Sabi ng isang kaibigan ko dito sa Dubai, bakit ba araw-araw na lang e naka Abaya at naka Kandura ang mga lokal? Sobrang proud naman nila sa National costume. E tayo ngang mga Pinoy special occasion lang natin kung isuot ang Maria Clara dress o baro’t saya at ang barong. Grabe naman sila. (may galit kaya siya sa mga Arabo? Sinaktan kaya siya o hindi pinasahod ng 1 o 2 buwan? Pinaglakad kaya siya sa disyerto ng nakapaa? O pinagbawalan na manood ng Nasaan Ka Elisa?)Natawa na lang ako at napaisip sabay bara sa friend ko (na ayaw ko pangalanan o itago na lang natin sa pangalang “ang babaeng tampalasan” o “Taurus Girl”) “E sige pagsuotin mo ng Maria Clara at barong ang mga Pinoy habang nakatira sa Iskwater o habang nag aararo sa bukid. O habang nasa call center o nagdodoor to door sa pagtitinda ng promo ng Tide at Ariel. Ganda ano? Bagay na bagay”.
Emirati or Locals ang tawag sa mga taong ipinanganak sa Dubai or UAE ng mga magulang din na Emirati (nalabuan ako sa paliwanag ko pakiresearch nyo na nga lang). Kase kung ipinanganak ka sa Dubai ng nanay at tatay mong Pilipino o Pakistano o Indiano o Kahit Ano, hindi ka magiging Emirati kailanman (assignment: iresearch kung paano maging citizen ng UAE. To be submitted on Friday. Typewritten. Please use a scented paper. Thank you and Goodluck).
Para sa mas malalim na pagsusuri at paglimi sa aspetong kasuotan, eto na po ang Ang Baro’t Saya at ang Abaya. Ang Barong Tagalog at ang Kandura portion:
Now, let me try to define the national dress one by one (sariling sikap ito):
Barong Tagalog – Ang pambansang kasuotang panglalake ng mga Pinoy (pero marami na ring babaeng nagsusuot nito as part of Fashion daw o kaya e dahil trip lang nila). Materyal: Pinakamahal ang gawa sa hibla ng pinya o abaka hanggang sa mumurahing tela na mabibili sa divisoria. Design: Madalas na plain lang o walang design (tamad ang designer), maaaring lagyan ng mga makikinang na hibla (Christmas effect), marami ding may burda o kaya e pintura dahil nakakatamad nga namang magburda na ang design e Mayon Volcano o kaya e kawayan na di lang iisa kundi isang gubat na yata (kakapagod naman kase). Presyo: Naglalaro ang presyo mula sa 300pesos (kung marunong kang tumawad at di ka choosy sa tela at design) hanggang sa pinakamahal na mahal naman talaga (imagine Barong Tagalog by Versace or Prada). Madalas itong suotin sa mga kasalan, Santacruzan, cultural shows, fiesta (kung ikaw si Mayor or Congressman), national conferences (kung required lang naman. Pakicheck po before attending baka naka t-shit at pantalon lang pala e mapagkamalan kang speaker), session sa congress, SONA (alam nyo yan, pakedefine habang binabasa), oratorical contest (dagdag points ito at ito ang nagpapanalo sa akin sa Paligsahan sa Talumpating Handa ng isang AIDS Movement sa Quezon Province. Hmmm, buhay pa kaya yung trophy ko?). At ang pinakapopular na gamit ng Barong Tagalog – suot ng patay. Aminin nyo yan. Kapag nakita ka ng kakilala mo na nakabarong sasabihin agad nila “Wow, parang natutulog lang”.
