Thursday, November 29, 2012

OFW DIARY: Kahon


BABALA: Hindi intensyon ng article na ito na manira o manakot o alisin ang tiwala at pag-asa ng mga nagpapadala at tumatanggap ng balikbayan box.  Ang tanging hangarin ay magbigay ng babala at paala-ala na mag-ingat sa pagpapadala at pagtanggap.  Magbasa at matuto. Ayan na. 
Hindi Maala-ala mo kaya ang tema ng usapan sa araw na ito.  Hindi rin episode ng Shake Rattle and Roll.  At lalong hindi game show (Kwarta o Kahon? Pera o Bayong? Laban o Bawi?).  Ang article na ito ay ang promised continuation ng episode last week about Balikbayan Box.  Sa mga hindi nagbasa at sa mga gustong magreview narito po ang link - http://pinoyofwindubai.blogspot.com/2012/11/balikbayan-box.html 
It is not all the time na nakakarating ng matiwasay ang mga balikbayan boxes sa mga mahal sa buhay. Mula sa bansang pinagmulan, sa biyahe nito sa barko (nahihilo din kaya sila?) sa mga bodega at immigration na dadaanan (na sana e walang nagaganap na lagayan) e mahirap din na basta na lamang ito makarating sa patutunguhan.  Pero lahat ng yan e kayang kaya ng kahon (super kahon?).  Wala pa namang insidente na balikbayan box na nagwelga o nagreklamo na nahirapan silang bumiyahe (Wansapanataym?).  Pero ang sigurado e yung mga nagpadala at nakareceive na nagreklamo sa maraming dahilan.  Minsan e laslas ang kahon o butas o sira o may bawas ang laman o walang laman totally or wala ang kahon at hindi na nakarating.  .Pwedeng may scam na naganap, may problema ang cargo company, may problema ang nagreceive sa Pinas for delivery or nagkapatong-patong na ang problema.  Here are some of the incidents that happened na nasaksihan ko at narinig ko sa ilang kakilala (tsismis na naman?):
FIRST TIME NI NINAY
Excited si Ninay (di tunay na pangalan o pwede ding tunay na pangalan bahala ka na) na magpadala ng balikbayan box sa Pinas for the first time!  After more than 5 years of staying in Dubai, sinubukan nyang magpadala ng kahon na nakakapagpasaya at nakakasorpresa sa mga kapamilya (at kapuso at kapatid) para maipadala ang mga lumang gamit at ilang bagong gamit sa Pinas. Excited ang family tree!  At excited din si Ninay.  Pero lumipas ang isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim (kayo na ang bahalang magtuloy ng pagbibilang) na walang dumating na kahon.  Hindi na umasa si Ninay at ang pamilya.  And after checking the reason behind the case, hin di malinaw kung nagsara na ba ang cargo company na walang pasabi, babala at kung ano pang dapat gawin.  Hindi na rin nalaman kung san napunta ang kahon at di na rin naibalik ang nagastos ni Ninay.
INTERESTETING FACT: Nalaman lamang ni Ninay ang real status ng cargo company after ng dinner get-together nila ng kanyang mga kaibigan.  At dahil sa malasakit, research at facebook, nalaman na blacklisted na pala ang company na ito.  Malalaman nyo later ang iba pang company na kasama sa listahan ng mga damuho at walang awang dapat nang magsara at mademandang mga walang habas at pakundangang mga cargo company #HighBlood. Ang cargo company ni Ninay? Rhoda Cargo.
SIGAW NG KATARUNGAN

About 3 or 4 months ago (di ko na maalala #Ulyanin), e naghanap kami ng branch ng LBC para kumuha ng kahon at mag inquire ng prices for TV cargo at small box (remember the sizes and the categories? Magreview may quiz bukas).  At matapos ang 3 araw ng paghahanap (di kase namin makita kaya pabalik-balik) e narating namin ang LBC office na puno ng saya, excitement at ngiti.  Ngunit subalit datapuwa’t ang mga nararamdaman naming ito ay biglang napalitan ng gulat at pagtataka dahil sa narinig at nasaksihang sigawan sa loob ng opisina.  Mali kaya ang napuntahan namin at presinto pala ito? May shooting kaya or contest ng palakasan ng sigaw? May drama rama kaya sa hapon o Kapamilya Gold or primetime?  Mali ang lahat ng ito.  Ang sumisigaw e mga kabayang nag-aalala, naguguluhan, nagagalit, natatakot, naiinis, nasusuya, at nakakaramdam ng matinding poot sa LBC dahil sa kanilang mga balikbayan boxes #GalitNaGalit2012.  Karamihan sa kanila ay inabot na ng ilang buwan ang bagahe na hindi pa rin nakakarating.  Sinubukan kong iconnect ito sa pagsasara ng nabankrupt na LBC Bank sa Pinas at mga branches na madalas maholdap pero hindi naman daw dahil doon.  Ang matindi, hindi rin masagot ng mga agent ang tunay na dahilan at nagsabi na lamang na maghintay hanggang makarating ang balikbayan sa patutunguhan.  Seriuosly? Hanggang kelan. #Abangan
 INTERESTETING FACT: Hindi na namin nalaman kung nakarating pa ba o hindi ang mga kahon ng mga nagrereklamong kabayan sa opisinang iyon dahil hindi naman namin sila kilala (Ano hahanapin pa namin? Tsismosa lang?).  Kumuha kami ng small box sa LBC at napuno ito ng mga ipapadala sa Pinas pero ibang cargo service ang pinili namin dahil sa pangyayari at dahil sa presyo.  Pwede pala ito!
ATBP.
Namiss ko ang atbp kaya ito ang title (walang pakialaman).  Seriously, ang segment na ito ay ang mga pinagsama-samang documented na reklamo ng mga kabayan nating OFW all over the world.  May butas na kahon, may di nakarating, may nabawasan ang bilang ng laman at marami pang iba.  Click the link and read them to witness the experiences of our fellow OFWs all over the globe (sample lang yan pwede din kayong magsearch ng iba pa).  
DAPAT BASAHIN
At para sa karadagdang impormasyon, madalas na naglalabas ng babala ang DTI para sa listahan ng mga blacklisted na cargo companies na dapat iwasan.  Ito ay para na rin sa kaalaman ng mga kabayan natin at para sa pag-iingat lalo’t higit na madalas ang mga scam na nagaganap especially that the Christmas season is coming.  Here’s an email that I received regarding the warning (this may not be updated.  For the update list of blacklisted and those na tinanggal sa listahan please check the DTI website:
Email received on October 2012.
MANILA - (UPDATED 7:03 p.m.) Ahead of the holiday gift-giving season, the Department of Trade and Industry has blacklisted 23 local cargo forwarders and their 28 foreign counterparts following rising complaints of undelivered balikbayan boxes.
The DTI on Tuesday identified the following local freight forwarders as having no accreditation with the department’s Philippine Shippers Bureau, and as having been the subject of complaints on undelivered packages:
- 2GO Express Inc.;
- Aerosend;
- Alas Cargo Phil.;
- Associated Consolidation Express;
- Dausan International Forwarder;
- FACF Parcel Delivery;
- FRS Philippine Freight Services Inc.;
- International Cargo Forwarder;
- J.J. Transglobal Brokerage;
- JAR Cargo Forwarders;
- Mail Plus Cargo Carriers;
- Manila Broker;
- Maru Cargo Logistics Phil.;
- R&M Cargo Services;
- Rodah Cargo Manila;
- South Atlantic Cargo Inc.;
- Trico International Forwarding (Phils) Inc.; and
- VCG Customs Brokerage.
The following companies, while accredited, have been blacklisted and subject to DTIshow cause orders because of complaints on undelivered balikbayan boxes:
- D’ Winner Logistics Phil. Inc.;
- LCSN Express Movers Inc.;
- MC Plus Inc.;
- Transtech Global Phil Inc.; and
- Wide wide World Express Corp.
The DTI-PSB also blacklisted 28 foreign principals and overseas consolidators that had been the subject of complaints on undelivered packages (see table below).
 
