It took me awhile para masundan
ang blog ko. Sinubukan kong simulan ang
isang very light topic for everyone pero hindi ko matapos tapos dahil na rin
marahil hindi ko pa nagagawa ang isang misyon na matagal ko na dapat
nasimulan. It is about time to give back
and extend our help sa isa nating kabayan dito sa Dubai. Narito po ang kwento:
When I was still doing sales at
naassign ako sa isang mall, marami akong naging kaibigan (kahit saan naman yata
sa sobrang daldal ko #Karisma). Halos
lahat yata ng mga katabing stores e nakilala ko na especially ang mga kabayan
natin. At doon ko din nakilala ang isang
ama sa kwentong ito – Si Vernon. Tubong
Taguig at may asawang taga Laguna at dalawang anak na naninirahan ditto sa Dubai. Nagsusumikap para makasurvive ang pamilya
hanggang dumating ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang buhay. Nagkasakit ang isa nilang anak. Ang nakasulat sa medical history ng bata “the
family noticed change in his behavior over the last month as well as unsteady
gait, crossing of the eyes, banging of his head and slurred speech”. Nagsimula itong mangyari noong isang taon
(2011). 3 taon pa lamang ang kanilang
anak. At matapos nga ang pagsusuri ng
mga doktor, nalaman na ang bata ay may Brain Tumor.
Hindi nagpatalo ang mag asawa sa
pagsubok na ito (may isa pa silang anak na salamat sa Diyos at maayos naman ang
kalusugan). At sa halip nga na malugmok
sa dusa at pasakit, gumawa ng paraan ang mag-asawa para sa pagmamahal sa
kanilang anak. Lumapit sila sa isang
ospital para humingi ng tulong medikal.
Suntok sa buwan ang kanilang gagawin dahil sa dami ng humihingi ng
tulong sa ospital but still they tried their luck para sa anak nila. Sabi pa nga ni Vernon may kasabay silang bata
na dilaw na ang kulay dahil sa sakit sa atay pero hindi pa rin napagbigyan noong
araw na iyon L
Bumalik sila hanggang maganap ang isang himala.
Ang lokal na nakassign sa social welfare ng ospital ay nagkataong
nakaleave at pansamantalang pinalitan ng isa nating kabayan. Dahil sa mabuting
puso ng kabayan nating ito, approved ang treatment ng bata for free (salamat po
Lord). And it was exactly July of last
year when the treatment started.
Radiotherapy and chemotherapy ang isinagawa. Pabalik-balik at paulit-ulit silang bumabalik
sa ospital para sa regular treatment ng bata.
Pero kung libre nga ang proseso hindi naman sila nakaligtas sa gamot na
umaabot ng halos AED 4,000 (o mahigit 45,000 pesos every month). Tumigil na sa pagtatrabaho ang asawa ni
Vernon para alagaan ang bata. Habang si
Vernon naman ay kumikita ng kulang pa sa AED 4,000. Humingi na sila ng tulong kung saan-saan at
kung kani-kanino para sa kaligtasan ng anak.
Salamat at may mabubuting kaibigan at kabayan na laging handa at bukas
ang mga palad para makatulong.
Subalit hindi yata matatapos ang
pagsubok ng ganon na lamang. After
exactly one year of treatment, iba ang naging advice ng mga doktor. Hindi na daw nila itutuloy ang treatment sa
pangambang mas magdulot ito ng malaking problema. Maaari daw matunaw ang utak kasabay ng
pagtunaw sa tumor. Sa madaling salita,
wala na silang nakikitang iba pang pwedeng gawin para sa survival ng bata L Nang tanungin ko si
Vernon sa kalagayan ng anak nya, masayahin daw ito pero dumadating sa point na
inuumpog ang ulo sa pader dahil sa sakit pero nagpapakita ng lakas para lumaban
(imagine that from a 3 year-old kid). So
ano na nga ba ang plano ng pamilya?
Binalak nilang umuwi na ng Pilipinas last July para doon ituloy ang
treatment ng kanilang anak at humingi ng second opinion. Subalit sa kasamaang palad e nagkasakit ang
bata ng bulutong tubig na nagdagdag sa pangamba ng mag-asawa. Sa tulong ng mga dasal ay gumaling na ito at
nagpaplano na nga silang umuwi ng Pinas this September. Wala nang treatment as advised by the doctors
here in the UAE pero bumabalik sila for check-up. Malaking halaga pa rin ang kakailanganin ng
mag-asawa para sa tuluyang pagpapagamot at sa pag-uwi nila ng Pilipinas. Sabi nga ni Vernon, umaasa na lang sila sa
himala.
Kung nakatulong ang iba, bakit
hindi ako bakit tayo? And so I decided to
write this episode para makapagpaabot tayo ng tulong sa mag-asawa. Prayer is needed definitely. At sa mga nakakahigit nating kababayan na
nakakabasa nito, anumang tulong o halaga na pwede nating maishare sa mag-asawa
para sa paggaling ng kanilang anak will be highly appreciated. Thanks in advance for my officemates na handang
tumulong. Kung nasa UAE ka kabayan at
handa ka ding tumulong, leave a reply or a message para malaman kung
papaano. Para sa mga nasa Pinas, I will
talk to the couple kung paano ninyo mapaparating ang tulong. For those who wants the medical record and
report of the child, I can also send it if needed. Sa mga kabayang may kaibigan, kakilala o
kamag-anak na doktor, let’s help them.
Ang tulong ay hindi nasusukat sa liit o laki maging sa gaan o bigat nito. Kahit ano pa man yan, basta nakatulong ka
kabayan, salamat. Para saan pang tinawag
tayong Pilipino kung hindi natin ipapakita ito.
*updates will be sent regarding
the child’s condition in the upcoming episodes. Salamat kabayan.
* thanks google for the photos.