilin at paala-ala, try to check kung anong kalagayan nila sa bansang yun. Try to approach them when you see one at kumustahin ang kanilang kalagayan. Isa yung paraan to make them feel na may nagpapahalaga sa kanila. Sapagkat kaming mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa ay naghahanap din ng kalinga. Napapagod man at nahihirapan sa kalagayan sa buhay at trabaho e patuloy na lumalaban para makaraos sa buhay. Hanggang sa susunod na paglalakbay kabayan.

No comments:

Post a Comment