Friday, June 8, 2012

Si Lance, Ang Pilipinas, ang Dubai, Ang Hong Kong, Ang Macau at ang China (ang haba!) Part 1


Ni hao! Finally ay nasabi ko na nang walang pagpapanggap ang katagang ito. At tama nga kayo sa inyong hinala, ang kabanatang ito ng aking blog ay tungkol sa aking panandaliang paglalakbay sa mga lugar na namention sa title (basahin sa itaas). But the purpose of this article is not only to showcase the beauty (kung meron man) of the countries I visited but also the experiences, work at kalagayan sa buhay ng mga Pilipinong manggagawa na nakausap ko doon at ilang obserbasyon ukol sa takbo ng buhay sa kanilang lugar (best in tsismis 2012).  At sa kadahilanang alam ng lahat kung gaano ako kadaldal e hahatiin natin sa dalawang bahagi ang paglalakbay na ito. Kung handa ka na, simulan na natin ang biyaheng Dubai to Pinas, Pinas to Hongkong to Macau to some part of China. Gora!

EKSENANG AIRPORT

Bago pa man ako makasakay ng Cathay Pacific (first time ko na mag connecting flight #MasabiLang), may nakasabay at nakakwentuhan akong kabayan habang naghihintay sa boarding gate (di ako mapakali na walang kausap #tsismis). Isang taon pa lamang siyang kasambahay sa Dubai but she decided not to continue anymore dahil sa hirap na dinanas sa kamay (hindi sa paa) ng kanyang mga amo (martial Law?). The story was a real Maala-ala mo Kaya masterpiece (Dear Ate Charo….). Totoo pala na nangyayari talaga ang di pinapakain, mali ang kontrata ng agency sa Pilipinas (makulong sana kayo) at higit sa lahat nakakabilib na sa kakarampot na sweldo ay nakakapagpadala pa rin sa pamilya sa probinsya (tunay na bayani). But I’m not going to give specific details yet about our encounter and her experiences, I realized na pwede kong gawan ng isang article ang mga karanasan na gaya nang kay Ate para mas marinig ang boses nila (pipi?). At iyan ay inyong matutunghayan sa mga darating pa na araw (mag-iipon muna ako ng kwento at tsismis from our kabayans here in Dubai).

At yun na nga, narating ko na ang Hongkong na may napakalaking airport na nagpakaba sa akin kung aabot ako sa flight ko to Manila (sobrang kaba at nadagdagan pa ng mas maraming kaba dahil di ko maintidihan ang accent ng mga Chinese attendants so best in sunod na lang ako sa mga tao). Cathay Pacific is fine except that halata mong luma na ang eroplano. Muntik na akong maglabas ng toothbrush para linisin ang upuan at foldable table pero ok na rin naman. The flight experience was over-all a good one (aarte pa ba ako e pauwi ako ng Pinas? #excited).

Walang pagbabago ang NAIA Terminal 1 (no further comment). Kaya naman didiretso na ako sa flight to Hongkong after a night of stay in Manila (ako na ang walang pahinga sa paglipad). Terminal 3 naman ang eksena kung saan naganap ang Tulfo-Barreto-Santiago Away Festival. Maayos ang airport pero napakamahal ng tinda sa loob (sobrang mahal. Sure na!).  The airport was clean at mukhang bago pa except that wala itong CCTV camera (nabasa ko lang at napanood sa TV Patrol). First time ko sa Cebu Pacific (I’ve tried Zest Air, Air Philippines at Philippine Airlines sa domestic) at ito nga ang maghahatid sa amin sa Hongkong (aaminin ko na natakot ako kase parang di kakayanin ng eroplano #choosy). Pero ano bang magagawa ko e naka package tour kami kaya bawal mamili or else magbabus ako papuntang Hongkong (pwede ding RORO).  Naging maayos ang paglipad (tulog ako sa tooto lang kaya di ko di sure #SinungalingLang).  Basta ang di ko malilimutan may nagtitinda ng pagkain sa loob ng eroplano at may nagaganap na parlor games (party? bangketa?). And at last, narating na namin ang Hongkong (tinamad magkwento). 

