Tag-init na! At habang umuulan na sa Pinas at sunod-sunod
nang pumapasok ang mga bagyo at nagbabantang umapaw ang mga dam (wag naman
sana) e tagaktak naman ang pawis naming mga kabayan dito sa Dubai (Tagaktak n. dripping of sweat; shedding
of tears; downpour #EksenangDictionary).
At bago ko simulang ishare ang mga summer experiences and escapades dito e alamin muna natin ang climate ng Dubai
(Kuya Kim, pasok!).
Mas mahaba ang tag-init sa
bansang ito kumpara sa tag-lamig. Sabi
ko nga sa previous articles ko na nagsisimulang magparamdam ang init pagpasok
ng May or minsan as early as April. At
magsisimula naman ang taglamig pagpasok pa ng November or December. Pinakamalamig ko nang naranasan ang 10°C (na minsan e mas mababa pa daw) at
pinakamainit ang halos 50°C (grabe!).
Umuulan sa Dubai pero kung pagsasama-samahin ko ang ulan sa buong taon e
baka pang isa o dalawang araw lang ito in total (nagtitipid?). Para sa mas malawak na kaalaman ukol dito,
please welcome my friend, wikipedia - http://en.wikipedia.org/wiki/Climate_of_Dubai.
Entering Satwa habang sinasalubong ng DSS logo |
Nakakatawang isipin na kapag
umabot ng 35°C and temperature sa
Pinas e madalas na tayong magreklamo na di na kakaynin ang init, na bubuksan na
ang lahat ng electric fan at aircon, na magsasando o maghuhubaran na ang lahat
(magbra ka ate) at kung ano-ano pang reklamo.
Hanggang makarating ako ng Dubai at maexperience ko ang “totoong init”
(may peke na naman ba? Pati ba init may imitation na rin?). Imagine 40°C paggising mo pa lang at 35°C
bago ka matulog. Susmaryosep. And to think that we need to walk siyempre
pag papasok at pauwi ng bahay or kung may bibilhin ka. Ok pa sana ang init pero
yung humidity ang minsang nagpapahirap ng sitwasyon. Akala mo e nasa loob ka ng
pugon (pandesal?) na humahampas (walis?) sa mukha mo ang init. Yan ang
totoo. E ano ba namang magagawa namin e
disyerto ang Dubai na pinaunlad lamang at tinayuan ng nagtatayugang mga gusali. At dahil nga sa sitwasyong ito e siyempre
naka aircon ang lahat ng bahay (sosyal).
Hindi pwedeng wala or else patay kang bata ka. So kaunting lakad sa init, sakay sa
airconditoned na bus or train or taxi, baba at lakad sa init hanggang
makarating ng office na may aircon na uli.
Pwedeng ding pumasok sa loob ng mall kahit as early as 6AM. Hindi bawal
dito pati sa mga building para lang tumawid sa loob at makaramdam ng
lamig. Hindi din bawal yan dito. Naalala
ko tuloy na bawal yan sa Ortigas. Pag nakidaan ka sa loob ng building e
haharangin ka ng guard! Kaya tuloy di na
ako naniniwala sa sabi ng matatanda na pag galing sa initan e wag agad papasok
sa malamig or else magkakasakit. E di sana malaking ospital na ang Dubai kung
tooto yun. E hindi naman pwedeng galing sa init e sa init na lang maghapon.
Susmaryosep.
Kapag tag-ulan, iisipin agad natin sa Pinas na masarap ang sabaw, bulalo,
champorado na may tuyo, etc (namiss ko bigla L).
At halos ganyan din naman sa tag-init.
Papasok sa eksena ang buko juice, ice candy, sa malamig, sorbetes,
halo-halo at maraming iba pa (mas lalo ko namiss L L).
Sinusubukan din naman naming labanan ang init (kontrabida?) sa maraming
paraan (except paghuhubad. Bawal. Mahuhuli).
Sa paanong paraan nga ba nalilibang ang mga Pinoy sa Dubai pagsapit ng
tag-init. Ayan sa baba. Basa.
DSS
Modhesh (#PinoyPride) |
Ano ba itong DSS na ito. SLR
camera ba ito? Pasyalan? O natripan ko lang na gumawa ng acronym? DSS stands
for Dubai Summer Surprises. Korek! Mge
eksena ng pangsorpresa by means of shopping.
Sa madaling salita, sale na walang pakundangan. At kapag sinabi mong sale sa Dubai, totoong
sale talaga (may peke ba?). Ito ang
bansang may sariling Shopping Festival taon-taon na dinadayo ng mga karatig
bansa pati mga taga Europa
(#shopaholics). Nagaganap ito ng around
February every year for about a month.
