Wednesday, December 14, 2011

Ang Dubai. Bow.



Burj Al Arab. Burj Khalifa. Emirates Airlines. Mga Arabo (na naman!). Dirhams. Dates (naexplain ko na to sa first blog wag makulit). Abaya (hindi Amaya ha?). Kandura (hindi kandungan). Arabic food. Disyerto. Camel. Marami pang iba. Hindi matatapos kung iisa-isahin ko ang mga bagay na tungkol sa Dubai at naging bahagi na ng buhay ng mga kalahi natin dito. And for everyone’s information to know kung ano, saan at anong mga bagay ang dapat malaman tungkol sa Dubai, aba e eto na mga kapanalig, let the show begin!
Paala-ala: Hindi kailangan ng patnubay ng magulang. Ang kwentong inyong matutunghayan ay base sa aking sariling karanasan mula sa Pilipinas hanggang sa Dubai, mula sa mga pananaliksik at mga nagpasalin-saling salita mula sa ibat-ibang tao at sa tulong ng aking best friend (si Bro? Super Best friend ko yun) but I’m talking about my other best friend, ang madaldal, tsismosa at walang kagatol-gatol sa talinong si Wikipedia.
 
FROM PINAS to DUBAI

Simula sa araw na ito ang Pilipinas ay tatawagin nating Pinas (wait for the article regarding Dubai terminologies created by Filipinos).  
Gaano nga ba katagal ang biyahe mula sa Pinas papunta sa Dubai? Magkano ba ang pamasahe? Nakakainip ba? Nakakatakot bang sumakay ng eroplano? Sino ang totoong pumatay kay Lapu-lapu? Number 1 ba talaga sa market ang So-En na panty?
Naka Visit Visa ako papunta ng Dubai. Umabot siguro ng around 3000 Dirhams ang gastos kasama na ang visa for a month (which you can extend for another month), plane ticket, kaba, excitement, takot at ang malaking tanong na “Dubai, handa ka na ba?”. I took Emirates flight going here back in April 2010. The flight took more than 8 hours. Direct flight ito kaya walang naganap na stop over sa ibang terminal gaya ng Turbina Bus Terminal, Cubao Bus Terminal at di dumaan ang eroplano sa LRT Bus Terminal (sayang bibili pa naman sana ako ng Maxx na pula sa nagtitindang mama sa loob ng bus). If you will take a connecting flight which usually is by Hong Kong or Singapore (minsan Malaysia or Thailand pero wag naman sanang Afghanistan) dagdagan mo lang ng oras depende sa schedule ng plane going to Dubai from that terminal. Minsan 1 hour or 2 hours or 8 hours or 1 day hanggang maging 3 days isang buwan o isang taon hanggang di mo na namalayan na Hong Kong citizen ka na, nakapangasawa ng Intsik at nanganak ng batang chekwa at nang tanungin ka ng mga kamag-anak mo kung kumusta ang Dubai ang tanging naisagot mo na lamang ay “Ni Hao”.
8 hours inside Emirates Airlines is not bad. Nakakaaliw ang dami ng movies at ang pagkain. According to www.listverse.com, when it comes to Economy flight Emirates is number 1.
Dubai Terminal 1
So nakarating na nga ako nang Dubai. Di pa masyadong mainit kase April pa lang but my brothers warned me of the upcoming Summer (I’m calling it Super Summer). Ganda ng airport! Pangmayaman! According to online sources, again it is one of the best in the world (lagi bang may contest ng mga best in the world? Saan kaya ang best in traffic? O best in Tiangge? Sino kaya ang mga nakapasok sa top 10 ng Most Decorated Barangay for Christmas ng Meralco?). But one thing is for sure, marami pang best of the best na makikita sa Dubai.
SALA SA INIT SALA SA LAMIG
Palm Jumeirah
As mentioned na di pa masyadong mainit nang marating ko ang Dubai, ito ay dahil nagsisimula pa lang na magpalit ang klima mula sa malamig patungo sa sobrang init (paypay!). From research and experience, nagsisimulang magparamdan ng kanyang matinding kapangyarihan ang haring araw sa pagpasok ng buwan ng Mayo (tindi!). Pagpasok ng June, eto na ramdam mo na wag mo na hintayin ang July maghanda na mga ate at kuya. If you will ask what’s the temperature during these months? It ranges from 40 to 48 (in Celcius) or mas mataas pa. Not to mention the humidity na akala mo’y nasa loob ka ng oven at hirap makahinga. Naranasan ko nga na basang-basa ng pawis ang likod ko nakadikit na ang damit at natuyo na lang ng kusa na parang wala lang (inisip ko na lang nasa Boracay ako). Pag nagsampay ka ng damit, tuyo agad (pikit ka at kumanta ng isang happy Birthday, tuyo na)! Naisip ko nga minsan tumanggap ng labada para may extra income. 7:30 na ng gabi mataas pa ang araw. At ang eksena ng mga pinoy, di matatawaran. Nakapayong! Ke gaganda ng kutis na di pwedeng masayaran ng araw. Pinoy na pinoy sa Dubai. Could it be the reason kung bakit walang naheheat stroke sa tindi ng init ng araw? Super Payong! Bili na! It will continue until August up to September pero unti unti nang nababawasan ang init. Mild na pagdating ng October. And expect the rain pagdating ng November. Yes! Umuulan sa Dubai. Habang tuwang tuwa ang mga Pinoy , nagtatago naman ang mga Pana (wait for the Dubai terminologies episode to know the meaning of this). At the last week of November expect mo na ang malamig na hangin, masarap na klima, makulimlim na umaga at mga pinay na suot ang bota (opo, boots po para lang magrhyme). Mas malamig na ng January at February. Temperature can drop to 10 or even lower (Celcius uli bawal ang Fahrenheit mahirap magconvert ). Malamig pa rin ng March (birthday ko) pero paunti-unti nang nababago ang klima hanggang April na uli at May at paulit-ulit na naman ako. One indicator that the climate is changing: Sand Storm! Pag usapan natin yan sa susunod.