DOON PO SA HONGKONG

Ang Hongkong na halos 45 minutes away lang from Manila ay isa sa dalawang Special Administrative Regions ng China (Macau yung isa nasa Part 2. Wag mainip).  To learn more about this country please read http://en.wikipedia.org/wiki/Hong_Kong (salamat Wikipedia). We arrived at Hongkong at around 9:00 in the morning (in fairness di nalate ang flight ng Cebu Pacific or else maaaring mabuhay sa katawang lupa ko si Claudine Baretto). Pagtapak ng Hongkong ay nagsimula na akong magpatanga-tanga dahil di ko makita ang tour guide na magdadala sa amin sa hotel (di nagbabasa ng itinerary).  At matapos mawindang ng almost 30 minutes paghahanap e nakita ko na rin si Randy, ang tour guide na Chinese. Pinagsama-sama sa isang bus ang mga Pinoy at sa isang bus uli ang mga Pana (Korek! Hanggang Hongkong hindi na ako nilubayan ng mga Panadol!).  Randy was very accommodating, entertaining and he speaks good English. Ang galing nyang mag entertain ng Pinoy audience mukhang pinag-aralan na ang mga uso sa atin at nagbiro pa na kamukha nya si Boy Abunda (kalbo kase sha) at hindi Santiago ang last name nya (pasok sha sa finalist ng best tour guide 2012. Saan ang contest?).  Maganda ang Hongkong and we were lucky na kaiga-igaya ang weather when we arrived there. The temperature was between 16 – 22 degree celcius (buti na lang dala ko ang scarf at mufflers).  The city was clean at panalo din naman ang mga insfracture. Halos lahat ng tao na naninirahan dito ay sa condo or flats nakatira para magkasya silang lahat (kulang sa lupa). Ang nakakawindang, right hand drive ang mga sasakyan! At dahil dito medyo malilito ka sa mga traffic signs kaya dapat mag-ingat sa pagtawid.  And speaking of sasakyan, magkaiba ang mga hotel na tutuluyan naming mga nakasakay sa bus. Hinahati-hati na rin kami at isa-isang hinatid sa mga hotels namin. Dinala ang grupo naming sa Panda Hotel. 4 star daw ito (di ko na rin nacheck basta may matulugan) at nasa loob ng isang mall. The place was good at kahit papaano e malapit sa metro station.  On our way to our respective hotels, ibinigay na ni Randy ang iteneray ng tour at ang mga breakfast stub namin (Mcdonalds ang nanalo) for our 2 nights of stay in Hongkong. The first day was a free day so pwedeng mamasyal agad at galugarin ang paligid ng lungsod and we opted to go to Macau by our own. Nagtanong-tanong at nilakasan ang loob at narating ang makasaysayang bansa ng Macau. Paano? Sa part 2 ko ito ikukuwento (#pasabik).


Our city tour started early the next day.  Pero bago ko puntahan yan, ilan sa mga bagay na napansin ko sa lugar during our free time ay yung suporta ng gobyerno sa kanilang mamamayan. Lahat halos may trabaho, kahit matanda na kumakayod pa rin. Sinubukan naming maghanap ng mga kabayan sa paligid at sa mga tindahan pero wala! Halos lahat locals. Ang mga kabayan daw natin karamihan ay mga kasambahay (nakakalungkot man but the pride is there).  E paano nga ba namang maglalagay ng non-Hongkong citizen sa tindahan e di hindi na kayo nagkaintindihan ng mga locals. Kami ngang turista e nahirapan pakikipag-usap (salamat sa mga picture ng pagkain na ituturo na lamang namin).  Hindi ko alam kung wala bang balak mag-aral ng English ang mga ito (magtayo kaya ako ng tutorial center kahit sa isang kanto lang). Balik sa tour, we first visited the Avenue of the Stars. Ito ang Hongkong version ng Hollywood Walk of Fame at ng sariling version ng Pinas sa Quezon City. Dito rin ang Victoria Harbour na napakaganda sa gabi (pero di ko nakita ng gabi) where a lot of Hollywood films were shot. Best in picture taking moment dito pero make sure na kayo na lang ang magpicture at wag umasa sa “official photographer” ng tour group. Pwede din naman kung may pera ka. Bakit? Sa baba malalaman mo. Sige magbasa ka lang.  Ayan ang mga picture ko: 






