Yosi. Dabarkads. Haybol. Jejeje. At marami pang salitang bigla na lang naglabasan sa bibig ng mga kapwa natin Pinoy. May sariling lengwahe ang bawat grupo. Akala mo’y laging nag rorock and roll and mga repapeps nating rakista kung mag usap (heaven pare, heaven), di mo naman maintindihan kung may sapi ang mga kabataang jejemon kapag bumanat na ng “EoW pFuOh!” or ng mas mahabang “i LLyK tO knOw moR3 bOut u, PwfoH. crE 2 t3ll mE yur N@me? Jejejejeje.” (hindi kaya kulto talaga ang jejemon at sumasamba sila sa mga pokemon? #waley), nanjan din naman ang mga minsa’y nakakairitang mga pasosyal na hindi naman bagay na biglang magsasabi ng “That’s so pangit. Eeeeewwww.” (wag lang talaga akong maging congressman at siguradong ang unang batas na ipapasa ko e itali and dila ng mga mahuhuling kagaya nila at ipapahila sa MRT maghapon hanggang matuwid #Halalan2013), super happy naman ang grupo ng mga becky kapag nagsimula na ang chika sabay sigaw ng “Marseeee! Super pagoda cold wave lotion na aketch. Gora na muna ako sa kyohay para makarest in peace (ano daw?)”, at kung pag-uusapan naman natin ang daldalan ng mga kababayan nating pipi at bingi aba e wala siyempre akong masasabi, basta madaldal din sila (sign language moment. Yan po ang thesis namin noong college #BestThesis Hahaha).
Pero ang Pinoy kahit saan mo dalhin di mawawala ang creativity pagdating sa kadaldalan at pagbibigay ng alyas (pwedeng dahil sa takot na maintindihan sila ng kausap, dahil mas madali ang gumamit ng alyas o dahil sadyang ganito na tayo, malikot ang imahinasyon at punong-puno ng humor sa buhay). E sa Pilipinas nga lang may Superstar, Star for all seasons, Megastar, Diamond Star, Star Margarine, Pop Princess, Prince of Pop, Pop Cola, Pop Corn (na niluluto sa kaserolang sira na gamit ang gasera), Comedy King, Comedy Queen, Alas, tres na puso, dos na diamond, unggoy-ungguyan, tong-its, Darling of the Press, Dance Empress, Presto Ice Cream (tanda nyo pa to?), Queen of all media, Muti-media queen, Media Noche, Noche Buena (bukas na ito magaganap), Teleserye princess, grand slam queen, diamond record star, Pambansang Kamao, Pambanasang hayop, puno, at lahat na yata ng pambansa (Poll: Kung kayo ang papipiliin alin ang dapat ng itanghal na pambansang teleseye? A. Mara Clara B.Mula Sa Puso C.Amaya D.All of the above. Pakisulat po ang sagot sa malinis na papel, pirmahan, ilagay ang suking tindahan kalakip ang proof of purchase).
Hindi tayo nauubusan ng idea, ng salita, ng bansag, ng alyas kahit saang lupalop man tayo ng mundo. Kaya nga dito sa Dubai nagulat ako noong una na parang may sariling pauso na naman ang mga Pilipino. Some words are directly English or tagalog with different meaning. Minsan nakuha nila sa mga kausap din nila. Yung iba sadyang imbento lamang na di mo alam kung paano nakuha. But for the sake of learning some Arabic words as well (nasa Arab country nga naman ako), idadagdag ko din yung mga madalas na gamitin for everyone’s learning and information. Eto po yung mga madalas na gamitin sa araw-araw na buhay sa Dubai.
Paala-ala: Madaldal po ako alam nyo yan. Kaya ang bawat kahulugan ng salita ay maaaring maging kwento o alamat o pabula o nobela, depende sa uri ng salitang inyong mababasa. Game na? Eto na! (Not in alphabetical order hayaan nyo na).
Marhaba - hindi po mahaba may letter R po ito. Kung ang Pilipinas ay may Mabuhay! ang mga Arabo ay may Marhaba! o Welcome sa English (sabay sabay nating sabihin na puno ng saya at damdamin: Marhaba! Isa pa – Marhaba! Ulit uli – Marhaba! Very good!)