TAO PO!
From the plane, to the airport to our place, I noticed the diversity of people living in this country. Iba-ibang lahi at totoong kokonti ang Arabo (lokal man o hindi) compare to other nationalities. Ang daming Pinoy! Para ka lang nasa Pinas, parang nasa Megamall o Divisoria o Tutuban o Baclaran o Pasayaw sa Barangay ni Mayor. Ang dami ding Indiano, Pakistano, Intsik (na very mysterious. Abangan nyo yan!). Ang daming galling sa Kenya, iba-ibang lupalop ng Africa. Madaming puti. Sure na! British (mostly), Americans (buti na lang I can differentiate the accent. Thanks to my almost 6 years of call center experience), Russians (mysterious din. Abangan!), Spanish (tao hindi tinapay at Sardinas), at iba pang taong mapuputi (natural, without the help of gluta na raket ng mga Pinoy). Nandito din ang mga Nepali na kamukha ng mga Pilipino na kamukha din ng mga Malaysian na kamukha din ng konti ng ilang Singaporean na kamukha ko daw?! (Bakeeeet! Ang itim ko kaya!) Lahat ng tao from different Arab countries nandito din. Egyptians, Syrians, Palestenians, Jordanians, Lebanese at marami pa. Citizens from GCC (hindi from gift card card) nandito din. Makikilala nyo sila sa susunod. Saka ko na din ididiscuss ang mga lokal mahabang usapan na naman yan. At marami pang lahi at languages na naghalo halo na. Sabi nga ng isang advertisement sa bus stop – as of 2010 there are about 185 different languages in Dubai. Ang dami. At lahat na yata ng lahi dito binigyan ng bansag or alyas ng mga kapwa natin Pilipino. Very creative minds indeed! Pero sa susunod pa yan na kabanata.
 