“Overseas Filipino workers who will send their balikbayan boxes and their consignees in the Philippines should book their packages only with reliable and PSB-accredited freight forwarders and Philippine agents to ensure that their packages will reach their destinations,” said Victorio Mario Dimagiba, DTI-PSB director-in-charge, in a statement.
“Senders may verify the company name of the Philippine sea freight forwarder counterpart at www.dti.gov.ph, or they may visit our Philippine Consulate offices abroad,” he said.
Dimagiba said foreign principals and cargo consolidators overseas must have local counterparts that are accredited by the DTI-PSB if it is a sea cargo forwarder and the Civil Aviation Authority of the Philippines if an air cargo forwarder.
He also warned cargo senders from abroad against very low door-to-door rates that some foreign principals offer. “With low rates, they [foreign principals] do not have enough funds to bear the cost of transporting cargoes, and they fail to remit delivery funds to their Philippine freight forwarders, causing the shipments to be abandoned at the ports and not being delivered to consignees,” the DTI official said.
“For consignees in the Philippines who have not received their packages from freight forwarders, they may contact DTI (02-751-3330) or go to PSB office to file an immediate claim or complaint,” he added.
And upon searching online narito ang ilan sa mga link na may update regarding the same issue:
Again, hindi intensyon ng artikulo na ito na siraan ang mga cargo companies o manakot ng mga kabayan.  Babala lamang po.  Mas mabuti na ang nag iingat dahil hindi biro ang magpuno ng kahong pambalik-bayan at magpadala nito sa Pinas.  Dugo’t pawis ang puhunan kaya kailangang pag ingatan ang pinaghirapan.
Credits: Thank you google for the photos. Sa uulitin.

Wednesday, November 21, 2012

BALIKBAYAN BOX


Cargo. Bagahe. Small Box. Jumbo (hotdog?). Makati Express (hindi ito bus). LBC (hindi bangko na nagsara at hindi padalahan na madalas maholdap). Sea Cargo or Air Cargo (pili na). Mahiwagang Kahon.  Kahon na nagpapasaya sa pamilya (Vice Ganda?). Kahon na punong puno ng sorpresa. Kahon na nagpabutas sa bulsa. Kahit ano pang itawag mo e Balikbayan Box ang kababagsakan ng usapang ito (ayun naman pala. Nasa title na nga e).  At dahil malapit na nga ang Pasko at Bagong Taon e ito rin ang pinakabusy sa lahat ng panahon sa dami ng nagpapadala ng balikbayan box sa kanilang mahal sa buhay sa Pinas nasaan mang sulok sila ng mundo.  Totoo naman na nakakapagpasaya at nakakasorpresa at nakakamangha at nakakagulat at marami pang nakaka kapag nakareceive ka ng ganito.  Excited kang buksan ang kahon na nakakapagtaka kung bakit napakakapal ng pagkakabalot at pagkakapulot ng masking tape, scotch tape, ducking tape, cassette tape at marami pang klase ng tape.  Pero kasabay ng saya at tuwa sa pagbubukas nito at pag-aagawan ng pamilya sa laman ng kahon, natanong kaya natin kung anong hirap at adventure ang pinagdaanan ng kapamilya (o sige kapuso na rin at kapatid) na nagpadala nito sa atin?  Mahaba na naman ang introng ito kaya simulan na nating pag-usapan ang mga bagay-bagay na dapat nyong malaman tungkol sa balikbayan box (galing Dubai. Di ko alam yung galing Greece, US, Canada, South Africa at kung saan-saan pa pero mukhang halos pare-pareho lang naman). I will try to answer some of the most famous (sikat talaga? Artista?) questions about this topic at para na rin mamulat sa katotohanan (ano to pangongosensya?) ang mga kabayan natin na tumatanggap ng mga boxes na ito.  Hindi kase basta basta magpadala, mahirap din siya talaga.

At para lang maisingit ang accepted definition ng balikbayan box, narito po at nagbabalik ang other best friend ko na si Wikipedia - http://en.wikipedia.org/wiki/Balikbayan_box.

ANG APAT NA SULOK NG KAHONG PAMBALIK BAYAN

Magsisimula ang lahat sa kung gaano kalaki ang kahong ipapadala sa Pinas.  Wala pong kahon ng sapatos at wala ding kahon ng sigarilyo. May 3 categories ang balikbayan boxes (o mas marami pang category pero gagawin ko na lang tatlo wag nang magreklamo).  Narito po sila:

Small – pwede ding tawaging bulilit box at kung ano pang gusto nilang itawag (bahal na sila mag imbento ng pangalan. Pwede ka ding mag imbento. Ano gusto mo itawag?). Ito yung pinakamaliit pero sa totoo lang e parang pinakamahirap punuin. Ang presyo nito ay naglalaro sa AED 120 pataas.  Kung tutuusin e mura na ito.  Ang nagpapamahal e yung ilalaman sa loob dahil kailangang mapuno ito at hindi pwedeng aalog-alog.

Medium – Ang presyo naman nito ay from AED 180 and up depende sa company.  Siyempre mas malaki ito sa small kaya nga medium.  Never ko pang natry ito kase madalas na either small or diretsong big agad kung magpadala kami.  Medyo alanganin kase ang size pero kung ito ang trip na ipadala sa yo ng kapamilya (at kapuso at kapatid, paulit-ulit na ako) e wag ka nang choosy.  Tandaan mo na napakahirap magpuno ng balikbayan box.  

Large – Tinatawag din itong Jumbo or Mega.  Padami ng padami ang tawag pero ang totoo e basta ito ang pinakamalaki at minsan e inaabot ng 6 months bago mapuno hanggang maexpired na ang laman ng mga pagkaing ipapadala o matuksong kainin na lamang hanggang tiniklop na lang ang kahon o pinaglagyan ng maduduming damit na lalabhan at hanggang hindi na natuloy ang pagpapadala.  AED 230 pataas ang presyo nito.  

Sea cargo ang mga presyong nabasa ninyo.  Meaning sa barko ito sasakay at usually e inaabot ng isang buwan ang delivery o mahigit pa.  Iba ang presyo kapag Air Cargo na sa eroplano naman isasakay (opo eroplano hindi sa ibon).  Mas mahal ito dahil per kilo ang presyo nito. Pakiresearch na lang po para naman may magawa ding mabuti sa araw na ito #TamadAko

Marami ding mga promo sa pagpapadala ng Balikbayan Box. Minsan e halos 20% ang discount at minsan pa nga e pag nagpadala ka ng Large e libre na ang charge sa small (define buy 1 take 1).  Tuwang tuwa ang magpapadala dahil nakajackpot daw only to realize na paano pupunuin ang pangalawang kahon? Yan ang malaking tanong.