Randy, the tour guide

Sumunod naming pinuntahan ang jewelry factory ni Jackie Chan na isinama sa itinerary para makabenta ng alahas (#negosyo).  Super explain ang designer kuno nila na magaling magtagolog dahil sa Ongpin na nanirahan (at yumaman at sana e walang inaping mga Pinoy or else papatay ako). Pwede ka makabili sa loob ng mga lucky charms depende sa kung anong hayop ka este anong taon ng hayop ka ipinanganak (dinosaur?).  Matutuwa na sana ako dahil natapos na ang bentahan pero mas lalo akong nairita nang ang kasunod na pinuntahan e another negosyo (di na natapos ang raket ng mga tour guide). Dito naman e pinagkasya sa maliit na room ang mga pasalubong daw na mura (buti na lang at may dugong Divisoria ako kaya di ako nagpaloko). At dahil halata ni Randy (yung tour guide po) na medyo irita na ang mga Pinoy kakagastos, sinubukan nya kaming pamanghain while going to the other side of Hongkong, sa kabilang island. We passed thru an underground tunnel na literally e nasa ilalim ng tubig (in fairness namangha naman ang lahat). And we finally arrived at the other side of Hongkong kung saan dinala nya kami sa sinaunang kabuhayan ng kanilang bansa, ang pangingisda.


Ang Hongkong Fishing Village ay ang lugar kung saan matatagpuan ang mga mangingisda ng bansa na patuloy sa gantiong klase ng kabuhayan. Sumakay kami ng isang bangka na may bayad (raket din?) habang ang matandang bangkera e hindi nakakaunawa ng kahit isang English word yata (hi, hello, how are you, no english? Bye.)to see how these people are surviving sa patuloy na nagbabagong kultura at sibilisasyon ng Hongkong. Doon pa rin sila nakatira sa mga bangka, doon nagluluto, kumakain, nanonood ng TV, natutulog, naglalaba, nagluluksong-baka, sungka, habulang gahasa at lahat na. According to Randy, the Hongkong government is planning to transfer all of them in one area at bigyan ng ibang mapagkakakitan (wag naman sana sa Pinas punong-puno na tayo). Nagiging polluted na rin kase ang tubig dahil doon  nga sila naninirahan. Another attraction sa fishing village e ang floating restaurant. Ito daw ang pinakamalaki sa buong mundo sabi nila (di ko na sinukat dahil wala akong oras). And one more thing while cruising (sosyal?) sa village na yun e ang mga naglalakihan at naggagandahang mga yate. May Yacht Club daw ang Hongkong at ang mga nakapark na yate dito e sa mga miyembro ng samahan na mayayaman at ubod ng yaman isama pa ang word na maimpluwensya. Sila lang naman ang may-ari ng kilala nating mga Chinese brands gaya ng White Flower (nahihilo ka ba?), Tiger Balm (yung totoo, nahihilo ka ba?), Katinko (umamin ka na kase, nahihilo ka ba?) at iba pang kaintsikan na super support naman tayo (hinanap ko kung may yate ang may-ari ng Pei Pa Koa pero mukhang wala). Ano ang Pei Pak Koa? Research nyo bilis!
Entering the Underground Tunnel


Habang patungo sa kasunod naming destinasyon, (oo tapos na ang fishing village moment, move on na), nakwento ni Randy na maraming bagay ang iniimport nila from Pinas. Kasama na dito ang saging, mangga, pinya at marami pang prutas. Medyo may kamahalan ang mga items sa Hongkong (bakit kase convert ako ng convert di pa ako nasanay sa Dubai). At kung hindi ka masyadong lover ng Chinese food (gaya ko na feeling e lasang asado lahat ng pagkain nila) meron naman silang KFC, Pizza hut, etc. Sinubukan naming kumain sa parang karinderya kung saan nalaman ko na ang laki ng serving nila per order (matakaw kaya sila?). Masarap naman ang pagkain (tinake out ko di ko kaya ang lasa). At sa patuloy na pagkukuwento ni Randy ng iba pang bagay about Hongkong ay nagsimula na naman ang raket. This time mga souvenir key chains naman at yung mga kuha ng “official photographer” na ngayon e nasa plato na (sticker ito na ipinatong sa plato na may design na Hongkong). Since hindi ako madaling mauto (150 $HK para sa plato? Wag ako ang lokohin kaya ko mabili yan ng 5 piso sa Divisoria) , hindi ako bumili (sure ako na makakakita ako sa midnight market nito).  Hanggang sa magsawa sila kakakumbinsi sa akin at narating na nga namin ang last stop ng tour na ito sa Hongkong. Ayan sa baba.