KUMAIN KA NA? BUSOG AKO.

Ang paboritong usapan nating lahat. Pagkain! Since maraming maraming pwedeng gawing topic at discussion about food magbibigay lang ako ng pahapyaw na information regarding what we eat here. Hindi po buhangin hindi rin tapang camel. Yan din ang patanga-tanga kong tanong before coming here. Gulay kaya? O baka Arabic food (ayaw ko. Hindi nga ako kumakain ng shawarma e #fact). Aba’y akalain mong kung ano ang kinakain ko sa pinas ay saktong yun din. Araw araw ang kanin (thanks to Silver Swan rice. Yes kanin ang silver swan dito hindi toyo). Araw-araw ang adobo, menudo, afritada, nilaga, sinigang, hopia, mani, popcorn at kung ano-ano pa. Variety of food is all over since marami ngang iba-ibang tao dito. Madami ding pinoy supermarkets, pinoy restaurants, pinoy bars, pinoy sa puso’t diwa, nagpapanggap na pinoy, mukhang pinoy, astang pinoy, akala mo’y pinoy at marami pang pinoy. Yanong dami talaga! Bibisitahin natin yan lahat next time. And yes! May baboy po dito. Nasa West Zone, sa Al Maya, sa Sunrise, sa Spinneys etc. Ano ba yang mga yan? Katayan ng baboy? Kalaban ng Monterey? Abangan!
AMEN
St. Mary's Church
Jumeirah Mosque
It is a fact that the Middle East is a Muslim Region.  Tama, ang Dubai ay nasa Middle East, isang city (there are 7 Emirates) sa United Arab Emirates na ang capital ay Abu Dhabi. Maliit lamang ito tingnan nyo sa mapa (tingnan muna sa mapa bago ituloy ang pagbabasa. Please follow directions). Posible ngang maikot ang 7 Emirates in a day na nagawa na ng marami nating kababayan na walang magawa. Dubai is a desert  but a desert with buildings and big infrastructures. Sabi ko sa sarili ko dati “Isa itong malaking Boracay”! Nandito nga ang highest building in the world, biggest mall in the world considering the land area, the only 7 star hotel in the world at marami pang best in the world na araw araw yata e nadadagdag sa listahan (magkakaroon din kaya dito ng biggest loser in the world? #waley). Papasyalan natin lahat, malapit na. At malalaman nyo kung may camel nga ba sa paligid o wala. Pero dahil sa lumalayo tayo sa sub-topic ko, titigilan ko muna ang kadaldalan. As I was saying, mga Muslim ang naninirahan sa lugar na ito (I’m talking about the locals). But since Dubai has been a home of different nationalities, expect that the religion will be diverse as well. You are free to practice your belief. May 2 simbahan ng mga Romano Katoliko na kagaya ko - Ang St. Mary’s Church at ang St. Francis Church. Marami ding Christians at mga kapatid nating Iglesia ni Kristo. Nagkalat ang mga Hindu, Buddhist, etc. Hindi bawal ang religious articles. I even pray the rosary at the bus going home. At nakakatuwang isipin na whatever your religion is you are most welcome in this country.

Lahat naman ng bagay at sitwasyon nadadaan sa respeto at tamang pakikitungo. Kung hindi mo kayang igalang ang iba, aba e wag kang mangarap na makihalubilo sa kanila. Dubai is an open city. Hindi karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain kundi isang lugar na bukas para sa nangangarap at gustong matupad ang pangarap. But wherever you are, sa Dubai man o sa Pinas, laging isipin na may dahilan kung bakit ka nasa lugar na yan. Maaaring para tumulong sa iyong bansa o maging isang mabuting halimbawa sa kapwa. Haaaay, buhay sa Dubai, tuloy-tuloy pa rin habang kami’y nabubuhay.

*credits to google for the photos

No comments:

Post a Comment