DUGO’T LAMAN.

Walang bata sa loob ng kahon.  Pero sure na dugo’t pawis ang puhunan para makapuno ng isang balikbayan box malaki man ito o maliit. Pagkadeliver ng kahon sa flat or villa, magsisimula na ang plano kung pano at kalian pupunuin at finally e ipapadala ang balikbayan sa mahal sa buhay sa Pinas (excited. Aminin).  Maghihintay ng sale sa mga mall at iba’t-ibang establishments para makamura at unti-unti’y magkakalaman ang kahon hanggang sa mapuno ito.  According to survey and to experience, narito ang mga bagay na madalas laman ng mahiwagang kahon na nagpapasaya at punong-puno ng sorpresa:

KASUOTAN – papasok sa kategoryang ito ang mga damit at sapatos.  Mga damit na may tatak ng Dubai or I love UAE at mga damit na nabili sa sale ng H&M, Forever 21, Splash at siyempre from Day to Day (assignment: Alamin kung ano itong Day to Day at hanapin ang commercial sa Youtube.  Ano ang naramdaman mo matapos mapanood ang commercial? Be honest.) Dito rin papasok ang mga sapatos na ipinagbilin pa ng mga kamag-anak kasama ang sukat ng paa na nakadrawing sa karton.  Pero hindi lahat bago ang nasa katergoryang ito.  Mas marami ang mga damit na gamit na pero di naman sira pa.  Mga damit na hindi na kasya o di na uso o basta ayaw na lang.  At mga damit na ito ang nakakatulong ng malaki para mapuno ang kahon ng walang kahirap-hirap.  Sila din ang nagsisilbing pangbalot ng mga mababasag na item gaya ng kape, juice at maraming iba pa. #DiskartengPinoy.

PAGKAIN – dito na papasok ang mga imported na pagkain na excited matikman sa Pinas. Pasok sa banga ang chocolate (na mas mura pa sa bigas dito sa Dubai), kape (pero Nescafe din naman ang tatak. Ewan ko ba), Pringles at marami pang Pringles, asukal (naghihirap na ba ang Pinas o sadyang mataas talaga ang presyo? Hmmmm… Subukan ko kayang magtanim ng Tubo sa gitna ng disyerto), palaman gaya ng peanut butter, Nutella, at kung ano ano pa na nagdudulot ng tonsillitis, canned goods gaya ng walang kamatayan at di pinagsasawaang corned beef, pork and beans, Spam, luncheon meat at marami pang de lata na kailangang ibalot sa diyaryo.  

PAMPAGANDA – shoot sa halimaw sa banga ang umaapaw na lotion, sabon, pabango, make-up (basta hindi mababasag) at marami pang nagpapaganda daw.  Madalas na inipon na ang mga ito kapag sale ng Victoria Secret at Bath and Body.  Kailan ito nagaganap? Magreview, basahin ito - http://www.pinoyofwindubai.blogspot.com/2012/06/susmaryosep-ang-init.html

GADGETS – sa totoo lang e hindi ito advisable sa kadahilanang maaari itong mabasag o makabasag ka ng bungo ng magdedeliver kung mawawala ito.  Pero marami pa ring kabayan ang sa kadahilanang nais makamur ang pilit isisiksik ang psp, laptop, camera at iba pang electronic materials sa balikbayan box.  Safe naman ang mga TV na ipapadala sa Pinas dahil may sariling category ito, sariling lalagyan at may sariling pag-iingat, kaya may sarili ding presyo na may sariling sakit sa bulsa dahil sa taas nito.  Naglalaro ang presyo mula sa AED 400 (o pwedeng tawaran ng AED 350) pataas depende sa laki at sa company.

DIYARYO – Korek. Sa maniwala ka o sa hindi e diyaryo ang pinakasikat sa lahat.  Ito kase ang magpupuno sa kahon lalo na kung naubos na ang budget at kailangang siksik na mabuti ang balikbayan box.  Kaya kung pagbukas mo ng kahon at nakakita ng maraming dyaryo, walang balita na naghihintay sa yo kaya wag magalit at magtaka, baka yung laman lang na kalahati ang nakayanan ng mahal mo sa buhay. Buti nga pinadalahan ka pa e. Magpasalamat na lang at wag na rereklamo. Intiendes? Hmmmp…

Marami pang bagay na madalas laman ng balikbayan box.  Pero di ko na iisa-isahin.  Sabi nga ng kasama ko sa opisina, basta may sulat na Arabic at tunog imported masaya na ang pamilyang makakatanggap sa Pinas.  Ang importante e nagpadala at natanggap ng tama sa oras.

May mga kabayan na quarterly kung magpadala ng balikbayan box.  Meron din namang every 2 months, every 6 months, once a year especially kung Pasko at merong virgin o wala pang experience.  Pero kahit siguro isa or dalawa or kahit araw-araw pa yan o small, medium large or jumbo pa ang size nyan, o bago o lumang damit at sapatos, dalawang pirasong toblerone o isang latang corned beef and the rest e diyaryo na, ang mahalaga e yung totoong laman at intensyon ng pagpapadala.  Sure ako na puno yan ng pagmamahal na galing sa pagsisikap ng mga kabayan nating OFW dito sa Dubai.  Puno yan ng lambing at pag-aalala sa mahal sa buhay kasabay ang wish na sana magustuhan nila ito.  Sapagkat ang balikbayan box ay hindi lamang simpleng kahon na puno na materyal na bagay.  Totoo nga na ito ay kahon na puno ng sorpresa at nagpapasaya at ito ang kahon na puno ng pagmamahal sa pamilya (at kapuso at kapatid. Haaaay. Kapagod).

PATALASTAS: Maraming cargo company sa Dubai at sa iba pang parte ng mundo.  Pero hindi lahat pwedeng pagkatiwalaan.  Yan ang susunod na kwento at ang mapapait (ampalaya? Diatabs?) na karanasan ng ilan nating kabayan.  Abangan. Next week na agad. #UraUrada
PASASALAMAT: Thank you google sa mga larawan.

 

Monday, August 27, 2012

OFW Diary Special Edition: TULONG


It took me awhile para masundan ang blog ko.  Sinubukan kong simulan ang isang very light topic for everyone pero hindi ko matapos tapos dahil na rin marahil hindi ko pa nagagawa ang isang misyon na matagal ko na dapat nasimulan.  It is about time to give back and extend our help sa isa nating kabayan dito sa Dubai.  Narito po ang kwento:

When I was still doing sales at naassign ako sa isang mall, marami akong naging kaibigan (kahit saan naman yata sa sobrang daldal ko #Karisma).  Halos lahat yata ng mga katabing stores e nakilala ko na especially ang mga kabayan natin.  At doon ko din nakilala ang isang ama sa kwentong ito – Si Vernon.  Tubong Taguig at may asawang taga Laguna at dalawang anak na naninirahan ditto sa Dubai.  Nagsusumikap para makasurvive ang pamilya hanggang dumating ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang buhay.  Nagkasakit ang isa nilang anak.  Ang nakasulat sa medical history ng bata “the family noticed change in his behavior over the last month as well as unsteady gait, crossing of the eyes, banging of his head and slurred speech”.  Nagsimula itong mangyari noong isang taon (2011).  3 taon pa lamang ang kanilang anak.  At matapos nga ang pagsusuri ng mga doktor, nalaman na ang bata ay may Brain Tumor. 