Salam Alaikum (pagbasa: Salamaykum) – this is a traditional Muslim greeting kagaya din ng pagsasabi natin ng Peace be with you. Madalas nila itong sabihin kapag may nakasalubong kahit anong oras kahit saan (sa atin namang mga pinoy kahit anong oras at kahit saan ang madalas nating sabihin ay “Hoy” or “Pssst” O wag tatanggi! Sure yan)
Pana – hindi po ito ang bow and arrow na alam natin kundi ang mga Indians sa Dubai. Imbento ito ng mga Pinoy mula sa makabagbag damdaming awiting “Indian Pana Kakana-kana, Tatlong Itlog Kakalog-kalog (awitin ng may tamang tono at puno ng emosyon). Kaya kapag nakarinig ka ng Pilipinong nagsabing “Anong lahi nyan? Pana ba?” Alam nyo na Indiano yan. (Juice ko ang mga Pinoy nga naman!)
Panadol – eto ang counterpart ng pinagsama-samang biogesic, medicol at neozep dito sa Dubai (opo gamot po ito). Pero dahil na naman sa mga Pilipinong malikot ang diwa, ang Panadol ay nangangahulugan na ding Indian (mula sa Pana na dinagdagan ng dol). Susmio!
Itik – alam kong hayop ito na mahilig magtampisaw sa tubig pero ang itik dito ay mga Indian na naman! Bakit? Kase sa dami nila madalas mo silang makikitang mamasyal na kumpol-kumpol at grupo-grupo na parang mga itik. So pag narinig mo uli ang isang Pinoy na nagsabing “Ang daming itik!”, alam mo na yan!
Indiano Gibbs – tama kayo! Mga Indian na naman. This time idinamay naman si Janno para di halata kase gasgas na daw ang word na Pana at halos alam na ng mga Indian na sila ang pinag uusapan so why not nga naman sabihing “Yung bago kong boss Indiano Gibbs”.
Patan – pinaiksing Pakistan. Eto naman ang mga kasing-dami din ng mga Pana sa Dubai, ang mga Pakistano. Paano makikilala? Pwede pong amuyin.
Lokal - siguro naman e nabasa nyo ang last blog ano? Sa hindi pa basahin mula sa simula (wag nyo nang ipacopy paste mahaba yun).
Kabayan – wala po si Noli de Castro dito at wala ding kulto na pinamumunuan nya. Yan ang tawag sa mga Pilipino sa Dubai. Hindi kababayan (kase parang tinapay daw) kabayan lang (o pwede ding kabayo depende sa itsura). Kaya kapag ibang lahi naman ang narinig mong nagtanong ng ganito “Are u Kabayan?”, alam mo na ikaw yan teh wala nang iba pa.
Filipini – tayo pa rin ito mga Kabayan. Madalas itong gamitin ng ibang lahi gaya ng mga Pana at Patan na hindi ko mawari kung pilipit ang dila o talagang bawal lang sa kanilang gumamit ng letter O (subukan ko kayang magtinda ng letter O dito baka ito ang maging simula ng aking tagumpay). Sila naman ang mariringgan mo ng “Are you Filipini? Filipini?” (sagutin ko kaya sila minsan ng “No I’m Indiani, Indiani).
Pare – ang mga kabayan nating lalake. Halos lahat na yata ng Pana, Patan, mga Arab nationals e pare ang tawag sa mga lalakeng kabayan natin dito. “Kumusta pare” “Where do you work pare” (bakit mag-aaply ka?)Where are you going pare” (bakit sasama ka?). At ang nakakatakot pa ang alam ng ibang lahi ang meaning ng Pare e Pilipino. Kaya ang kaibigan kong babae madalas masabihan na “You are beautiful pare” (totoo po ito).
Pasaload – yes! Kagaya ng iniisip nyo may pasaload ditto (pero wala pang Globe at Smart). And surprisingly, hindi mga Pilipino ang nagbebenta kundi mga Pana. Hindi nyo kailangang pumunta ng sari-sari store at magsulat sa notebook ng number nyo (o sa maliit na ginupit na papel o palara o ginupit-gupit na karton ng sigarilyo). Halos sa bawat kanto, sulok at iskinita ng Dubai basta may Pana at Pilipino ay naglaganap ang pasaload. Magugulat ka minsan na akala mo’y nagpapalitan ng epektos kapag napadaan ka at may bumulong ng “Pasaload. Pasaload”. Kaya kung may sumusunod sa inyo sa madilim na bahagi ng Dubai, wag matakot ihanda ang numero at ang 5DHS at presto may load ka na! (hindi ka gagahasain choosy sila).
