Friday, June 24, 2016

Si Lance Ang Pilipinas at ang Dubai at ang Youtube!




Walang himala! Oh yes, hindi si Nora Aunor ang sumisigaw kundi ako. Buhay na buhay at sumisipang parang kabayong handang lumaban sa Sta. Ana any moment. I know, natagalan bago ako nakabalik. Bumilang ng araw, buwan and believe it or not, taon bago ako nakapagsulat uli. Kumpleto ang aking mga daliri kaya naman kayang kaya ko pang kantahin ng taas noo ang awiting Sampung mga daliri sa iba't-ibang bersyon. Nangyari nga lamang na ako'y nabusy, nawalan ng oras, hindi nakapagsulat, aminadong nawalan ng kaunting gana, tumanggap ng maraming labada at plantsahin, naglaba, nagsibak ng kahoy at nag alis ng mga uod sa mga tabako (sa anong pelikula ito ginamit? First assignment nyo yan sa revival ng blog na ito). At ngayon nga ako'y nagbabalik para durugin silang lahat at sumigaw ng katarungan. Katarungan para kay Ka Dencio! (assignment nyo uli yan).


Ano pa nga bang topic ang pwede kong ikwento at pwede nating pag usapan? Ang dami! Sa sandamakmak na pagbabagong naganap sa Dubai at sa Pinas, kukulangin ang 100 episodes. Pero pipilitin ko uling magsulat para sa mga naghintay ng kwento at saya habang nagbabasa.

Youtube (ipronounce ng tama habang binabasa - You-Toob. Yan ang tamang pronounciation ewan ko ba sa nagpauso nyan basta pwedeng manood ng video). Pinasok ko na rin nga ang mundong ito (wag nyong itanong kung paano pumasok mahirap mag explain). Since nawalan ako ng oras sa pagsusulat sinubukan ko nga ang video at masaya din naman ito. Pero maraming nagtanong, "BAKIT KA SERYOSO SA VLOG?!" Hayaan nyo na! Wag na munang kumontra paramakita nyo rin naman ang serious side ko. But honestly, nakakenjoy din na magkaroon ng sariling Youtube channel. Nakakaexpress ka at nakakashare ng maraming information visually. Sa mga hindi pa nakikita ang channel ko, narito ang link:



Tinawag ko itong DuBlog mula sa pagsasanib (ng kapangyarihan?) ng dalawang salitang Dubai at Vlog na naging DuBlog.  Sabi ng iba bakit hindi DuVlog? E papahirapan ko pa bang magpronounce ang mga followers? Sige ikaw nga subukang sabihin ng tatlong beses ang salitang Vavavoom! Kaloka. 

Sa mga nakapanood na ng ilang episodes, mararamdan nyo (multo?) at mapapansin na parang video version ito ng blog na ito. Mula sa rason ng pagsusulat, sa mga impormasyon tungkol sa Dubai at marami pang iba. Parang gumawa lang ako ng movie version (Bollywod or Hollywood?) para mas entertaining.

Some of the topics na pumatok so far are the following:

Information on how to apply for a job in Dubai locally:

Information on how to apply for a job in Dubai thru local agencies in the Philippines:


at marami pang iba (manood naman kayo ay magsubscribe).

I just started doing it a month ago and already getting good feedback and some people and companies already asked to be featured in the vlog (sosyal! May mga exdeals at freebies na).

Pero hindi ito nangagahulugan na tuluyan nang magsasara ang blog na ito (walang utang na loob!).  Dito lahat nagsimula kaya tuloy tayo sa pagbibigay ng impormasyon at pagpapasaya.  I know that some people still prefers to read than to watch kaya naman diretso tayo sa adhikaing ito.

Ikaw kabayan, manonood o magbabasa? Bakit hindi pa pareho. Go na! 




*Salamat google sa mga larawan