Hindi nagpatalo ang mag asawa sa pagsubok na ito (may isa pa silang anak na salamat sa Diyos at maayos naman ang kalusugan).  At sa halip nga na malugmok sa dusa at pasakit, gumawa ng paraan ang mag-asawa para sa pagmamahal sa kanilang anak.  Lumapit sila sa isang ospital para humingi ng tulong medikal.  Suntok sa buwan ang kanilang gagawin dahil sa dami ng humihingi ng tulong sa ospital but still they tried their luck para sa anak nila.  Sabi pa nga ni Vernon may kasabay silang bata na dilaw na ang kulay dahil sa sakit sa atay pero hindi pa rin napagbigyan noong araw na iyon L Bumalik sila hanggang maganap ang isang himala.  Ang lokal na nakassign sa social welfare ng ospital ay nagkataong nakaleave at pansamantalang pinalitan ng isa nating kabayan. Dahil sa mabuting puso ng kabayan nating ito, approved ang treatment ng bata for free (salamat po Lord).  And it was exactly July of last year when the treatment started.  Radiotherapy and chemotherapy ang isinagawa.  Pabalik-balik at paulit-ulit silang bumabalik sa ospital para sa regular treatment ng bata.  Pero kung libre nga ang proseso hindi naman sila nakaligtas sa gamot na umaabot ng halos AED 4,000 (o mahigit 45,000 pesos every month).  Tumigil na sa pagtatrabaho ang asawa ni Vernon para alagaan ang bata.  Habang si Vernon naman ay kumikita ng kulang pa sa AED 4,000.  Humingi na sila ng tulong kung saan-saan at kung kani-kanino para sa kaligtasan ng anak.  Salamat at may mabubuting kaibigan at kabayan na laging handa at bukas ang mga palad para makatulong.

Subalit hindi yata matatapos ang pagsubok ng ganon na lamang.  After exactly one year of treatment, iba ang naging advice ng mga doktor.  Hindi na daw nila itutuloy ang treatment sa pangambang mas magdulot ito ng malaking problema.  Maaari daw matunaw ang utak kasabay ng pagtunaw sa tumor.  Sa madaling salita, wala na silang nakikitang iba pang pwedeng gawin para sa survival ng bata L Nang tanungin ko si Vernon sa kalagayan ng anak nya, masayahin daw ito pero dumadating sa point na inuumpog ang ulo sa pader dahil sa sakit pero nagpapakita ng lakas para lumaban (imagine that from a 3 year-old kid).  So ano na nga ba ang plano ng pamilya?  Binalak nilang umuwi na ng Pilipinas last July para doon ituloy ang treatment ng kanilang anak at humingi ng second opinion.  Subalit sa kasamaang palad e nagkasakit ang bata ng bulutong tubig na nagdagdag sa pangamba ng mag-asawa.  Sa tulong ng mga dasal ay gumaling na ito at nagpaplano na nga silang umuwi ng Pinas this September.  Wala nang treatment as advised by the doctors here in the UAE pero bumabalik sila for check-up.  Malaking halaga pa rin ang kakailanganin ng mag-asawa para sa tuluyang pagpapagamot at sa pag-uwi nila ng Pilipinas.  Sabi nga ni Vernon, umaasa na lang sila sa himala.

Kung nakatulong ang iba, bakit hindi ako bakit tayo?  And so I decided to write this episode para makapagpaabot tayo ng tulong sa mag-asawa.  Prayer is needed definitely.  At sa mga nakakahigit nating kababayan na nakakabasa nito, anumang tulong o halaga na pwede nating maishare sa mag-asawa para sa paggaling ng kanilang anak will be highly appreciated.  Thanks in advance for my officemates na handang tumulong.  Kung nasa UAE ka kabayan at handa ka ding tumulong, leave a reply or a message para malaman kung papaano.  Para sa mga nasa Pinas, I will talk to the couple kung paano ninyo mapaparating ang tulong.  For those who wants the medical record and report of the child, I can also send it if needed.  Sa mga kabayang may kaibigan, kakilala o kamag-anak na doktor, let’s help them.  Ang tulong ay hindi nasusukat sa liit o laki maging sa gaan o bigat nito.  Kahit ano pa man yan, basta nakatulong ka kabayan, salamat.  Para saan pang tinawag tayong Pilipino kung hindi natin ipapakita ito. 

 

*updates will be sent regarding the child’s condition in the upcoming episodes. Salamat kabayan.

* thanks google for the photos.

Saturday, June 30, 2012

SUSMARYOSEP, Ang init!


Tag-init na!  At habang umuulan na sa Pinas at sunod-sunod nang pumapasok ang mga bagyo at nagbabantang umapaw ang mga dam (wag naman sana) e tagaktak naman ang pawis naming mga kabayan dito sa Dubai (Tagaktak n. dripping of sweat; shedding of tears; downpour #EksenangDictionary).  At bago ko simulang ishare ang mga summer experiences and escapades  dito e alamin muna natin ang climate ng Dubai (Kuya Kim, pasok!).

Mas mahaba ang tag-init sa bansang ito kumpara sa tag-lamig.  Sabi ko nga sa previous articles ko na nagsisimulang magparamdam ang init pagpasok ng May or minsan as early as April.  At magsisimula naman ang taglamig pagpasok pa ng November or December.  Pinakamalamig ko nang naranasan ang 10°C (na minsan e mas mababa pa daw) at pinakamainit ang halos 50°C (grabe!).  Umuulan sa Dubai pero kung pagsasama-samahin ko ang ulan sa buong taon e baka pang isa o dalawang araw lang ito in total (nagtitipid?).  Para sa mas malawak na kaalaman ukol dito, please welcome my friend, wikipedia - http://en.wikipedia.org/wiki/Climate_of_Dubai.

Entering Satwa habang sinasalubong ng DSS logo
Nakakatawang isipin na kapag umabot ng 35°C and temperature sa Pinas e madalas na tayong magreklamo na di na kakaynin ang init, na bubuksan na ang lahat ng electric fan at aircon, na magsasando o maghuhubaran na ang lahat (magbra ka ate) at kung ano-ano pang reklamo.  Hanggang makarating ako ng Dubai at maexperience ko ang “totoong init” (may peke na naman ba? Pati ba init may imitation na rin?).  Imagine 40°C paggising mo pa lang at 35°C bago ka matulog.  Susmaryosep.  And to think that we need to walk siyempre pag papasok at pauwi ng bahay or kung may bibilhin ka. Ok pa sana ang init pero yung humidity ang minsang nagpapahirap ng sitwasyon. Akala mo e nasa loob ka ng pugon (pandesal?) na humahampas (walis?) sa mukha mo ang init. Yan ang totoo.  E ano ba namang magagawa namin e disyerto ang Dubai na pinaunlad lamang at tinayuan ng nagtatayugang mga gusali.  At dahil nga sa sitwasyong ito e siyempre naka aircon ang lahat ng bahay (sosyal).  Hindi pwedeng wala or else patay kang bata ka.  So kaunting lakad sa init, sakay sa airconditoned na bus or train or taxi, baba at lakad sa init hanggang makarating ng office na may aircon na uli.  Pwedeng ding pumasok sa loob ng mall kahit as early as 6AM. Hindi bawal dito pati sa mga building para lang tumawid sa loob at makaramdam ng lamig.  Hindi din bawal yan dito. Naalala ko tuloy na bawal yan sa Ortigas. Pag nakidaan ka sa loob ng building e haharangin ka ng guard!  Kaya tuloy di na ako naniniwala sa sabi ng matatanda na pag galing sa initan e wag agad papasok sa malamig or else magkakasakit. E di sana malaking ospital na ang Dubai kung tooto yun. E hindi naman pwedeng galing sa init e sa init na lang maghapon. Susmaryosep. 