ANG HONGKONG DISNEYLAND NA SINAKOP NG MGA TALENTED NA KABAYAN

The happiest place on earth - ang very famous na tag line ng Disneyland. It was very windy and chilly when we arrived at the place. Sobrang excited na akong makapasok nang biglang umatake ang last raket ng mga tour guide! Juice ko hindi na natapos ang negosyo. Gusto ko nang ibigay ang Kabuhayang Swak na Swak Lifetime Achievement Award sa kanila. This time mineral water naman kase mahal daw sa loob. Ay sige para matapos na bumili ako ng isang drum (pangligo?). Best in picture taking ang naganap papasok pa lang sa loob ng park (ayan ang mga picture sa baba). Pero dahil sa sobrang gutom sa maghapong tour na napakasaya at makasaysayan (patawarin ako sa pagsisinungaling) e kumain na muna kami at hindi na nag isip ng presyo ng kakainin. Basta kanin at ulam, go na (hindi ko na muna pinansin si Mickey at Minnie at kumakaway sa akin para magpapicture). Habang sumisiksik para makakuha ng picture with Buzz Light Year, napansin ko ang grupo ng mga drummers na pinagkukumpulan ng mga turista. Ang galing! They were using stainless materials na parang pangkusina and they are making good music out of it. At sure na sure ako Pinoy sila. Nakakaproud! At nang matapos ang tugtugan, takbo kami sa gitna para sa inaabangang parade ang Flights of Fantasy. Salamat sa aking Masteral Degree sa pagsiksik sa Divisoria at nakakuha ako ng magandang puwesto. Aaminin ko, naiyak ako ng magsimula ang parade! Di ko rin alam kung bakit but I think the kid in me was touched by the very colorful event. Ang ganda ng parade! All the major characters of Disney were there. Si Ate Winnie the Pooh (ate talaga?), ang maligalig (aligaga din kaya?) na cast ng Toy Story (Part 1 to sawa), siyempre ang mga mukha ng Disney (at likod na rin) na sina Mickey at Minnie (may relasyon kaya talaga sila? Bakit wala pa rin silang anak? Anong klaseng daga nga ba sila? Dagang Costa? Dagang Bukid? O Dagang Kanal?), si Tinkerbelle na di naman ako nagandahan (bitter?) si Lilo at Stitch (anong relasyon kaya nila talaga?) at siymepre ang nagagandahan at nagkikirihan (bitter na naman?) na mga Disney Princess. Pasok sa banga si Ariel, Snow White, Sleeping Beauty, Belle at Cinderella. Nagpadagdag pa sa saya at ganda ng parade ang mga napakagagaling na dancers at ang marching band. And yes mga kabayan, mga Pinoy sila! Ang huhusay gumalaw, super smile and very graceful. At ang mga Disney Princess e halos Pinay din pala lahat. Akalain mo! Si Cinderellaat Snow White Pinoy?! Panalo ang Pinoy sa Disneyland!

Takbo na naman kami (marathon?),  para sa Lion King show para lang mabigo nang malaman na sarado ang theater for renovation and improvement daw. Di ako papayag na di makakapanood ng live show so go kami sa “Golden Mickey”. Live stage play with different Disney characters. Galing ng production, with music, dance, stage decoration, etc. And again, pasok ang mga talentadong Pinoy! Singers and dancers mostly. Feeling ko si Tarzan at si Quasimodo (hunchback of Notre Dame) pinoy. Sino may alam? Taas ang kamay!

