BABALA: Hindi intensyon ng article na ito na manira o manakot o
alisin ang tiwala at pag-asa ng mga nagpapadala at tumatanggap ng balikbayan
box. Ang tanging hangarin ay magbigay ng
babala at paala-ala na mag-ingat sa pagpapadala at pagtanggap. Magbasa at matuto. Ayan na.
Hindi Maala-ala mo kaya ang tema
ng usapan sa araw na ito. Hindi rin
episode ng Shake Rattle and Roll. At
lalong hindi game show (Kwarta o Kahon? Pera o Bayong? Laban o Bawi?). Ang article na ito ay ang promised continuation
ng episode last week about Balikbayan Box.
Sa mga hindi nagbasa at sa mga gustong magreview narito po ang link - http://pinoyofwindubai.blogspot.com/2012/11/balikbayan-box.html
It is not all the time na
nakakarating ng matiwasay ang mga balikbayan boxes sa mga mahal sa buhay. Mula
sa bansang pinagmulan, sa biyahe nito sa barko (nahihilo din kaya sila?) sa mga
bodega at immigration na dadaanan (na sana e walang nagaganap na lagayan) e mahirap
din na basta na lamang ito makarating sa patutunguhan. Pero lahat ng yan e kayang kaya ng kahon
(super kahon?). Wala pa namang insidente
na balikbayan box na nagwelga o nagreklamo na nahirapan silang bumiyahe
(Wansapanataym?). Pero ang sigurado e
yung mga nagpadala at nakareceive na nagreklamo sa maraming dahilan. Minsan e laslas ang kahon o butas o sira o
may bawas ang laman o walang laman totally or wala ang kahon at hindi na
nakarating. .Pwedeng may scam na
naganap, may problema ang cargo company, may problema ang nagreceive sa Pinas
for delivery or nagkapatong-patong na ang problema. Here are some of the incidents that happened
na nasaksihan ko at narinig ko sa ilang kakilala (tsismis na naman?):
FIRST TIME NI NINAY
Excited si Ninay (di tunay na
pangalan o pwede ding tunay na pangalan bahala ka na) na magpadala ng
balikbayan box sa Pinas for the first time!
After more than 5 years of staying in Dubai, sinubukan nyang magpadala
ng kahon na nakakapagpasaya at nakakasorpresa sa mga kapamilya (at kapuso at
kapatid) para maipadala ang mga lumang gamit at ilang bagong gamit sa Pinas.
Excited ang family tree! At excited din
si Ninay. Pero lumipas ang isa, dalawa,
tatlo, apat, lima, anim (kayo na ang bahalang magtuloy ng pagbibilang) na
walang dumating na kahon. Hindi na umasa
si Ninay at ang pamilya. And after
checking the reason behind the case, hin di malinaw kung nagsara na ba ang
cargo company na walang pasabi, babala at kung ano pang dapat gawin. Hindi na rin nalaman kung san napunta ang
kahon at di na rin naibalik ang nagastos ni Ninay.
INTERESTETING FACT: Nalaman lamang ni Ninay ang real status ng
cargo company after ng dinner get-together nila ng kanyang mga kaibigan. At dahil sa malasakit, research at facebook,
nalaman na blacklisted na pala ang company na ito. Malalaman nyo later ang iba pang company na
kasama sa listahan ng mga damuho at walang awang dapat nang magsara at
mademandang mga walang habas at pakundangang mga cargo company #HighBlood. Ang
cargo company ni Ninay? Rhoda Cargo.
SIGAW NG KATARUNGAN
About 3 or 4 months ago (di ko na
maalala #Ulyanin), e naghanap kami ng branch ng LBC para kumuha ng kahon at mag
inquire ng prices for TV cargo at small box (remember the sizes and the
categories? Magreview may quiz bukas).
At matapos ang 3 araw ng paghahanap (di kase namin makita kaya
pabalik-balik) e narating namin ang LBC office na puno ng saya, excitement at
ngiti. Ngunit subalit datapuwa’t ang mga
nararamdaman naming ito ay biglang napalitan ng gulat at pagtataka dahil sa
narinig at nasaksihang sigawan sa loob ng opisina. Mali kaya ang napuntahan namin at presinto
pala ito? May shooting kaya or contest ng palakasan ng sigaw? May drama rama
kaya sa hapon o Kapamilya Gold or primetime?
Mali ang lahat ng ito. Ang
sumisigaw e mga kabayang nag-aalala, naguguluhan, nagagalit, natatakot,
naiinis, nasusuya, at nakakaramdam ng matinding poot sa LBC dahil sa kanilang
mga balikbayan boxes #GalitNaGalit2012.
Karamihan sa kanila ay inabot na ng ilang buwan ang bagahe na hindi pa
rin nakakarating. Sinubukan kong
iconnect ito sa pagsasara ng nabankrupt na LBC Bank sa Pinas at mga branches na
madalas maholdap pero hindi naman daw dahil doon. Ang matindi, hindi rin masagot ng mga agent
ang tunay na dahilan at nagsabi na lamang na maghintay hanggang makarating ang
balikbayan sa patutunguhan. Seriuosly?
Hanggang kelan. #Abangan
INTERESTETING
FACT: Hindi na namin nalaman kung nakarating pa ba o hindi ang mga kahon ng
mga nagrereklamong kabayan sa opisinang iyon dahil hindi naman namin sila kilala
(Ano hahanapin pa namin? Tsismosa lang?).