Kapag tag-ulan, iisipin agad natin sa Pinas na masarap ang sabaw, bulalo, champorado na may tuyo, etc (namiss ko bigla L).  At halos ganyan din naman sa tag-init.  Papasok sa eksena ang buko juice, ice candy, sa malamig, sorbetes, halo-halo at maraming iba pa (mas lalo ko namiss L L).  Sinusubukan din naman naming labanan ang init (kontrabida?) sa maraming paraan (except paghuhubad. Bawal. Mahuhuli).  Sa paanong paraan nga ba nalilibang ang mga Pinoy sa Dubai pagsapit ng tag-init.  Ayan sa baba. Basa.

DSS


Modhesh (#PinoyPride)
Ano ba itong DSS na ito. SLR camera ba ito? Pasyalan? O natripan ko lang na gumawa ng acronym? DSS stands for Dubai Summer Surprises.  Korek! Mge eksena ng pangsorpresa by means of shopping.  Sa madaling salita, sale na walang pakundangan.  At kapag sinabi mong sale sa Dubai, totoong sale talaga (may peke ba?).  Ito ang bansang may sariling Shopping Festival taon-taon na dinadayo ng mga karatig bansa pati  mga taga Europa (#shopaholics).  Nagaganap ito ng around February every year for about a month.  Susunod naman ang DSS pagpasok ng summer na isang buwan din.  Susundan ito ng Ramadan Sale na isang buwan din. Susunod ang Eid Sale, Gitex at marami pang mga sale na masaya at masakit sa bulsa (#BestInSale2012).  Pero since DSS season ngayon, ito ang pag-usapan natin.

June nagsisimula ang DSS at malalaman mo ito kapag napadaan ka ng mga tulay na puno na ng announcement at banderitas (fiesta?).  Kapag napagawi ka naman sa bandang Satwa (lugar ito hindi ahas) e makikita mo sa round about ang ilaw na nagsasabing humanda ka na kase sale na (sana lang may pera).  At ang isa pang hudyat ng pagsisimula ng DSS ay ang paglabas ni Modhesh.  Siya ang official mascot ng shopping festivities na hindi ko mawari kung anong character ba ito.  Jack in the box daw (yung lumalabas sa kahon na nanggugulat pero di naman ako nagugulat) at marami pang characterization sabi ng iba.  Pero ang totoong nakakamanga about Modhesh e ang malaman na Pinoy pala ang nagdesign ditto (#SuperProud).  Para mas makilala pa si Modhesh basahin ito - http://www.dubaievents.ae/en/section/modhesh.

And since DSS is all about shopping and a lot of sale and discounts, pag-usapan natin kung ano nga ba ang madalas bilhin ng mga kabayan natin kapag ganitong season.

Pabango, lotion at marami pang pabango at lotion (#paulit-ulit #kaumay)

Madalas na maglaban ang Victoria’s Secret at Bath and Body Works kapag ganitong panahon ng harbatan sa benta (suntukan?).  Kung nabibili natin sa Pinas ang isang bote ng Victoria o Bath and Body ng halagang 500pesos pataas (o 600pesos hanggang 800pesos kapag hulugan depende sa tagal ng pagbabayad hanggang tumakbo na ang may utang at nasira na ang friendship), naglalaro naman sa AED25 or AED40 ang presyo nyan dito.  Sa mga gustong magconvert gamitin ninyo ito - http://themoneyconverter.com/. At kapag naman dumating ang DSS at iba pang more more sale moments, bumababa ang presyo sa AED5 or AED10 na ikinakaloka ng mga kabayan natin (kasama na ako) na talagang nagpapanic buying na akala mo e nasalanta ng bagyo na nag uunahang makabili ng bigas at de lata. Hindi alam kung paano pagkakasyahin sa cart ang pinamili! At ang sagot, mahal na kase sa susunod or ipapadala or itatagong pasalubong or ibebenta sa Pinas (tama din nga naman #NegoSyete).  Sa mga ayaw maniwala, ayan po ang picture ng mga pinsan kong nagpanic buying last week lang.



Electronic Gadgets

Ito ang talagang dinadayo ng maraming nilalang mula sa iba’t-ibang planeta.  Kapag sale naman kase e ramdam mo ang pagbaba ng presyo ng bonggang bongga.  Makakabili ka ng 32’ flat screen (wala na akong nakikitang CRT e yung TV na kuba) sa halagang AED800 na may libre pang plantsa or blender (kaloka).  Ito namang kaofficemate ko na pinagpala sa sale e nakabili ng 40’ LED Smart TV (yung pwedeng mag internet sa TV #kainggit), sa halagang AED2, 300 (na originally e AED3, 500) at may nakuha pang libreng Xbox at home theater system! Juice ko! Sila na ang nanalo sa harbatan!  At hindi nagpatalo ang pinsan ko na naman (hobby nila magshopping) na bumili naman ng laptop sa halagang AED1, 200 na may libreng external hard drive, external cd reader and writer, mouse, bag, at camera (#SobrangInggitNa).  Kasama din madalas sa sale ang mobile phones. Blackberry bold (yung basic) is currently at AED500 at marami pang phone na mura kasama na ang mga tablet (hindi gamot).  Ito yung ilan sa mga stores where you can find a lot of items on sale:

-          Dito ka malilito sa dami ng gadgets na almost all the time e may promo.  Paborito naming puntahan yung mga items nila na sa “basket” na super bargain gaya ng 16gb usb na AED15 na lamang ang presyo.

-          Another gadget hub.  Hindi ka rin mauubusan ng choices sa tindahang ito.  At yung malaking branch nila e napakalapit sa bahay namin. 5 floors yata ito na gadget ang laman lahat.  Para kaming kinakawayan at nagsasabing “halika, mamili k at ubusin mo ang pera mo”, buti na lang di kami nakikinig sa kanya. Hmmmppp….

-          Isa pa itong si Jacky’s na di ko mawari kung si Jacky Chan, Jackie Lou Blanco o si Jack and the Beanstalk ang may ari (#waley).  Sandamakmak din ang choices hanggang mailto ka na at di ka na bumili.

-          Another electronic haven.  Dagdag pang-lito kapag naghahanap ka ng gadgets and electronic items.  Kagaya ng mga naunang nabanggit, marami silang branches all over the UAE sa iba’t-ibang mall at may mga sariling buildings at pwesto din.

Marami pang iba pero yan ang top 4 na nakapasok sa survey.  Try to browse and see the items.  Enjoy.