Susunod naman ang DSS pagpasok ng summer na isang buwan din. Susundan ito ng Ramadan Sale na isang buwan
din. Susunod ang Eid Sale, Gitex at marami pang mga sale na masaya at masakit
sa bulsa (#BestInSale2012). Pero since
DSS season ngayon, ito ang pag-usapan natin.
June nagsisimula ang DSS at
malalaman mo ito kapag napadaan ka ng mga tulay na puno na ng announcement at
banderitas (fiesta?). Kapag napagawi ka
naman sa bandang Satwa (lugar ito hindi ahas) e makikita mo sa round about ang
ilaw na nagsasabing humanda ka na kase sale na (sana lang may pera). At ang isa pang hudyat ng pagsisimula ng DSS
ay ang paglabas ni Modhesh. Siya ang
official mascot ng shopping festivities na hindi ko mawari kung anong character
ba ito. Jack in the box daw (yung
lumalabas sa kahon na nanggugulat pero di naman ako nagugulat) at marami pang
characterization sabi ng iba. Pero ang
totoong nakakamanga about Modhesh e ang malaman na Pinoy pala ang nagdesign
ditto (#SuperProud). Para mas makilala
pa si Modhesh basahin ito - http://www.dubaievents.ae/en/section/modhesh.
And since DSS is all about shopping and a lot of sale and discounts, pag-usapan natin kung ano nga ba ang madalas bilhin ng mga kabayan natin kapag ganitong season.
Pabango, lotion at marami pang
pabango at lotion (#paulit-ulit #kaumay)
Madalas na maglaban ang
Victoria’s Secret at Bath and Body Works kapag ganitong panahon ng harbatan sa
benta (suntukan?). Kung nabibili natin
sa Pinas ang isang bote ng Victoria o Bath and Body ng halagang 500pesos pataas
(o 600pesos hanggang 800pesos kapag hulugan depende sa tagal ng pagbabayad
hanggang tumakbo na ang may utang at nasira na ang friendship), naglalaro naman
sa AED25 or AED40 ang presyo nyan dito.
Sa mga gustong magconvert gamitin ninyo ito - http://themoneyconverter.com/. At
kapag naman dumating ang DSS at iba pang more more sale moments, bumababa ang
presyo sa AED5 or AED10 na ikinakaloka ng mga kabayan natin (kasama na ako) na
talagang nagpapanic buying na akala mo e nasalanta ng bagyo na nag uunahang
makabili ng bigas at de lata. Hindi alam kung paano pagkakasyahin sa cart ang
pinamili! At ang sagot, mahal na kase sa susunod or ipapadala or itatagong
pasalubong or ibebenta sa Pinas (tama din nga naman #NegoSyete). Sa mga ayaw maniwala, ayan po ang picture ng
mga pinsan kong nagpanic buying last week lang.
Electronic Gadgets
Ito ang talagang dinadayo ng
maraming nilalang mula sa iba’t-ibang planeta.
Kapag sale naman kase e ramdam mo ang pagbaba ng presyo ng bonggang
bongga. Makakabili ka ng 32’ flat screen
(wala na akong nakikitang CRT e yung TV na kuba) sa halagang AED800 na may
libre pang plantsa or blender (kaloka). Ito
namang kaofficemate ko na pinagpala sa sale e nakabili ng 40’ LED Smart TV
(yung pwedeng mag internet sa TV #kainggit), sa halagang AED2, 300 (na
originally e AED3, 500) at may nakuha pang libreng Xbox at home theater system!
Juice ko! Sila na ang nanalo sa harbatan!
At hindi nagpatalo ang pinsan ko na naman (hobby nila magshopping) na
bumili naman ng laptop sa halagang AED1, 200 na may libreng external hard drive,
external cd reader and writer, mouse, bag, at camera (#SobrangInggitNa). Kasama din madalas sa sale ang mobile phones.
Blackberry bold (yung basic) is currently at AED500 at marami pang phone na
mura kasama na ang mga tablet (hindi gamot).
Ito yung ilan sa mga stores where you can find a lot of items on sale:
-
Dito ka malilito sa dami ng gadgets na almost
all the time e may promo. Paborito
naming puntahan yung mga items nila na sa “basket” na super bargain gaya ng
16gb usb na AED15 na lamang ang presyo.
