Wednesday, October 2, 2013

Si Lance, ang Pilipinas, ang Dubai at ang kalagayan ng Mahal kong Pilipinas (Madugo Ito!)

Matagal ako bago muling nagsulat dahil sa busy as in super busy na schedule (e di ako na nga ang busy).  Maraming nagrequest ng blog entry regarding my trips to India pero bibitinin ko muna kayong lahat dahil mas may napapanahong dapat pag usapan na gusto kong ibahagi sa lahat (hindi ito networking or anumang pyramid scam). Ready na ba kayo? Hindi ito drama, hindi rin love story pero sige parang drama na rin at love story tungkol sa pagmamahal sa aking bayang tinubuan (background music: Ang Bayan Kong Pilipinas R&B version).

With my work experiences in the UAE, India and in the Philippines, hindi ko maiwasang ikumpara ang kalagayan ng Pilipinas sa mga bansang ito (alin alin alin ang naiba?). And I’m not talking about the physical appearance (malinis o madumi o mas madumi?), infrastructures (Burj Khalifa, Taj Mahal o… anong ipanglalaban natin sa Pilipinas?)  and the environment (disyerto, bundok, napakagandang beaches and forest na walang tatalo sa Pilipinas) pero mas malalim pa doon (hukay ba ito? Poso negro? O lubak lubak na daan sa Edsa?). I’m talking about the economic situation ng bansa na makikita sa kalagayan ng ating mga kababayan (hindi po ako tatakbong barangay chairman sa darating na eleksyon).


I am currently enrolled in an Open University (walang pinto?) at sa isang subject na kinukuha ko ngayon, mas lumalim ang pagkaunawa ko sa tunay na kalagayan ng Pilipinas. When I learned about the Millennium Development Goals o MDG ng United Nations (It’s a Small World After All!) na nagnanais na mapabuti ang kalagayan ng mga iba’t-ibang bansa sa mundo in terms of poverty, education, equality, maternal health at iba pa, aba’ý nakakagulat na according to report at hindi tsismis lang sa kanto, ay halos wala sa kalahating porsyento magawa ng Pilipinas o mareach ang mga goal na ito.  Teka, para malaman ang 8 Millenium Development Goals e magbasa kayo, ayan ang link galling sa bestfriend kong si Wikipedia - http://en.wikipedia.org/wiki/Millennium_Development_Goals (iclick lamang at basahin para mas maunawaann mabuti nang maraming alam kesa magmagaling tayo at makatulong sa katuparan ng mga goals na ito).

After reading and making some research, nakakalungkot isipin na we are considered to have the poorest capability in meeting the MDG goal on primary education! (ang saklap). Anong kaguluhan nga ba ito! (pakihanda ng pang presyon, ng pang BP) Na habang ipinapatupad natin unti-unti ang K12 program sa Pilipinas e hindi pa rin pala sapat ang mga panukalang ito ng gobyerno.  At bukod sa edukasyon, kahirapan ang pangunahing suliranin ng Pilipinas at siya ring nangunguna sa MDG goals na sa kasamaang palad ay hindi rin maresolba ng ating bansa.


The biggest question here is – sino nga ba ang dapat sisihin sa mga nangyayaring ito? Ibabato ba natin ang sisi sa mga tao sa gobyerno? Bibigyan ba natin ng bagong bansag si PNoy after ng Noynoying craze? O kakalkalin (basura lang ang peg?) ang buhay ni Napoles at ng buong pamilya? O ipapatawag si Sen. Bong Revilla at Jinggoy Estrada para sa matinding bakbakan at drama?

Poverty rate in the Philippines
Malaki nga siguro ang sisi na pwedeng isumbat sa ating pamahalaan dahil sa laganap na korupsyon pero pwede din kayang ang dahilan ng mga pangyayaring ito sa bansa natin e dahil din mismo sa atin? O di kita sinisisi nagtatanong ako. Baka naman kase nasa atin nga ang problema. Baka reklamo tayo nang reklamo pero di naman gumagawa ng aksyon o di ginagawa ang part natin bilang isang mamamayang Pilipino.

For someone who’s working abroad, at bilang isang bagong bayani (thank you Nora Aunor for the song Bagong Bayani), ramdam namin ang hirap tuwing uuwi ng Pilipinas. Na ang 500 piso kapag nasimulang magastos e di na aabot nang maghapon. Na ang Meal No. 1 ng Jollibee na regular yum at fries at coke e doble o triple na halos ang presyo. Na ang taxi e pagkamahal naman talaga pati na ang pamasahe sa tricycle. Na marami sa ating mga kababayan ang pagala-gala sa kalye (marami din sa mall), maraming namamalimos (marami ding nagpapanggap), maraming walang tirahan (marami ding naglayas sa kanilang tirahan) at maraming eksena sa Pilipinas na nagpapakita ng kahirapan.

Pero kagaya ng madalas kong sabihin sa blog na ito, para saan na Pinoy tayo? Para sumuko? Para kutyain ng ibang tao? Aba naman! Kaya nga merong Captain Barbel (hindi si Sen. Bong, si Edu at Herbert), kaya nga may Darna (Marian or Angel? Pakicomment sa baba kung sino ang mas gusto mo at itatally natin ang sagot), kaya nga Pinoy ka e kase kaya natin lahat yan. Mapa Dubai man o Pilipinas, kinakaya nga namin e kayo pang nasa bansa nating more fun kumpara sa iba? Hindi man natin maachieve ang realization ng MDG goals na ito agad-agad at kara-karaka (banggitin ang salitang ito ng 6 na beses hanggang masanay), e siguradong balang araw kakayanin din natin. We just need a good governance at pamahalaang katiwa-tiwala na pagtutulungan nating lahat, at mga mamamayang marunong magmalasakit sa kapwa at sa bansa. Oo, ikaw yun, at ako, at sila, tayong lahat. Sapagkat ang Pilipino ay matatag at lumalaban at kailanman ay mananalig at hindi pababayaan.

*Salamat sa google sa mga larawan