Damit, sapatos at iaba pang bagay na nasusuot

Another good thing about DSS and other promos in Dubai e yung mga mababang presyo ng damit at sapatos.  Dito ka makakakita ng super sale talaga na kahit di mo yata masusuot e bibilhin mo (#Harbatan2012).  E kase ba naman ang mga signature brands bumababa ng AED20 ang isa.  Kasama na din ang mga department stores sa loob ng malls gaya ng Forever 21, H&M, Bloomingdales, Galeries Lafayette, Splash, Center Point (hindi SM Sta. Mesa) and more.  Sa mga stores na yan din mismo nataranta ang Nanay ko sa pagbili ng bag na murang mura din naman talaga.  Sa mga stores din na yan kami madalas makabili ng t-shirt na worth AED20 lang ang isa (may collar o wala).  Isang experience naman naming sa panghaharbat e nang magsale ang isang shoe store last year na DSS where you can buy Vans and Pony shoes sa halagang AED90 lamang! Panic buying kaming magkakapatid sa sobrang mura.  At ngayong week na ito, nararamdaman ko na may magaganap na panic buying ng Lacoste at Converse dahil super sale sila. Hmmmmmm. Mukhang matutukso ako.

ATBP.

Hindi nawawala sa mga articles ko ang category na ATBP kase ang daming bagay na di mo mawari at maipaliwanag kahit anong usapan pa yan.  Kagaya na lang tuwing DSS kung saan hindi lamang gadgets, damit o sapatos ang pinagkakaabalahang bilhin ng lahat. Kasama na sa category na ito ang mga pasalubong at balikbayan box items gaya ng murang Pringles (na AED10 ang 4 na piraso), sabon (na AED10 ang 4 din na piraso), mga pagkain, relo, alahas, etc at maraming iba pa na part ng DSS.  Pero hindi lamang naman nakaconcentrate ang festival na ito sa shopping.  Marami din silang games, programs and shows para sa mga bata at sa buong pamilya.  Masaya ang DSS, lalo na kung may pera ka.



Pagkaing Pinoy

Wala pa ring tatalo sa pagkaing kinalakihan na natin at kinamulatan.  At hindi magpapaawat ang mga kabayan natin dito sa Dubai.  Sinong magsasabing sa Pinas lang kami makakatikim ng mga pamatid-uhaw na pagkain at mga kakanin na nagpapagdag saya sa tag-init at nagpapawala ng home sick panandalian? Sino! Lumabas kayo! Lumabas ang matapang!  Let me mention some of the favorites and where we usually buy them:
Halo-halo – Chowking ang unang papasok sa isip natin at yan din ang unang takbuhan namin dito sa Dubai.  Yes, may Chowking branches dito.  Marami silang branch na nagkalat all over Dubai at pwede din na magpadeliver.  Soon to open ang branch nila sa loob ng mall (first time sa mall) sa Deira City Center.  Ang presyo: AED16 ang Halo-halo Fiesta at AED18 ang Special (na dinagdagan lang ng Ice Cream na di ko gusto ang lasa).  May halo-halo din sa mga Pinoy Restaurants gaya ng Tipanan at Tagpuan pero sa susunod na natin sila pag-usapan (ang haba na). 

Sago at Gulaman o Gulaman at Sago (bahala na kung anong gusto mong mauna) – meron din sa Chowking kasama ng black gulaman pero paborito ko yung sa Satwa sa labas ng Westzone. AED5 or AED10 ang presyo depende sa laki.
Ice Cream – marami sa mga grocery stores at mall gaya ng London Dairy, Baskin-Robbins, Cold Stone, Dairy Queen, Dreyer’s Häagen-Dazs, the controversial Magnum, Twix, Maltesers at marami pang iba (sosyalan).  Pero hindi ito ang hinahanap-hanap ng mga Pinoy (lalo na ako).  Go pa rin ako for Selecta at Magnolia (forever favorite and Quezo Real at Quezo Primero).  Basta grocery store na may panindang Pinoy, meron nyan.  Mabibili ang 1.5L sa halagang AED25 (minsan AED20 pag malapit na maexpire).

Buko Juice and Fresh Juices – Madalas na nasa karton o lata ang mga ito.  Yung buko juice e nakapack na at preserved e nanggagaling ng Thailand at Indonesia (wala pa akong nakikitang galing Pinas pero paborito ko naman ang Calamansi Juice na nasa lata galing sa atin).  Makakabili ka din naman ng sariwang buko na madalas e galing sa India pero di sing sarap at sing tamis ng galing sa atin. Iba pa rin ang galing Pinas.

Kwek-kwek, Tokneneng, Fishball, Squidball, Kikiam, etc – pangtanggal inip, suya sa init at homesick.  Makakabili ka ng sangkap na ikaw na mismo ang magtitimpla at magluluto sa mga grocery na may Pinoy products.  Pero kung ang gusto mo e yung maramdaman mo na parang nasa pinas ka na tinutusok mo ito at pinapalutang sa tamis-anghang na sarsa, e meron din dito nyan sa Dubai.  Meron sa Karama Center, sa West Zone Satwa at marami pang iba.  AED10 ang presyo ng 5 pirasong kwek-kwek ganon din ang iba pa.  Kasama na din dito ang mga kakanin at pansit at palabok na madalas e AED10 nakapack na.  Paborito ko ang turon pero di ko marecommend ang Banana-Q. Ewan pero iba pa rin ang lasa ng galing sa sarili mong bayan. 

Summer season ang madalas na panahon para makapagbonding ang pamilya. Ito yung time ng outing, beach, gimik, meryendang sama-sama, fiesta, family reunions at marami pang kasiyahan.  Pero sa aming mga OFW sa Dubai, isa lamang itong ordinaryong panahon kung saan tuloy ang trabaho at ikot ng buhay.  Nadagdagan lamang ng sobrang init at sandamakmak na pawis pero tuloy ang laban.  Pero kahit na wala dito ang pamilya at mga mahal sa buhay, kahit walang piknik or outing sa beach, mananatili silang inspirasyon para patuloy na magpunyagi at mangarap.  Yan ang Pinoy, yan ang tatak OFW.

Photo Credits:

Google - salamat all the time for the photos
Nene and Koy for the panic buying pics

Saturday, June 23, 2012

OFW Diary: Ate-Atehan


Habang sinusulat ko ang part 1 ng Chinese Adventure episode (pakibasa sa mga di pa nagbabasa, Masaya yun), pinilit kong isingit ang kwento ng mga kasambahay nating OFW dito Dubai.  Pero di pala pwedeng extra lang sila kaya nabuo ang OFW Diary Series na sisimulan ko sa episode na ito.

Marami akong nakakausap na mga kabayan dito sa Dubai na may mga sariling kwento. May nakakatuwa, nakakalungkot, nakakainspire, nakakayamot at marami pang nakaka (wala pa namang nakakatakot na mala “Sukob” ang dating). For the first episode of our OFW Diaries, uunahin kong bigyan ng pansin ang mga “Ate” dito sa bansang ito.  Sila ang mga kasambahay at mga nakilala kong nahirapan sa buhay. E bakit nga ba “Ate-atehan” ang title?  Bisaya version ba ito ng Ati-atihan? O mga pekeng ate sila? Not to catch attention or whatsoever, I gave that title dahil sa mga kwento nila hindi sila itinuring na tao o kapatid. O kung itinuring man ng maayos at tinawag na ate, hindi pa rin kasing-wagas ng way ng pagtawag natin ng Ate sa kanila.  Malalaman nyo sa mga kwento sa baba.