Baro’t Saya o Mara Clara Dress – Ang pambansang kasuotang pambabae ng mga Pinay (may maga lalake ding nagsusuot, marami na sila di mabilang). Materyal – Kadalasang pinya, abaka o jusi para sa maria clara top hanggang sa simpleng tela lang para sa saya. Mas eleganteng tingnan ang Maria Clara, pang donya daw sabi ng mga echoserang kausap ko. Mas simple naman ang Baro’t Saya na pwedeng kumot or kukur (kukurtinahing tela) lang e makakabuo ka na ura-urada. Presyo: Kung Maria Clara, may kamahalan kaya gusto kong isuggest na magrenta na lang dahil di mo naman gagamitin araw- araw (unless gusto mong ipang araw-araw ito habang naglalaba, namamalantsa at nag-iigib ng tubig). Kung Baro’t Saya naman, wag nang gumastos. Kunin ang lumang palda ni Lola o ibalot sa katawan ang kumot at presto! may national costume ka na. Congratulations! Karamihan sa nagsusuot nito ay kagaya din sa mga okasyong nabanggit sa Barong Tagalog (balikan ang saknong sa itaas. Paragraph po ang saknong #Filipino101). Idadagdag ko lang na sinusuot din ito sa pakikibaka, pag-aaklas at pakikipaglaban sa mga Kastila (and the best War Dress goes to: Gabriela Silang and Melchora Aquino. It’s a tie!).
Abaya –Ang popular na kasuotan ng mga babaeng Muslim (saan man sa Mundo). Itim ang kulay (pero marami na ding lumabas na different versions because of fashion). But let me concentrate sa mga Abaya ng local ladies in Dubai. It is like a long gown to cover their bodies as part of their religious practice. There’s a veil that comes with the gown itself. Dito nagkakaiba-iba ang itsura. Merong veil na sa ulo lang to cover the hair (pero merong kalahati lang ang nakacover, merong wala talagang cover. Bahala sila kung ano gusto nila ayaw ko na idagdag ito sa isipin ko sa buhay. Hanggang ngayon nga e di ako makamove on sa Ramgem Case isasali ko pa ba ito? Aba’y tama na). Meron namang mata lang ang kita habang nakacover ang buhok at bibig. Paano sila kumakain? Aba e gamit din po ang bibig at kubyertos. It is actually a challenge kase kailangang itaas ang cover everytime na susubo. Pero kung akala nyo matindi na yung mata lang ang kita, may lalaban pa diyan. Sila naman yung parang may suot na maskara sa mukha (alangan namang sa likod kaya nga maskara). It is actually a mask like a gold sculpture na suot ng mga matatandang babaeng muslim. To answer what that is please read this http://www.expatwoman.com/forum/messages.aspx?TopicID=152225 (scroll down wala kayong mababasa sa taas nagoyo din ako nyan). At akalain nyo na may mas lalamang pa pala sa mga nakamaskara. May mga babaeng totally nakatakip ang mukha pero namamasyal pa rin sa mall (Yes parang nakabelo na ikakasal. Namaster na nila maglakad sa dilim. May training kaya ito?). Materyal – usually mamahaling tela gaya ng satin at malalambot na materyales. Presyo – mahal wag nyo nang itanong. May Abaya na umaabot sa milyon depende sa material at design. Kung mayaman ka, puno ng Swarovski ang Abaya mo o kung mas mayaman ka puno ito ng ginto o kung pinakamayaman ka at wala ng tatalo sa yo (sige ikaw na, sa yo na lahat ng yaman sa mundo. Go!) e brilyante at dyamante lang naman ang nakadikit sa Abaya mo. Yes, that’s true marami nyan dito. Kelan sinusuot?Araw-araw saan man magpunta (di kase sila nag-iigib ng tubig, naglalaba at namamalantsa mas madalas na namamasyal at nagsasaya habang ako nama’y pagod na pagod sa pagususulat tungkol sa kanila).