At muli kami ay tumakbo (42K Marathon), para naman sa mga rides. Pero bago yan napansin ko lang na walang masyadong extreme na rides ang Disneyland compare to Enchanted Kingdom. I also looked for a horror house pero nabigo ako (tapang-tapangan, walang takot. May lahing aswang).  And since walang choice, sinubukan na namin whatever is available. We tried the train na iikot sa buong park. This is a good one kase you will have an idea which area to visit kase madadaanan ito ng tren na may dalawang stations. Naintriga kami sa mga nagaganap sa kagubatan so diretso kami sa pila para sa Jungle River Cruise. In all fairness, panalo din ito. Iikot ng manmade river seeing different animals (na hindi too pero hindi plastic) and different scenes in a forest gaya ng mga mangangasong hinabol ng mababangis na hayop, an erupting volcano at marami pang kahayupan na nakakagulat at nagpapasaya din naman (pinakamalakas tumili ang mga Pinoy #BestInTili2012).  At habang naghihintay nang inaabangan na fireworks display (meaning magsasara na ang park), isa pang rides ang nakaya kong pilahan, ang Autopia. You just need to drive a car na parang automatic car lang hanggang matapos na ito nang di mo namamalayan (#bitin).  Nag announce na sa ere na malapit na ang fireworks show, so takbo na naman kami (triathlon na ito) para makahanp ng magandang pwesto. I did not expect for something extravagant since halos araw-araw na ang fireworks sa Dubai (totoo po lalo na kapag may Shopping Festival which runs for a month).  Pero namangha pa rin ako dahil ipinasok ang highlights ng ibat-ibang Disney movies na mapapanood mo pa sa napakalaking projector screen – ang castle ni Sleeping Beauty (buti di sha nagising sa ingay).  The music, the lights and the fireworks of the so called Disney in the Stars mesmerized me and so the rest of the crowd. Ang dami mong maririning na “oooohhhhh” “wow” at mga Chinese words na hindi ko na naipatranslate. The over-all Disneyland experience was great. Pero aaminin ko mas namiss ko pa rin ang Enchanted Kingdom (no place like home. Tangkilikin ang sariling atin).  We planned to buy some souvenirs inside the park, pero may kamahalan ang presyo (convert kase ako ng convert). And to see more and to know more about Hongkong Disneyland pakiclick ito - http://park.hongkongdisneyland.com/hkdl/en_US/home/home?name=HomePage













May pahabol pang kwentong Hongkong bago ko simulan ang Macau at China, pero sa part 2 na yan. Sandali nating ititigil ang biyahe (at ang kadaldalan ko na din). Much have learned from my trip to Hongkong. Kahit saan nga naman dalhin ang Pinoy at kahit anong larangan pa yan, sa pag-aalaga ng bata, paglilinis ng bahay, pag-awit, pagsayaw, at marami pang iba, makikita ang galling at husay ng Pilipino. At kahit ano pang itawag sa aming mga manggagawa sa ibang bansa, proud akong sabihin na isa akong Pilipino, nagtatrabaho ng marangal, maaaring napapagod at minsay’y gustong mamasyal, subalit buo ang tiwala at pananampalataya na kakayanin ang lahat ng pagsubok para sa sarili, para sa pamilya at para sa bansa (#TalumpatingHanda2012). 




5 comments:

  1. naenjoy ko pagbabasa sa blog mo tc.super like as in.plano nmin pumunta ng hk pero d kami sure kung mgbbackpacking kami or magppackage tour.any suggestions and tips?

    ReplyDelete
  2. hi ice. bigla ko naman namiss ang team natin. honestly kung may makukuha kayong murang flight wag na kay magpackage tour. pero try to compare din sa mga packages na makukuha nyo especially yung disneyland. you can go naman to macau by your own. sa next blog ko isusulat yung macau trip.

    ReplyDelete
  3. hahaha, sobrang natawa naman ako. interesting, funny, and informative. is it okay if you turn off word verification sa comment? labo ng mata ko e. :)

    ReplyDelete
  4. Hahahaha.. Laughtrip ako dito! Pero salamat at dami ko natutunan sa blog mong to esp the being ofw part. Sana naman ay mawala na ang mga abuse na yan.

    Welcome to the blogosphere! Enjoy blogging and hope to hear from you more often.

    Its Rona or Ning
    www.athomeakodito.blogspot.com

    ReplyDelete
  5. ate mai and ning salamat. ayan nangangapa pa ako need advice and help from you both. salamat sa mga comments. i'll follow them.

    ReplyDelete