Monday, December 12, 2011

Bakit Ako Nagsulat ng Blog?

This is it! Sa paniniwalang sa pamamagitan ng pagsulat ay mapaparating ko ang mga pangyayari sa lugar na malayo sa aking lupang tinubuan at masasagot ang maraming tanong at haka haka ng maraming tao kaibigan ko man o hindi, ninais kong simulang magsulat (#makata101).

Hindi pala madali. I asked myself, should I write in English so other readers will understand my blog or should I stay writing in Filipino para mas may impact ang bawat sulat? But I think whatever the language or the medium is, mas importante ang laman at kung ang isinulat ay may patutunguhan (#balagtasan).

Pero bakit nga ba ako nagsusulat ngayon? Pwede namang manood na lang ng mga downloaded movies (uso yan dito and I will tackle that sa mga susunod na episode) or magtyaga sa TFC na 2 beses kung ulitin ang Showtime sa maghapon (pati TV Patrol). O kaya e matulog, magpahinga, matulog, magpahinga o kaya e matulog at magpahinga (oo paulit-ulit). Pero hindi. This is my chance to tell my friends and the world kung anong buhay ba meron sa ibang bansa, especially in Dubai. This is to correct some misconceptions, to answer some questions and to inform and somehow educate others about the country, its culture, ang mga tao, pagkain, paniniwala, kasuotan, awitin, sayaw, libangan at maraming iba pa which I will share to you sa mga susunod na araw at of course the lives of OFWs here in the UAE (yes, I am one of them, taas noong nagsasabi na OFW ako).

Among the misconceptions and common questions that I encountered from others are the following:
  • Napakainit sa Dubai - impyerno?
  • Mabaho ang mga Arabo - di naliligo? walang tubig? putol ang NAWASA?
  • Nakakatakot ang mga arabo - aswang? tik-tik? undin?
  • Lahat ng nasa Middle East ay Muslim - bakit nandito ako?
  • Bawal ang religious articles. Huhulihin at ikukulong - Mahal ng Ina ng Guadalupe, Ipanalangin nyo po kami.
  • Anong kinakain nyo sa Dubai - buhangin?
  • May baboy ba sa Dubai? - karne o tao?
  • E di araw-araw ka nakakakita ng camel? - kalaro ko sila. Ang saya-saya.
  • Hindi umuulan sa Dubai - maniniwala ka pag sinabi kong bumabaha dito?
  • Bawal mamasyal nang mag-isa - bawal kung wala kang pera
  • Hindi marunong mag English ang mga Arabo - paano ako ininterview? Arabic? Galing ko naman! Thank you!
  • Rapist ang mga Arabo - wag po koya! wag po!
  • Teka nga bakit Arabo na lang nasa isip ng lahat pag Dubai o Middle East? - misteryo? sino at ano nga ba ang nasa dako pa roon?
  • Nasaan ba ang Dubai - nasa Pilipinas sa may Kalentong lang katabi ng nagtitinda ng isaw
  • Paano ba pumunta ng Dubai? - higa ka lang at pikit te malapit ka na.
Ang dami pang misconceptions and for sure maraming marami pang tanong (may kwenta man o wala). At lahat yan pilit kong sasagutin at hahanapan ng solusyon. One thing I learned when I started living and working here is that the world is indeed a big place (tigilan muna ako ng It's A Small World After All). You'll meet different people, you'll experience different things. Bigla mo sasabihin, yun pala ang Islam, yun pala ang mga Hindu, marami palang Kristiyanong Indian, masarap pala ang dates (bunga ito ng puno hindi dalawang tao na kumain sa labas at naglampungan, umayos ka!), at marami pang "ganon pala yun!"

Kung may tanong ka please leave a comment at aayusin natin yan. Whatever you guys have in mind let me know and I'll create an article about that.

In the next episodes, makikilala nyo pa ang Dubai sa mata ng isang Pilipinong manggagawang kagaya ko. Maayos nga bang tumira dito? Mainit nga ba? Mahal ba ang renta ng bahay? E ang pagkain? May reno liver spread ba? May boy bawang? May pandesal ba? Mabilis din bang tumigas ang pandesal pag di nakain agad? May pancit canton ba? Anong flavor? May tilapia din ba at galunggong? Magkano ang kilo? Aba'y malay ko! Ang daming tanong! Ang dami ding sagot maghintay ka! Pero isa lang masasabi ko, Dubai has been our second home away from home. Masaya din naman dito, maniwala ka.


*credits to google for the photos

5 comments:

  1. "bawal ang religious articles"--hmmn di kaya leader k ng block rosary dyan...QUESTION: wala bang maruchan pork flavor dyan?

    ReplyDelete
  2. ok lang tagalog, pwede namang i google translate eh. hehe!

    =)

    ReplyDelete
  3. Hindi pala madali = Shovel is not easy.

    Parang fail yata ang google translate. Hehehe!

    ReplyDelete