Babala:  Maaaring makaramdam ng galit at inis habang binabasa ang mga kwento. Pwedeng sumuntok sa pader pero wag sa katabi.


ATE No. 1: Si Ate na laging puyat (Insomniac?)


Makabagbag damdamin ang kwento ng  Ate na ito pero kapupulutan ng aral (pero hindi siya teacher. Kapag may aral teacher agad? Ura-urada? Hindi pwedeng Wansapanataym o si Dora?). Nakilala ko si ate sa airport during my last trip to Pinas (Oo na aaminin ko na na madaldal ako kahit sa airport na kung sino-sino ang nakakausap).  Pero nakakamangha lang na mabilis kong nakukuha ang loob ng mga nakakausap ko (hindi kaya may lahi kaming budol-budol?). Masayang kausap si Ate at halatang excited na makabalik na ng Pinas para makita ang pamilya.  Pero sa kabila ng very perky na personality e ang nakakalungkot na kwento.  Umabot ng isang taon si ate sa UAE (sa Sharjah siya naasign).  Umalis siya sa kanyang amo at hindi na tinapos ang kontrata na dapat e dalawang taon. She was originally offered a good and specific contract before leaving the Philippines.  Ayon sa kontrata, mag-asawa na may dalawang anak ang pakikitunguhan nya. Pagdating nya ng Dubai, ibinigay siya ng original family sa kapatid nito na may apat na anak (buy 1 take 1?). Ok lang daw kay Ate kung yun ang kapalaran nya. E kaso ang naging issue ang bigat ng trabaho na napunta sa kanya. For one year, tiniis nya na di makakain ng maayos, kung anong ibigay yun lang ang kakainin (makonsensya na ang mga nagmamalaki at nagpipicture na may hawak na Magnum), natuto siyang kumain ng pagkaing Arabo (na hindi daw nya mawari kung anong lasa.  Di kaya wala lang panglasa si ate talaga?). Saktong sakto lang ang binibigay sa kanyang pagkain.  Kapag daw nagdecide na kumain sa labas ang pamilya, walang iuuwi sa kanya kaya madalas na may nakatago siyang biscuit para pantawid gutom (wag nyo nang itanong kung Skyflakes o Fita di ko na inusisa). Pero tiniis ito lahat ni ate.  Kaya din sana niyang tyagain ang mga batang sutil at pasaway na minsan ay dinuduruan siya at di binibigyan ng pagkain pero yung lifestyle ng pamilya na insomniac lahat at natutulog ng madaling araw ang nagpahirap sa kalagayan ni Ate (ikaw na ang di halos makatulog at gigising para magluto, maglinis at lahat na, sige nga ikaw nga, ikaw!).  Naging ugali na daw ng pamilya na gising sa gabi para manood ng TV hanggang madaling araw at mag imbita ng bisita ng dis-oras ng gabi (kung naka isang taon pa si Ate baka nalaman nya kung aswang sila #sayang). At dahil sa ilalim ng hagdan natutulog si ate (Harry Potter ikaw ba yan?), madalas siyang nagigising sa kalabog ng mga batang naghahabulan paakyat at pababa ng 2nd floor ng bahay (sana naman nagtraining si Ate sa paggawa ng trap at iba’t-ibang klaseng patibong). At pagkatapos ng magdamag na harutan ng pamilya e gigising na siya para na naman sa isang araw ng pakikibaka.

Hindi mga lokal ang amo ni Ate, mga Palestenians.  Naging masaya din naman daw siya at nagkaroon ng chance na makapagtravel papuntang Jordan nang ipaopera ang isang anak ng amo (sana maraming opera para mas maraming travel #chos). Gustong gusto ng among babae ang trabaho niya kaya nang magpaalam na siya na aalis na e pigil na pigil ito.  Gumawa ng mga eksena ang babae.  Itinago ang passport, sinabing mahal ang pamasahe at kailangang maghintay ng isa o dalawa pang buwan. Pero smart si Ate. Sinabai nya agad na “I will call POLO OWWA (pakiresearch ng meaning) and ask help from them” sa tonong akala mo e si Dawn Zulueta sa Walang Hanggan. Nataranta ang amo at nagbait-baitan. Pero sa totoo lang humanga ang amo kay Ate. Napakalinis ng bahay araw-araw. At natuto kahit papaano na mag-english ang mga bata (galing ni Ate in fairness habang kausap ko). At sinabihan ng amo na ayaw niya ng ibang lahi dahil di tumatagal ang mga ito (e kase naman ikaw sa ugali mong yan magtataka ka pa ba). Kahanga-hangang lahing Pilipino. Pero bakit madalas na maapi? Haaaay.

Walang dalang pera si Ate pauwi (taga Mindoro ang pamilya nya pero lahing Bisaya siya).  Ang tanging dala sa bulsa e halagang AED100 (which is around 1,150 pesos) na ipapamasahe nya sa RORO.  Nauna na daw ang package nya na puno ng pasalubong (salamat naman) na inipon nya ng paunti-unti.  Nang tanungin ko si Ate kung ano ang balak nya, mag iipon daw sandali sa Pinas at gagamitin ang kita ng asawa at mag-aapply naman sa Taiwan bilang factory worker. Mas malaki daw ang kita doon kahit mahal ang babayarang placement fee.  Nakakalungkot man pero nakakainspire pa rin. Mabuhay ka Ateng puyat!

Trivia: Sa pagtatanong ko sa mga kasambahay na OFW, lumalabas na mas malaki ang sweldo ng mga nasa Hongkong.  Karamihan sa Dubai at Middle East ay naglalaro (ano to bata?) lamang between AED800 hanggang AED1200.  Samantalang ang mga nasa HongKong ay kumikita ng HK$4,000 pataas (pakitama ako kung mali ito).


ATE No. 2: Si Ate TV Patrol (pasok!)