I'm paining – madalas ko itong marinig sa mga Kabayan natin sa loob ng carlift kapag pagod na pagod after duty. Akala mo’y pasan nila ang daigdig at napagod sa maghapong pagsasaka habang namamahinga ang kalabaw. Ang pinagtataka ko lang ay hindi ba pwedeng ang sabihin na lang nila ay “Nakakapagod!” o kaya “Sakit ng katawan ko!” Baka sakaling inabutan ko pa sila ng Alaxan o Salonpas. Bakit naman kase I’m paining? Sosyal ba ito? (tandaan: may binabagayan yan).
Pinas – ang bayan nating minamahal. Hindi ko lang maintindihan kung dahil din ba sa katamaran ng mga kabayan na naging Pinas na lang o bawal din bang gamitin ang tingggal na letters na “lipi?”. Ironically (sosyal), lipi means lahi at yun pa yung nawala. Hmmmm. Interesting.
Ate – technically e ang mga nakakatandang kapatid na babae (o pwede ding si ate na nagtitinda ng gulay, tao sa sari-sari store, nakasabay mo lang sa jeep o babeng bigla mong napagtanungan ng direksyon dahil naliligaw ka na #windang). Basta maka Ate ka lang na wagas na wagas e ate na lahat ng babae sa paligid. At ganyan din dito. Ate ang madalas na tawag ng ibang lahi sa mga kabayang babae (kahit nga 2 years old ate na e). Kaya kapag nasabihan ka ng ate, wag na maooffend, ngiti na lang (choosy ka pa e kung sabihan kang kuya saka ka umeksena).
Kuya – siyempre counterpart ni Ate. Lahat din kuya, kahit sino kuya, kahit anong edad kuya, matanda man o bata, ano mang trabaho o estado sa buhay. One good thing I heard from an Arab guy as to why they are using Kuya to address someone is a sign of respect. Nakakatuwa din naman.
Same Same – ayan eto ang literal na paulit-ulit. Madalas gamitin ng mga Pana at Patan na tinolerate naman ng mga Kabayan. Ibig sabihin e pareho (obvious naman) pero di ko alam kung bakit kailangan pang ulitin (mahina kaya ang pandinig o may bonus points pag paulit-ulit?). Sample question (Kabayan asking): My friend, how are you today? Answer (let’s say Pana or Patan): “ Same same”. Translation: Ganon pa rin. Mabuti naman. Oh, wag kayong mawindang eto pa: Question: (Pana asking a Kabayan): “Are you from Nepal? (nasa 2nd article kung bakit. Pakibasa po uli). Answer (sagot ni Kabayan): No my friend. Why? Face are same same? Translation: O kayo na bahala assignment nyo yan. Additional assignment: Use same same in a sentence. To be submitted tomorrow.
Same Same but different – eto ang mas pinahaba, mas pinawindang, mas pinagulo at mas nakakapagpaisip na version ng “Same same”. Kung nagtaka na ako (at siguro’y kayo rin e tulala pa) sa paggamit ng same same, aba’y meron palang kapatid ito. Ang ibig daw sabihin nito e pareho pero magkaiba (ano to pang-adik? Pang mataas na IQ kaya ito?). Ayan subukan natin ang sample na naresearch ko. Question (si Kabayan uli ang nagtanong. Alam nyo na ngayon na hindi lang ako ang madaldal dito): “My friend, India also Pakistan?” (ang gulo ng tanong! Nasan ang subject-verb agreement Kabayan!) Answer (eto mas magulo to): “No. It’s same same but different”. O kayo na bahala mag translate ha? Matatanda na kayo. Sayang ang ipinagpaaral ng mga magulang.
My friend – kanino nyo pa nababasa ito alam ko. Kaya eto na ang meaning. The phrase my friend according to my research originated from some Arab nationalities although some are claiming that they started it (magpaparaffle ako ngayong Pasko kung kanino talaga ito nagsimula). And surprisingly, tayo na namang mga Kabayan ang naging suki sa paggamit nito (sanay na sanay sa pakyawan). Everytime maririnig ko na ginagamit ito parang gusto kong iready ang sash, scepter at korona at ibigay ang Miss Friendship award. Pwede itong gamitin sa lahat ng sentence, sa lahat ng oras, sa lahat ng pagkakataon, malungkot ka man o masaya, inaantok o nalilito o kahit sinasapian.