-
Another gadget hub. Hindi ka rin mauubusan ng choices sa
tindahang ito. At yung malaking branch
nila e napakalapit sa bahay namin. 5 floors yata ito na gadget ang laman lahat. Para kaming kinakawayan at nagsasabing
“halika, mamili k at ubusin mo ang pera mo”, buti na lang di kami nakikinig sa
kanya. Hmmmppp….
-
Isa pa itong si Jacky’s na di ko mawari kung si
Jacky Chan, Jackie Lou Blanco o si Jack and the Beanstalk ang may ari
(#waley). Sandamakmak din ang choices
hanggang mailto ka na at di ka na bumili.
-
Another electronic haven. Dagdag pang-lito kapag naghahanap ka ng
gadgets and electronic items. Kagaya ng
mga naunang nabanggit, marami silang branches all over the UAE sa iba’t-ibang
mall at may mga sariling buildings at pwesto din.
Marami pang iba pero yan ang top
4 na nakapasok sa survey. Try to browse
and see the items. Enjoy.
Damit, sapatos at iaba pang bagay
na nasusuot
Another good thing about DSS and
other promos in Dubai e yung mga mababang presyo ng damit at sapatos. Dito ka makakakita ng super sale talaga na
kahit di mo yata masusuot e bibilhin mo (#Harbatan2012). E kase ba naman ang mga signature brands
bumababa ng AED20 ang isa. Kasama na din
ang mga department stores sa loob ng malls gaya ng Forever 21, H&M,
Bloomingdales, Galeries Lafayette, Splash, Center Point (hindi SM Sta. Mesa)
and more. Sa mga stores na yan din mismo
nataranta ang Nanay ko sa pagbili ng bag na murang mura din naman talaga. Sa mga stores din na yan kami madalas
makabili ng t-shirt na worth AED20 lang ang isa (may collar o wala). Isang experience naman naming sa panghaharbat
e nang magsale ang isang shoe store last year na DSS where you can buy Vans and
Pony shoes sa halagang AED90 lamang! Panic buying kaming magkakapatid sa
sobrang mura. At ngayong week na ito,
nararamdaman ko na may magaganap na panic buying ng Lacoste at Converse dahil
super sale sila. Hmmmmmm. Mukhang matutukso ako.
ATBP.
Hindi nawawala sa mga articles ko
ang category na ATBP kase ang daming bagay na di mo mawari at maipaliwanag
kahit anong usapan pa yan. Kagaya na
lang tuwing DSS kung saan hindi lamang gadgets, damit o sapatos ang
pinagkakaabalahang bilhin ng lahat. Kasama na sa category na ito ang mga
pasalubong at balikbayan box items gaya ng murang Pringles (na AED10 ang 4 na
piraso), sabon (na AED10 ang 4 din na piraso), mga pagkain, relo, alahas, etc
at maraming iba pa na part ng DSS. Pero
hindi lamang naman nakaconcentrate ang festival na ito sa shopping. Marami din silang games, programs and shows
para sa mga bata at sa buong pamilya.
Masaya ang DSS, lalo na kung may pera ka.
Pagkaing Pinoy
Wala pa ring tatalo sa pagkaing
kinalakihan na natin at kinamulatan. At
hindi magpapaawat ang mga kabayan natin dito sa Dubai. Sinong magsasabing sa Pinas lang kami
makakatikim ng mga pamatid-uhaw na pagkain at mga kakanin na nagpapagdag saya
sa tag-init at nagpapawala ng home sick panandalian? Sino! Lumabas kayo!
Lumabas ang matapang! Let me mention
some of the favorites and where we usually buy them:
Halo-halo – Chowking ang unang
papasok sa isip natin at yan din ang unang takbuhan namin dito sa Dubai. Yes, may Chowking branches dito. Marami silang branch na nagkalat all over
Dubai at pwede din na magpadeliver. Soon
to open ang branch nila sa loob ng mall (first time sa mall) sa Deira City Center. Ang presyo: AED16 ang Halo-halo Fiesta at
AED18 ang Special (na dinagdagan lang ng Ice Cream na di ko gusto ang
lasa). May halo-halo din sa mga Pinoy
Restaurants gaya ng Tipanan at Tagpuan pero sa susunod na natin sila pag-usapan
(ang haba na).
Sago at Gulaman o Gulaman at Sago
(bahala na kung anong gusto mong mauna) – meron din sa Chowking kasama ng black
gulaman pero paborito ko yung sa Satwa sa labas ng Westzone. AED5 or AED10 ang
presyo depende sa laki.