Kumuha kami ng small box sa LBC at napuno ito ng mga ipapadala sa Pinas
pero ibang cargo service ang pinili namin dahil sa pangyayari at dahil sa
presyo. Pwede pala ito!
ATBP.
Namiss ko ang atbp kaya ito ang
title (walang pakialaman). Seriously,
ang segment na ito ay ang mga pinagsama-samang documented na reklamo ng mga
kabayan nating OFW all over the world.
May butas na kahon, may di nakarating, may nabawasan ang bilang ng laman
at marami pang iba. Click the link and
read them to witness the experiences of our fellow OFWs all over the globe
(sample lang yan pwede din kayong magsearch ng iba pa).
http://lbc-express.pissedconsumer.com/lbc-did-not-deliver-my-10-balikbayan-boxes-20120227300564.html
DAPAT BASAHIN
At para sa karadagdang
impormasyon, madalas na naglalabas ng babala ang DTI para sa listahan ng mga
blacklisted na cargo companies na dapat iwasan.
Ito ay para na rin sa kaalaman ng mga kabayan natin at para sa
pag-iingat lalo’t higit na madalas ang mga scam na nagaganap especially that
the Christmas season is coming. Here’s
an email that I received regarding the warning (this may not be updated. For the update list of blacklisted and those
na tinanggal sa listahan please check the DTI website:
Email received on October 2012.
MANILA - (UPDATED
7:03 p.m.) Ahead of the holiday gift-giving season, the Department of Trade and
Industry has blacklisted 23 local cargo forwarders and their 28 foreign
counterparts following rising complaints of undelivered balikbayan boxes.
The DTI on Tuesday
identified the following local freight
forwarders as having no accreditation with the department’s
Philippine Shippers Bureau, and as having been the subject of complaints on
undelivered packages:
- 2GO Express
Inc.;
- Aerosend;
- Alas Cargo Phil.;
- Associated
Consolidation Express;
- Dausan
International Forwarder;
- FACF Parcel
Delivery;
- FRS Philippine
Freight Services Inc.;
- International Cargo
Forwarder;
- J.J. Transglobal
Brokerage;
- JAR Cargo
Forwarders;
- Mail Plus Cargo
Carriers;
- Manila Broker;
- Maru Cargo
Logistics Phil.;
- R&M Cargo
Services;
- Rodah Cargo Manila;
- South Atlantic
Cargo Inc.;
- Trico
International Forwarding (Phils) Inc.; and
- VCG Customs
Brokerage.
The following
companies, while accredited, have been blacklisted and subject to DTIshow cause
orders because of complaints on undelivered balikbayan boxes:
- D’ Winner Logistics
Phil. Inc.;
- LCSN Express Movers
Inc.;
- MC Plus Inc.;
- Transtech Global
Phil Inc.; and
- Wide wide World
Express Corp.
The DTI-PSB also
blacklisted 28 foreign principals and
overseas consolidators that had been the subject of complaints on undelivered
packages (see table below).
“Overseas Filipino
workers who will send their balikbayan boxes
and their consignees in the Philippines should book their packages only with
reliable and PSB-accredited freight forwarders and Philippine agents to ensure
that their packages will reach their destinations,” said Victorio Mario
Dimagiba, DTI-PSB director-in-charge, in a statement.
“Senders may verify
the company name of the Philippine sea freight forwarder counterpart at www.dti.gov.ph,
or they may visit our Philippine Consulate offices abroad,” he said.
Dimagiba said foreign
principals and cargo consolidators overseas must have local counterparts that
are accredited by the DTI-PSB if it is a sea cargo forwarder and the Civil
Aviation Authority of the Philippines if an air cargo forwarder.
He also warned cargo
senders from abroad against very low door-to-door rates that some foreign
principals offer. “With low rates, they [foreign principals] do not have enough
funds to bear the cost of transporting cargoes, and they fail to remit delivery
funds to their Philippine freight forwarders, causing the shipments to be
abandoned at the ports and not being delivered to consignees,” the DTI official
said.
“For consignees in
the Philippines who have not received their packages from freight forwarders,
they may contact DTI (02-751-3330) or go to PSB office to file an immediate
claim or complaint,” he added.
And upon searching online narito
ang ilan sa mga link na may update regarding the same issue:
Again, hindi intensyon ng
artikulo na ito na siraan ang mga cargo companies o manakot ng mga
kabayan. Babala lamang po. Mas mabuti na ang nag iingat dahil hindi biro
ang magpuno ng kahong pambalik-bayan at magpadala nito sa Pinas. Dugo’t pawis ang puhunan kaya kailangang pag
ingatan ang pinaghirapan.
Credits: Thank you google for the photos. Sa uulitin.
Sir...marami daw lalaki na narerape sa dubai...totoo ba yun....balak ko kasi pumunta jan...e medyo pambabae pati Kuts ko..haha...curious lang
ReplyDeleteNot true Aaron. Another misconconception. Walang ganyang eksena. Hahaha.
ReplyDeleteI sent my stuff using trico halaaa .___. Andun pa nman gift ko sa mother kong microwave...
ReplyDeleteI sent my stuff using trico halaaa .___. Andun pa nman gift ko sa mother kong microwave...
ReplyDeleteI sent my stuff using trico halaaa .___. Andun pa nman gift ko sa mother kong microwave...
ReplyDelete