
At para lang maisingit ang
accepted definition ng balikbayan box, narito po at nagbabalik ang other best
friend ko na si Wikipedia - http://en.wikipedia.org/wiki/Balikbayan_box.
ANG APAT NA SULOK NG KAHONG PAMBALIK BAYAN

Small – pwede ding tawaging
bulilit box at kung ano pang gusto nilang itawag (bahal na sila mag imbento ng
pangalan. Pwede ka ding mag imbento. Ano gusto mo itawag?). Ito yung
pinakamaliit pero sa totoo lang e parang pinakamahirap punuin. Ang presyo nito
ay naglalaro sa AED 120 pataas. Kung
tutuusin e mura na ito. Ang nagpapamahal
e yung ilalaman sa loob dahil kailangang mapuno ito at hindi pwedeng aalog-alog.
Medium – Ang presyo naman nito ay
from AED 180 and up depende sa company.
Siyempre mas malaki ito sa small kaya nga medium. Never ko pang natry ito kase madalas na
either small or diretsong big agad kung magpadala kami. Medyo alanganin kase ang size pero kung ito
ang trip na ipadala sa yo ng kapamilya (at kapuso at kapatid, paulit-ulit na
ako) e wag ka nang choosy. Tandaan mo na
napakahirap magpuno ng balikbayan box.
Large – Tinatawag din itong Jumbo
or Mega. Padami ng padami ang tawag pero
ang totoo e basta ito ang pinakamalaki at minsan e inaabot ng 6 months bago
mapuno hanggang maexpired na ang laman ng mga pagkaing ipapadala o matuksong
kainin na lamang hanggang tiniklop na lang ang kahon o pinaglagyan ng
maduduming damit na lalabhan at hanggang hindi na natuloy ang pagpapadala. AED 230 pataas ang presyo nito.
Sea cargo ang mga presyong nabasa
ninyo. Meaning sa barko ito sasakay at
usually e inaabot ng isang buwan ang delivery o mahigit pa. Iba ang presyo kapag Air Cargo na sa eroplano
naman isasakay (opo eroplano hindi sa ibon).
Mas mahal ito dahil per kilo ang presyo nito. Pakiresearch na lang po
para naman may magawa ding mabuti sa araw na ito #TamadAko
Marami ding mga promo sa
pagpapadala ng Balikbayan Box. Minsan e halos 20% ang discount at minsan pa nga
e pag nagpadala ka ng Large e libre na ang charge sa small (define buy 1 take
1). Tuwang tuwa ang magpapadala dahil
nakajackpot daw only to realize na paano pupunuin ang pangalawang kahon? Yan
ang malaking tanong.
DUGO’T LAMAN.
Walang bata sa loob ng
kahon. Pero sure na dugo’t pawis ang
puhunan para makapuno ng isang balikbayan box malaki man ito o maliit. Pagkadeliver
ng kahon sa flat or villa, magsisimula na ang plano kung pano at kalian pupunuin
at finally e ipapadala ang balikbayan sa mahal sa buhay sa Pinas (excited. Aminin). Maghihintay ng sale sa mga mall at iba’t-ibang
establishments para makamura at unti-unti’y magkakalaman ang kahon hanggang sa
mapuno ito. According to survey and to
experience, narito ang mga bagay na madalas laman ng mahiwagang kahon na
nagpapasaya at punong-puno ng sorpresa:
KASUOTAN – papasok sa kategoryang ito ang mga damit at
sapatos. Mga damit na may tatak ng Dubai
or I love UAE at mga damit na nabili sa sale ng H&M, Forever 21, Splash at
siyempre from Day to Day (assignment: Alamin kung ano itong Day to Day at
hanapin ang commercial sa Youtube. Ano
ang naramdaman mo matapos mapanood ang commercial? Be honest.) Dito rin papasok
ang mga sapatos na ipinagbilin pa ng mga kamag-anak kasama ang sukat ng paa na
nakadrawing sa karton. Pero hindi lahat
bago ang nasa katergoryang ito. Mas
marami ang mga damit na gamit na pero di naman sira pa. Mga damit na hindi na kasya o di na uso o basta
ayaw na lang. At mga damit na ito ang
nakakatulong ng malaki para mapuno ang kahon ng walang kahirap-hirap. Sila din ang nagsisilbing pangbalot ng mga
mababasag na item gaya ng kape, juice at maraming iba pa. #DiskartengPinoy.

PAMPAGANDA – shoot sa halimaw sa banga ang umaapaw na lotion,
sabon, pabango, make-up (basta hindi mababasag) at marami pang nagpapaganda
daw. Madalas na inipon na ang mga ito
kapag sale ng Victoria Secret at Bath and Body.
Kailan ito nagaganap? Magreview, basahin ito - http://www.pinoyofwindubai.blogspot.com/2012/06/susmaryosep-ang-init.html
GADGETS – sa totoo lang e hindi ito advisable sa kadahilanang
maaari itong mabasag o makabasag ka ng bungo ng magdedeliver kung mawawala
ito. Pero marami pa ring kabayan ang sa
kadahilanang nais makamur ang pilit isisiksik ang psp, laptop, camera at iba
pang electronic materials sa balikbayan box.
Safe naman ang mga TV na ipapadala sa Pinas dahil may sariling category
ito, sariling lalagyan at may sariling pag-iingat, kaya may sarili ding presyo
na may sariling sakit sa bulsa dahil sa taas nito. Naglalaro ang presyo mula sa AED 400 (o
pwedeng tawaran ng AED 350) pataas depende sa laki at sa company.
DIYARYO – Korek. Sa maniwala ka o sa hindi e diyaryo ang
pinakasikat sa lahat. Ito kase ang
magpupuno sa kahon lalo na kung naubos na ang budget at kailangang siksik na
mabuti ang balikbayan box. Kaya kung
pagbukas mo ng kahon at nakakita ng maraming dyaryo, walang balita na
naghihintay sa yo kaya wag magalit at magtaka, baka yung laman lang na kalahati
ang nakayanan ng mahal mo sa buhay. Buti nga pinadalahan ka pa e. Magpasalamat
na lang at wag na rereklamo. Intiendes? Hmmmp…
Marami pang bagay na madalas
laman ng balikbayan box. Pero di ko na
iisa-isahin. Sabi nga ng kasama ko sa
opisina, basta may sulat na Arabic at tunog imported masaya na ang pamilyang
makakatanggap sa Pinas. Ang importante e
nagpadala at natanggap ng tama sa oras.

PATALASTAS: Maraming cargo company sa Dubai at sa iba pang parte ng
mundo. Pero hindi lahat pwedeng
pagkatiwalaan. Yan ang susunod na kwento
at ang mapapait (ampalaya? Diatabs?) na karanasan ng ilan nating kabayan. Abangan. Next week na agad. #UraUrada
PASASALAMAT: Thank you google sa mga larawan.
Hi try Balikbayan Goods if you want a more convenient shipping and cheaper rates plus discounts https://www.goods.ph/
ReplyDelete