Yeah, No, Ha – mga paningit na salita sa unahan, gitna o hulihan ng isang pangungusap upang bigyang diin ang nais ipahayag na diwa (#AngGalingKoNaMagtagalog). Diretso na tayo sa mga sample. Kabayan explaining a product to a buyer: “This is very effective, yeah?” (ba’t ganon? Di ko mainitidihan kung naeexplain ba, nagtatanong, nanglilito at nanggugulo ng buhay o gusto nyang magpalit na lang sila ng pwesto ng bumibili). Isa pa: (Kabayan uli na dumedepensa) “I know how to do it, no!” (ayan very Pinoy lang ang tono. Mas effective gamitin kung puno ng galit at nanggigil sa kausap). Oh, yung huli kayo naman ang gumamit sa sentence. Tip: gamitin habang naglalambing (kaya nyo yan).
Kandura – naexplain na po ito sa last blog. Pakibasa po uli.
Abaya – naexpalin na po ito sa last blog. Pakibasa po uli. #paulit-ulit #KapagodMagtype
Boots – kung bakya ang sinasabing Pambansang Kasuotang Pampaa ng mga dalagang pilipina (kasama na rin ang hindi na dalaga, nagdadalaga, pangarap maging dalaga, feeling dalaga, at lahat ng mukhang dalag #isda), aba’y may sosyal (daw) na counterpart dito yan sa Dubai – ang boots. Lahat na yata ng kulay at design makikita mo sa mga kabayan suot ito. Kaya pag dumating na ang winter, ayan na nakalabas na ang mga boots at akala mo’y may fashion show sa kahabaan ng mga kalye ng Dubai. Pero ang nakakagulat, nakaboots pa rin sila kahit summer at tirik na tirik ang araw (mga 48degress lang naman). Di kaya sila naiinitan? O talagang bahagi na ng buhay nila ang magsuot nito? (Wag naman sana akong maging Congressman ng Dubai or else sure na ipapasa ko ang batas ng pagbabawal magboots pag summer #NaiinitanKaseAko).
Satwa – eto ang tinatawag na Little Manila of Dubai (saan kaya ang Big Manila? Soon to open kaya?). This is an area where you will see a lot of Kabayans, groceries and restaurants for Kabayans, at dito maraming nakatirang mga paupahang villas (hindi yan pangmayaman you’ll know later), mga flats (hindi rin masyadong pangmayaman malalaman nyo rin later). At mas makikilala nyo pa ang Satwa sa darating na panahon (hindi naman matagal hintay lang kayo).
Karama – another place na maraming Kabayan. Nandito ang Karama Shopping Center at Al Attar na parang nasa Tutuban ka lang (yes! Maraming replicas ng kung ano-anong signature and designer items #peke). At marami pang kwento for Karama in the next article.
Deira – isa uling lugar na maraming flats na mostly Kabayan din ang nakatira. Nandito naman ang hanay ng mga bars at gimik places na purely Pinoy (Pinoy bands, food, music, comedy acts, etc). #WaitForTheArticle
What to do – expression ng lahat na yata ng lahi dito na akala mo’y nawalan na ng pag-asa sa buhay kung makasabi ng wagas na wagas na “What to do?” (#PasanKoAngDaigdigPart2). Ituturing nating kapatid ito ni “I’m paining”. Pero mas madalas itong gamitin sa lahat na yata ng situation. Sample: “We don’t have water anymore! What to do!” (pinagsamang emosyon ng galit at kawalang pag asa. Mahirap bang humanap ng tubig? #OA #tamad).
Marami pang salita na inyong maeecounter sa mga susunod na episodes which I promise to give the meaning for better understanding. Sa dami ng tao at pangyayari sa Dubai sa araw-araw, di maiiwasan na makabuo ng bagong salita o makabuo ng mga bagong parirala (phrase ang meaning nyan). Subalit, datapuwat magkaiba-iba man ng salita ang bawa’t lahi dito, Pana ka man Kabayan o Patan, taga Satwa ka man, Karama o Deira, madalas ka mang magsabi ng “I’m paining” o “What to do”, nakasuot ka man ng Abaya o Kandura o mas feel na laging nakaboots sa pagrampa, ang mahalaga e lahat nagkakaisa. If they are saying that English is the most commonly used language in the world, with my experience in Dubai, I’d like to agree to that but I’d like to agree more that love is still the universal language. Sapagkat sa pagkakaisa ay may pag-ibig, at sa pag-ibig ay may pagkakaunawaan at sa pagkakaunawan ay ang kaisahan ng lahat.
*Credits to google for the photos
*Credits to google for the photos