Masaya naman ang kwento ni Ate No. 2.  Tinawag ko siyang TV Patrol dahil siya ang tagapaghatid ko ng maraming balita, sa madaling salita, tsismosa.  Maswerte si ate na mapunta sa among Briton. Pero bago ko ituloy ang kwento ni ate, let me share some stories about “Ates” na may manager na puti (tao ha hindi suka). When I was still doing sales for a TV service company (parang cable sa atin), madalas na British ang customers ko dahil sa community nila ako nakaassign (duguan ng ilong araw-araw). I can easily convince them to sign up for a service but the bonus point is I can also convince them to sign up for another service para naman sa mga kasambahay nila (para naman may Tagalog channel sina ate at maka enjoy din ng teleserye). 98% of them will say yes! Ang babait at minsan hindi agad mag sasign up kase ibibili pa nila ng bagong TV sina ate! Sila na ang nanalo. Instant raffle ito. Nakakatuwa na ganoon sila magpahalaga sa mga kasambahay na Pinoy. Pero bago pa lumayo ang kwento babalikan ko na si Ate No. 2 (pasensya na madaldal talaga).  Kasama si ate sa mga maswerteng nilalang na napunta sa among Briton. Nakilala ko siya sa isang community kung saan ako naasign during my first job in Dubai.  Maayos ang kanyang kalagayan. May sariling kwarto, masarap ang pagkain at may day-off kaya best in pasyal daw siya.  Yearly din siya nakakauwi kase may libreng ticket galing sa amo nya (ang swerte ng bruha).  May mga anak siya sa Pilipinas at nakakapag-aral naman daw ng maayos ang mga ito.  May edad na siya pero nagtatrabaho pa rin para kumita ng maayos.  At dahil maluwag ang schedule, madalas na nakikipagdaldalan pero sa magandang paraan naman dahil nakakatulong siya sa ibang kasambahay na napunta sa among may lahing impakto at impakta.  Isa sa mga kwento niya ang ate na napunta daw sa mga among Pana na hirap na hirap daw. Bata daw kase ito at mukhang pinalusot lang ng agency para kumita (sana naman tigilan na ang ganitong gimik para lang kumita #BantayOFW).  Kaya ang ginagawa niya ay isinasama niya ito sa pagsisimba kapag Biyernes (day-off dito) para malibang naman.  Isa pang ate ang nakwento din nya ang buhay (bakit di lang kaya nya ampunin ang mga ito? Very Rosa Rosal at Inday Badiday ang peg ni Ate). Ito namang isang inaaalagaan nya e napunta sa among lokal.  Maayos naman daw ang kalagayan nito pero nanghihinayang siya sa kakayanan ng bata. Graduate ito ng Education sa Pinas at maayos din ang mga experiences.  Dangan nga lamang na walang ibang choice kaya napilitan itong mamasukan bilang kasambahay.  To the rescue naman ako sa pakikipag-usap kay Ate na lakasan ang loob at sa pagbibigay ng pag-asa na pwede pa siyang makahanap ng mas magandang trabaho. Tapusin lang ang kontrata at pwede nang humanap ng iba (na trabaho hindi jowa).  Pero ang hindi ko kinaya sa mga ateng naikwento niya ay ang kabayan natin na napalayas ng amo at napauwi sa Pinas. Ang dahilan? Nalaman sa medical test na may AIDS ito.  May jowa daw itong ibang lahi (hindi ko na babanggitin) na malamang na nakahawa dito.  Nakakalungkot man pero walang choice kundi madeport siya.  Marami pang kwento si Ate pero hindi na natuloy ang iba kase umuwi siya ng Pinas para magbakasyon habang ako naman e nagresign at nalipat na nga ng trabaho (magkikita kaya uli kami? Abangan!).

Trivia:  Madaming kabayan dito sa Dubai ang tapos ng magagandang kurso at lisensyado pa nga sa kanilang mga larangan (Nurse, Teacher, Engineer, Dentist, etc.) ang hindi nakakapagpractice ng kanilang propesyon bagkus ay nasa ibang larangan. May mga assistant, napunta sa sales, waiter, delivery, etc.  Kagaya ni ate sa kwento, wala na din silang choice lalo yung mga dumating na naka visit visa (wag mawalan ng pag-asa, magdasal at magtiwala. Pinoy ka, kaya mo yan!)     


ATE No. 3: Si Ate Ko. (kapatid?)

Hindi ko siya kapatid o kamag-anak pero sa lahat ng mga Ateng nakilala ko siya ang pinaka naging kaclose ko .  Nakilala ko si Ate nang maassign ako uli sa isang lugar sa una kong trabaho (yes, kaladkarin ako, palipat-lipat ng assignment).  May edad na siya pero hindi naman masyadong matanda (#MayAsimPa).  Alam mo agad na suplada at may kakaibang ugali dahil hindi namamansin (#echosera).  Hanggang unti-unti kong nakilala at naging kaibigan na nga (budol-bduol na naman kaya ang ginawa ko?).  May 2 anak siya sa Pinas at hiwalay sa asawa kaya kargo niya ang lahat.  Hindi sha namamasukan, nagtatrabaho siya sa isang shop sa mall na totoong puro tiyaga ang ginawa niya.  More than 12 hours ang trabaho (mag-isa siya) at walang official break time kaya doon na rin siya kumakain sa pwesto (hindi ko papangalanan ang shop to protect her).  Hindi malaki ang sweldo dahil nagbabayad pa siya ng upa sa bahay at mga gastusin pati na ang pagpapadala sa Pinas. Walang bayad ang over-time kahit malinaw na nakasulat ito sa kontrata (nabasa ko).  Natatakot siya na kausapin ang may-ari dahil baka mawalan naman ito ng trabaho.  Dahil sa ganitong sitwasyon, marami sa mga katrabaho niya  na nasa ibang branch ang napipilitang gumawa ng hindi maganda.  Nandadaya daw ang mga ito (hindi ko na inalam kung paano) para kumita ng malaki.  At mukhang totoo nga dahil ang mga nasa ibang branch na kapareho nya ng sweldo e may mga ari-arian na sa Pinas!  May mga lupain, magagandang bahay at meron pa ngang isa na may humigit-kumulang sa 50 jeep na na ipinapasada!  Nakakatakot, nakakalungkot na kailangan nilang gumawa ng ganito (wala akong inaakusahan na sino man. Ang mga nasabing bagay ay galing kay Ate at sa 4 pang staff ng company na nakausap ko #ImbestigadorHindiKoSilaTinantanan).   Sa halip na sundan ang kanilang ginagawa, naisip naman ni Ate na rumaket. Nagluluto siya ng lunch para sa mga tao sa mall at idedeliver nya o kukunin na lang sa kanya (masarap ang sinigang nya pero hindi ang adobo nakakalimutan nya lagyan ng suka #alzheimer). Nakasama ko si Ate hanggang matapos ang kontrata nya at nagpasya na lamang na umuwi ng Pinas para magbakasakaling hanapin ang kapalaran.  Pero the last time we chat (yes nakakapag-usap pa din kami) gusto na nya uli na makabalik sa Dubai dahil daw sa hirap ng buhay at sitwasyon sa Pilipinas.  Kung matuloy man, hihintayin ko siya.

Trivia: May mga company din dito sa Dubai na pasaway at hindi sumusunod sa kontrata.  May mga naaabuso gaya ng unpaid overtime o sobra sa oras na pagtatrabaho at iba pang hindi nasusunod na bagay.  Pwede itong ireklamo sa labor o humingi ng ayuda sa POLO OWWA.  Wag patanga-tanga, alamin ang karapatan.

Kahit naman yata saan pumunta e mahirap talaga ang buhay.  Ang usapan na lang para makasurvive e kung paano tayo didiskarte ng maayos.  Pero mahalaga na dapat e laging sa maganda at tamang paraan na hindi tayo makakasaga ng ibang tao.  Totoo palang nangyayari na may mga inaabuso at sinasaktan.  Marami palang nahihirapan at pilit na nagtyatyaga para makaahon sa hirap ng buhay.  Kung nagbabasa ka ng blog na ito, maswerte ka na may oras ka na gawin yan.  Kase marami sa ating mga kabayan ang todo kayod na wala na halos oras para sa sarili nila.  Maswerte tayo na tayo ay Pilipino.  Madiskarte, madasalin at marunong humarap sa pagsubok ng buhay.  Wag tayong susuko, kakayanin natin ang lahat. Patuloy na magtiwala, manalig at magdasal. 

*Credit to google for the photos. Salamat google.