Ice Cream – marami sa mga grocery
stores at mall gaya ng London Dairy, Baskin-Robbins, Cold Stone, Dairy Queen,
Dreyer’s Häagen-Dazs, the
controversial Magnum, Twix, Maltesers at marami pang iba (sosyalan). Pero hindi ito ang hinahanap-hanap ng mga
Pinoy (lalo na ako). Go pa rin ako for
Selecta at Magnolia (forever favorite and Quezo Real at Quezo Primero). Basta grocery store na may panindang Pinoy,
meron nyan. Mabibili ang 1.5L sa
halagang AED25 (minsan AED20 pag malapit na maexpire).
Buko Juice and Fresh Juices – Madalas
na nasa karton o lata ang mga ito. Yung
buko juice e nakapack na at preserved e nanggagaling ng Thailand at Indonesia
(wala pa akong nakikitang galing Pinas pero paborito ko naman ang Calamansi
Juice na nasa lata galing sa atin).
Makakabili ka din naman ng sariwang buko na madalas e galing sa India
pero di sing sarap at sing tamis ng galing sa atin. Iba pa rin ang galing
Pinas.
Kwek-kwek, Tokneneng, Fishball, Squidball,
Kikiam, etc – pangtanggal inip, suya sa init at homesick. Makakabili ka ng sangkap na ikaw na mismo ang
magtitimpla at magluluto sa mga grocery na may Pinoy products. Pero kung ang gusto mo e yung maramdaman mo na
parang nasa pinas ka na tinutusok mo ito at pinapalutang sa tamis-anghang na
sarsa, e meron din dito nyan sa Dubai.
Meron sa Karama Center, sa West Zone Satwa at marami pang iba. AED10 ang presyo ng 5 pirasong kwek-kwek
ganon din ang iba pa. Kasama na din dito
ang mga kakanin at pansit at palabok na madalas e AED10 nakapack na. Paborito ko ang turon pero di ko marecommend
ang Banana-Q. Ewan pero iba pa rin ang lasa ng galing sa sarili mong
bayan.
Summer season ang madalas na
panahon para makapagbonding ang pamilya. Ito yung time ng outing, beach, gimik,
meryendang sama-sama, fiesta, family reunions at marami pang kasiyahan. Pero sa aming mga OFW sa Dubai, isa lamang
itong ordinaryong panahon kung saan tuloy ang trabaho at ikot ng buhay. Nadagdagan lamang ng sobrang init at
sandamakmak na pawis pero tuloy ang laban.
Pero kahit na wala dito ang pamilya at mga mahal sa buhay, kahit walang
piknik or outing sa beach, mananatili silang inspirasyon para patuloy na
magpunyagi at mangarap. Yan ang Pinoy,
yan ang tatak OFW.
Photo Credits:
Google - salamat all the time for the photos
Nene and Koy for the panic buying pics
Hi Lance.
ReplyDeleteThank you for your blog. Kahapon ko nakita ang blog mo, kailangan ko kasi magbasa tungkol sa buhay Dubai ng mga kbayan ko... kasi may balak ako................ hahahaha
Kung di naman msaydong abala, sana ay masagot mo ilang tanong ko (ok lang kung hindi lahat)tungkol sa araw-araw na pamumuhay doon. Eto na:
1. may nagluluto ba doon like mga carideria/turo2 gaya sa atin sa pinas, mas lalo na kung mga pinoy ulam, sa mga kanto2?
2. kung dito, ang simpleng order (gulay+kanin/ isda+kanin) ay mga 25-35 pesos lang, ganon din ba ang presyo kapag dyan sa dubai kakain? tama ba ang kalkulasyon ko o mali?
3. totoo ba na walang sabong bareta na mabibili dyan at puro powder detergent lang?
4. mas mahal ba mga paninda sa pinoy stores ng dubai ang mga produkto na sikat o commonly used sa 'pinas? O magsing presyo lang sa dubai at pinas?
5. maraming salamat sa iyong mga kasagutan
Hanggang sa muli!
Flb
Magandang araw! Narito ang mga kasagutan sa iyong tanong:
Delete1. may turo turo pero hindi kanto kanto. mga pinoy resto na may turo turo din at budget meals na 2 ulam + kanin + drinks
2. worth AED10 pataas makakabili ka na ng isang set na value meal
3. may bareta! pero aanhin mo ang bareta kung naka automatic washing machine naman sa mga flat? ilagay lang ang labada at balikan para isampay o mag dryer.
4. mas mahal ang presyo compare to pinas dahil inangkat pa ito mula sa ating bayang sinilangan. pero hindi naman nadoble ang presyo. slight lang at depende pa rin sa produkto.
5. walang anuman.