Paraaaaa!!!!!! Ang kataga na miss na miss na naming sambitin sa paraang wagas na wagas dito sa Dubai. E paano ba naman, kapag sumigaw kami ng para baka instead na itigil ang sasakyan e lalong dumiretso ang driver hanggang makarating kami ng disyerto at maganap ang Desert Massacre 2012.
Yes, sasakyan! Yan ang itatakbo ng usapan natin sa araw na ito kaya mga kabayan, kumapit na mabuti dahil aalis na! Dubai! Dubai! Dubai! 2 pa! Kasya pa!
Hindi ang magagarang kotse na pag-aari ng mga lokal at nag-aastang mayaman sa Dubai ang tema ng episode for today. Ito ay tungkol sa mga sasakyang nag eexist sa Dubai na naghahatid sa amin sa mga paroroonan (wag naman sa kabilang buhay o sa dako pa roon). Magiging bida sa usapan natin ngayon ang bus, train, taxi, water taxi (sosyalan) at ilan pang means of transpo naming mga kabayan pagpasok sa trabaho (siyempre pag-uwi din, maglalakad na lang?) at sa iba pang lugar na kailangang puntahan at gusto lang puntahan (#walang-magawa). Babanggit din ako ng ilang kalye, lugar at traffic rules (nakakamiss bigla ang pwede tumawid at pumara kung saan-saan lang) na dapat tandaan ng mga nais manirahan sa Dubai. Ihanda na ang pamasahe (barya lang po sa umaga) at tayo’y lalarga na.
RTA at MMDA
Simulan natin ang biyahe sa mga taong aligaga sa pagpapasunod ng batas trapiko at lahat ng usapin tungkol sa kalsada, violations, pagtawid, traffic signs at marami pang batas at alituntunin na dapat sundin sa pagmamaneho – ang RTA o Roads and Transport Authority na counterpart ng MMDA sa Pilipinas. Para mas makilala pa si RTA pakiclick ng link na ito - http://www.rta.ae/wpsv5/wps/portal (para malaman ang mga serbisyong hatid ng departamento). Siya ang masasabi kong kapatid ni MMDA na ang favorite color ay blue at pink (kumusta ang mga ihian sa kalye na nagmumurang pink? At ang sikat na sikat na sign na “Bawal Tumaeid. May Namatay Na Dito” E sinong tinakot mo?)
I’ll try to give more emphasis sa mga usual transportation na ginagamit araw-araw ng publiko (nakakapagod pag isasama ko pati motorsiklo, bisikleta, skateboard at iba pa maawa kayo). Others will be given some small but interesting info. Eto na sure na sure na, sakay na!
BUS
Since bus ang nangungunang sakayan according to survey, unahin nating pag-usapan ito. Kapag sinabing bus unang pumapasok sa isip ko ang mga nagtitinda ng kendi, itlog, chichirya (di ko alam ang spelling), mga barker sa terminal na sumisigaw ng location, konduktor ng bus, ticket na binubutas-butas (namiss ko ito bigla), mga dispatcher na nag uunahan makakuha ng pasahero, mga pasaway na kargador na bibitbitin ang bag mo at lahat ng dala mo paakyat ng bus na di nagtatanong kung saan ka pupunta habang ikaw naman na si tanga e susunod naman na akala mo’y nabudol budol hanggang nakarating ka ng Bicol e sa Ilocos dapat ang punta mo.
Panalo ang mga bus sa Dubai (contest?), pangmayaman (ilabas ang SALN!), pare-pareho ng itsura (kambal? Triplets? Quadruplets?), may maiksi at mahaba (o wag bastos ang isip) at may double decker (winner pag nasa second floor high na high ang feeling). Malinis, sosyalan, malawak, may TV pero hindi nagpapalabas ng teleserye o ng show ni Willie o mga pirated DVDs, makikita sa screen kung anong bus stop ang susunod para alam mo kung pipindot ka na ba ng button. Yes! Pipindot ng button, tama ang iyong nabasa. You don’t say “stop” or pasosyal na “please pull-over” o “para” o “sa kanto lang ma”. Just press the stop button at makikita mo sa screen kung nagtagumpay kang gawin ito (pagsubok?). Air-conditioned lahat ng bus (disyerto ang Dubai), bawal kumain sa loob (pero minsan di ko matiis), may sariling area ang babae at mga bata at sa bandang likod naman ang mga lalake (walang sariling area ang mga becky sa mga nagtatanong). Hindi kagaya sa Pinas na pwede kang pumara either sasakay o bababa kahit saan mo gusto. There are bus stops na kung saan ka pwede mag-abang o bumaba, doon lamang ang pwede (wag matigas ang ulo kahit sumigaw ka at magmakaawa di titigil ang bus). May oras ang dating ng mga bus di ura-urada. Pwedeng every 10 or 15 or 30 minutes depende kung aling bus ang sasakyan mo. And speaking of bus stop, wala ang namimiss kong “waiting shed” na may nakalagay na “Priority Project of Congressman So-so” o “Ipinagkaloob sa pamamahala ni Mayor Blah-blah”. Sosyal ang mga bus stop, air-conditioned din ang loob at maganda ang acoustic (kumakanta ako sa loob kapag naiinip kahihintay ng bus ganda ng tunog parang nasa banyo).