Kandura - Ang popular na kasuotan ng mga lalakeng Muslim (saan man sa Mundo #paulit-ulit).Eto yung puti ang kula na akala mo’y mga pari. Pero kagaya ng Abaya marami na ring version, kulay at design. Sabi nga ni other bestfriend ko “Shorter length represents modesty, while longer represents royalty, status and wealth (makapagpasukat na nga ako bukas yung ang haba e abot hanggang EDSA from Dubai para magkaalaman na kung sino ang mayaman at makapangyarihan! Bwahahaha! (tawang kontrabida, ulitin ng 3 beses. Mas effective kung may hawak na glass wine).Kung ang mga babae e nakaveil o tinatakpan ang buhok o mukha, ang mga lalake naman ay may sariling version din - ang Keffiyeh - http://en.wikipedia.org/wiki/Keffiyeh (nandiyan na lahat ng info ha? Nakakapagod din naman dumaldal). Sa mga tamad, yan po yung nasa ulo ng mga lalakeng muslim na mahabang tela na either pure white or checkered (na ginagamit namang scarf ng mga Pilipino. Design daw ito at maganda daw tingnan in na in ka daw sa uso kahit hindi alam ang meaning). Materyal – gaya ng Abaya, malambot at mamahaling tela. Would you believe na ilan sa mga kakilala kong lokal e nanggagaling pa sa Europa ang mga Kandura? At ang tatak, pangmayaman – Armani at kung sino-sino pa. Presyo – mahal din wala akong pangsukli. Isinusuot ito araw-araw, oras-oras, minu-minuto (di pwedeng hubarin?).
Pero ang isang bagay na gustong-gusto ko dito, kahit ano pang suot mo, Abaya man yan or Kandura, Barong Tagalog man yan o Baro’t Saya, o kahit nakapambahay ka pa (t-shirt or jersey at shorts at tsinelas na mga Pinoy lang ang may kayang magsuot) pwede kang lumabas at mamasyal na wala sa iyong pupuna (siyempre bawal naman ang sobrang daring ayusin din naman ang sarili at buhay para iwas gulo at away).
Usapang Gobyerno: Mangyari po’y tumayo ang lahat at magbigay Pugay kina P’noy at Maktoum! Palakpakan!
Sheikh Mohammed Ibn Rashid Al-Maktoum (Maktoum na lang para madali) is the ruler of Dubai and currently UAE’s Vice President and Prime Minister. Magkakilala kaya sila ni P’noy? Tanungin natin si Kris (please tweet her at @itsmekrisaquino. Opo, follower ako walang kokontra). So sure na na mayaman sila walang duda. Ruler ba naman ng Dubai, kung ruler yan ng Tondo saka ka mag-isip at matakot any moment may sisigaw ng “Lumabas ang matapang”! Sila lang naman ang may-ari ng pinakamalaking yate sa buong mundo na hindi pa tapos gawin (ayan na naman ang the best of the best contest parang gusto ko na tuloy lumaban sa category na best in daldal). You seldom see him in public except if there are special events like Opening of the Metro Transit, opening of an Etisalat Branch, special government events (wala po ditong pasayaw sa barangay, paraffle or pabingo ni Kapitan (saying!), amateur singing contest sa kanto na gusto ko sanang salihan at wala ding basag-palayok, palosebo at mga palarong pang fiesta). But over-all, he is a good guy and leading his people well (wala pa naman akong nakitang rally at mga taong may hawak na plakard na sumisigaw ng “Makibaka. Wag Matakot!”).And if not for him and the Dubai Government wala din kami dito. Salamat at tinanggap ng maluwag ang mga banyaga sa bansang ito lalo na ang mga Pinoy. Salamat at kami’y nakakapagtrabaho ng maayos, nakakakain ng sapat, nakakapagdala ng pera sa mga mahal sa buhay (pero di po mayaman ang mga OFW please take note. Ito po ay bunga ng pagmamahal at pagsusumikap), nakakapamasyal kami ng super enjoy, naipapahayag ng maayos at malaya ang mga damdamin, saloobin , relihiyon at mga pananaw sa buhay. Pasalamat kami na mula sa Pinas e nakarating kami dito para kumita at mangarap. Salamat kay P’noy (wag nang kumontra ang mga makakaliwa), salamat kay Maktoum, salamat sa mga kapwa namin Pilipino, salamat sa mga lokal, salamat sa Dubai at maraming salamat sa bansang Pilipinas. Wala na akong masabi pa kundi “Mabuhay tayong lahat”! (Background music: Ang Bayan Kong Pilipinas original version by Ka Freddie Aguilar).
*Credits to google for the photos
*Credits to google for the photos
No comments:
Post a Comment