Friday, February 28, 2014

Si Lance, Ang Pilipinas, Ang Dubai at Ang India (PART 1)

Hindi ko nakita ang Taj Mahal pero marami akong nakitang iba pa at natutunan sa bansang ito. Walang nagpapautang at nagbebenta ng kulambo at kumot, kakaunti ang may turban sa ulo at hindi naman pala masangsang ang amoy gaya ng inaasahan. Yes mga kapatid, I’m talking about India, hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya simulan na natin ang kwento. Namaste!

Incredible India!

Yan ang tagline or slogan ng India for tourism na kalaban ng It’s More Fun in the Philippines (alin ang mas bongga? Pakisulat sa baba ang napiling slogan kasama ang proof of purchase at ang suking tindahan.  Winner will be announced kapag may time.  

When we talk about India, first thing that we need to know e kung saan nga ba matatagpuan ang lugar na ito? Malayo ba masyado? Ito ba ay nasa bundok ng Tralala? Kailangan bang magdala ng labaha at kalamansi para magising sa paglalakbay in case na umawit ang ibong Adarna? O baka naman nasa kabilang kanto lang ito at di lang natin makita.

Ang India ay nasa Asia.  Yes wala ito sa Amerika, wala sa Australia, wala sa Sulu or sa Tawi-tawi. Again ito ay bahagi ng kontinente ng Asya. 


Sa mga nagtatanong kung gaano ito kalayo sa Pilipinas, hindi ko kayang sagutin kase nanggaling ako ng Dubai going to India (honest lang naman ako).  Dubai is 8 hours away from Manila on a straight flight, then 4 hours naman ang naging biyahe ko from India to Chennai.  Pero para hindi magulo ang buhay ninyo at sa mga mapilit, according to , 6 hours and a half lang e nasa Delhi ka na.  Ang Delhi ay isang lugar sa India, hindi ito tao.

http://www.travelmath.com

Inside Air India
Sa unang beses kong makarating ng India, I can’t help but compare this country sa Pilipinas.  Simulan natin sa biyahe.  I took Emirates Flight (pero naranasan ko din ang Jet Airways at ang Air India na official carrier nila na kalaban ng Philippine Airlines (labanan na naman?).  Kapag sumakay ka ng eroplano pauwi ng Pilipinas, papatayin ang ilaw at borlog na agad or manood ka ng movies hanggang gusto mo.  Going to Inida, ang unang ritwal ay paglalagay ng disinfectant bago ang flight which according to the crew e batas na dapat sundin.  Sa sobrang pagtataka, akala ko e air freshner para mawala ang amoy (patawad sa panghuhusga).  And since it is Emirates Airline, panalo ang plane, ang selection of movies (kung saan ako natutong manood ng Hindi films until now.  I would like to recommend three movies na pwede ninyo idownload: Chennai Express, Heroine at Go Goa Gone) pero ang hindi ko kinaya e ang pagkain.  I might be adventurous but not with food.  Madali masira ang tyan ko lalo na at may sakit akong GERD (search nyo yan as your assignment and please pass it using a pink cartolina). And since I’m going to India, of course Indian food and iseserve nila (maghahanap ba ako ng adobo dito or menudo?).  Afraid to take the risk, I decided not to take the food but just the tray with bread and jam at isang chichirya na gawang India (na pwedeng ilaban sa pompoms, cheezum at kropek).  On my first trip, I sat beside an American family na hindi purong American dahil Chinese descent ang tatay, Europen ang nanay na may isang anak na napakingay. Sa Chennai daw sila nagtatrabaho at namasyal lang sa Dubai.  They were so kind to me, telling me what to expect in Chennai, what to do and not to do.  Surprisingly, they did not eat the food as well dahil maanghang daw at nagbigay pa ng ilang tip about India like where to go after my work, mag-ingat sa ganito at ganyan, etc.  Yes, lahat ng biyahe ko sa India this year ay dahil sa trabaho na pag-uusapan din natin later (wag mainip. Remember that patience is a virtue).  At sa mga sumunod ko ngang biyahe ay tray na lang lagi ang kinukuha ko (pero hindi ko naman kinakain ang tray) na may kasamang bread, fruit at anek anek pa.

Menu at Emirates Flight
After the comparison ng biyahe, isunod nating pag-usapan ang airport.  From an article in Phil Star, number 1 na naman ang Pilipinas sa listahan ng worst Airport in the world - http://www.philstar.com/nation/2013/10/17/1246260/naia-1-rated-worlds-worst-airport-again. While Chennai is number 6, and Mumbai is number 8 (pareho kong naranasang bumiyahe sa mga airport na ito).  If you will ask me if I agree or not sa rating na ito?  Ang sagot ko ay hindi.  Chenna is worst and should be number 1 until matapos ang construction ng new aiport nila (na babalikan ko talaga para malaman kung nag improve. Hintayin ninyo ang pagbabalik ko!) Reasons: sobrang luma ng airport compare to NAIA.  May mga furniture na tinagpi tagpi na lang para magamit pa (scotch tape, packaging tape at tali ang ginamit!).  Palipat lipat ang gate kung saan ka sasakay depende kung alin ang available kaya madalas na delay ang flight (sana nagpalaro na rin sila ng patintero). And to check the schedule of the flights, at least sa Pilipinas may LCD boards, sa Chennai sinauna pa rin ang eksena (ayan nasa picture ang example).  Kung mahaba ang pila sa immigration ng Pinas, mas mahaba sa Chennai! Apat na counter lang ang nagtatrabaho.  And the worst I would say is waiting for your baggage sa carousel.  Mahigit 2 oras ang paghihintay bago lumabas ang bag mo na mukhang namasyal na yata sa Taj Mahal bago mo makuha.  Inip na inip na ang hotel pick-up, antok na antok ka na especially kapag madaling araw ang flight e wala pa ang bagahe.  Kaya sa mga kasunod na flight, I decided na hand carry na lang lahat para walang hintay hintay ng bagahe. And about Mumbai airport na under construction din, ang labo ng sistema, bagsak ang customer service.  Bakit? Dahil nahold pa ako at nagpabali-balik dahil lang sa immigration form nila na hindi ko maintindihan at ayaw naman ipaliwanag habang taranta na ako at aligaga para habulin ang connecting flight ko.  Juice ko! India! Tama na! Paala-ala: Hindi ako galit sa India, sa airport lang.  Basahin muna ang buong article.

Puputulin na natin ang reklamo dahil matapos ang apat na oras na biyahe to Chennai, 2 oras ng paghihintay ng bagahe, paghananap ng sundo ko sa hotel at matapos akong magsabi sa mag asawang kasabay ko ng “Well it doesn’t look crowded really”, e finally nasa kalsada na ako seeing India.  It was April when I first saw India, I arrived around 10:00 PM.  Sa totoo lang e parang nasa Pilipinas ang set-up ng ilang lugar, with their Metro System na hindi pa tapos na akala mo e napadaan lang ako ng Taft, at ilang kalsada na madilim at matraffic.  Hindi ko kayang husgahan ang India sa gabi kaya hinintay kong mag umaga para mas makita ang lugar.  I stayed at Le Meridien Chennai which according to research is a bit old hotel already.  Old na nga seeing the furniture and the place but well maintained to keep the “Le Meridien” standards.  I right away checked the place and the facilities since this will be my place to stay for the whole week. On my second and trip and third and fourth, I stayed in another hotel, and bagong bukas pa lamang na Westin Hotel Velachery. Another posh hotel in Chennai na masarap ang pagkain, maganda ang facilities at friendly ang staff.  I tried their massage na super sarap at relaxing, I tried their coffee and tea na panalo din (kahit bawal sa akin dahil sa GERD), I tried almost everything para masulit ang stay ko.  Sabi ng isang kaibigang flight attendant “Very ironic that hotels in India are world class considering the country’s situation”.  Sarcastic man o hindi ang sinabi nya, kayo na ang bahalang humusga.





And before we talk about other things related to India, alamin muna natin ng mabilisan ang ilang bagay na kailangang matutunan tungkol sa bansang ito.  Here are some facts:
Indian Rupees
  • Republic of India and official name ng bansang ito na kagaya din ng Pilipinas
  • They are the second most populous country sa buong mundo na may humigi’t kumulang 1.2 billion katao (Hooooooong dami!!!!)
  • Ang temperature ay depende sa lokasyon. May mga bulubunduking bahagi ng India na malamig ang klima but other parts can go up to 50 degrees during summer.  Even Chennai is experiencing this according to the locals na nakausap ko.
  • Napakdiverse ng mga tao, kultura at relihiyon sa India.  Madalas nating isipin na kapag India, Hinduism na agad.  But I was surprised that in Chennai alone, napakaraming Kristiyano na nakilala ko (Amen).
  • Mas mataas ang palitan ng Dolyar sa India kesa sa Pinas.  1 Dollor is currently 61.96 Rupee as of this writing.  Yes, Rupee ang kanilang currency na pinag aralan ko pa ng 3 days bago ang una kong biyahe sa bansang ito. 
  • Maraming kilalang personalidad sa India na naging pamilyar na sa atin.  Assignment ninyo ito.  Magbigay ng lima, isulat sa baba. Now na. Go!
  • At para sa mas marami pang kaalaman about India, bisitahin at basahin ang aking bestfriend - http://en.wikipedia.org/wiki/India
Ang mga nabanggit ay pahapyaw pa lamang ng ilang bagay tungkol sa India (may part 2 pa).  Sa susunod na kabanata ay magkukwento ako ng akin mismong karanasan, obserbasyon at ilang realisasyon tungkol sa lugar na ito.  Hintayin ang kasunod na kwento, malapit na.

*Salamat google sa ilang larawan.