E magkano naman ang pamasahe? May konduktor ba na lalapit para kumuha ng bayad at mag abot ng ticket? O pipila ba sa terminal para kumuha ng chip na gamit sa poker na parang tiket din? Walang ganyang eksena. Centralized ang payment method ng public transportation ng Dubai (at least ng bus at tren). You have to buy a Nol Card na iloload mo lang lagi kapag naubos na ang laman. May machine sa loob ng bus kung saan itatap mo lang ang card to check-in and check-out (hotel?). Make sure na gawin ito dahil kapag sinipag ang RTA na magcheck sa loob ng bus at nakitang di ka nag tap (they have a gadget tocheck this), pugot ang ulo mo! Joke lang. May fine lang naman na babayaran. So you need to follow the rule. E magkano nga ang pamasahe? Ang hirap magkwenta but usually sa malayong biyahe ang maximum payment na mababawas sa card mo e AED 4.10 or sa short trip (motel?) e AED 2. Sa di nakakaalam ng AED basahin ang article na tungkol dito naisulat ko na yan dati.
Sa mga nahihirapang mag-imagine sa mga isinulat ko (o bastos na naman ang nasa isip), eto ang mga larawan (o ayan ha may bago tayo ngayon, mga larawan!):
A sample of a double decker bus |
Air-conditioned bus stop |
Busy buses |
Dubai Metro at MRT/LRT
Tren. Ang pinakamabilis na means of transportation. Iwas traffic. Sure sa oras. Kakaibang experience. Ang lugar kung saan nadiscover si Aye Guy habang nagtitinda ng tubig. Kung ang Pinas ay may tatlong linya ng tren (LRT, MRT at ang baklang-baklang Purple Line), dalawa pa lang ang linya ng tren sa Dubai. Ito ang Red Line at Green Line na kabubukas lang last year. Walang driver na nagpapatakbo sa parehong line (multo? E sa Pinas meron ba? Sagot! Di ko sure). At dahil sa kaganapang ito, pinasok na naman ang Dubai ang Guiness Book of World Record as the longest driverless metro network in the world spanning 74.695 km (o laban kayo sige!). At ang tsismis, isusunod pa dito ang purple line (gaya-gaya?) at blue line (magkakarainbow line kaya?). E bahala na sila jan hihintayin ko na lang kung matutuloy nga. Kapag isasama ko pa naman yan sa dami ng isipin ko araw-araw e lituhan na ang buhay ko.
Kagaya ng bus, sosyalan din at puno ng disiplina sa loob ng Dubai Metro trains. Sa station pa lang, malinis ang mga CR (bawal maligo ha?), panalo ang design pati ang mga chandelier (mansion?), malamig sa loob (ref?), at informed ka kung anong oras ang mga susunod na biyahe. Malinis ang loob ng tren. May foam ang upuan (sofa?), bawal kumain sa loob at maririnig din ang kapatid ni “Ang susunod na Istasyon ay Betty Go Belmonte” “Paparating na sa Betty Go Belmonte station”. Yung nga lang Arabic ang kapatid nya at ang pinsan nya na Briton na nagtatranslate nito (salamat naman kase sa HongKong parang pareho ang rinig ko sa Chinese at English version, aminin nyo yan). Mahaba ang underground area na dadaanan (parang HongKong uli) pero mabilis ang biyahe. May dalawang bahagi ang tren. May gold class (sosyalan! Mas mahal ang bayad at mas pang mayaman ang upuan) at siyempre ang regular class. Separate pa rin ang babae at lalake pero kung puno na, nakikisama na rin ang mga babae sa mga lalake (wag mag arte bawal ang choosy). The downside of taking a train? Ang amoy ng mga makakasabay! Dapat matapang ang sikmura, kayang labanan ang anumang amoy at matatag ang paninindigan na kakayanin mo ang biyahe hanggang marating ang destinasyon. Tandaan, bawal kumain sa loob kahit candy at bubble gum kaya pagsakay pa lang humanap ng magandang pwesto. Same ang charge ng pasahe sa bus, bisitahin ang RTA website for more info. At kung gusto ng iba pang facts about Dubai Metro narito ang aking other best friend: http://en.wikipedia.org/wiki/Dubai_Metro
Para sa mga mahinang mag-imagine at tinatamad iclick ang wiki page, eto ang mga larawan:
The train |
One of the train stations |
Ang mga upuan sa loob ng tren |
TAXI
Madalas tayong magreklamo sa Pinas ng ayaw magpasakay o namimiling taxi driver, may “katok” na metro na mahal ang bayad, holdaper na driver o antok na antok (dami kong ganitong experience nung nasa call center business pa ako na kailangang magkwento ako sa driver habang biyahe para di makatulog!), mga driver na pinapalayo ang daan at maraming pang kuwentong taxi na di maubos-ubos.
Iisa ang itsura ng taxi ng Dubai at Pinas (aba’y siyempre naman wala namang gawa sa kahoy). May kaunti lang na pagiging advance at disiplinado dito kumpara sa atin. Malinis ang loob ng taxi (pero may mabahong driver, kaya magdala ng cologne lagi o katinko), bawal uli kumain sa loob (pero pwedeng palihim kung di mapipigilan), dapat laging nakaseatbelt sa unahan (tutunog kapag hindi sumod at mahuhuli ng pulis), at infairness e hindi namimili ng pasahero malayo o malapit (sa mga magpoprotest, pakisulat ng bad experience sa comments section #pulis). Walang “katok” ang metro at kitang kita mo sa malaking touch screen nila (ayan sosyalan na naman). Pwedeng humingi ng resibo if kailangang magreimburse sa company. Kapag kailangan magpapick-up (call girl? call boy?) tawag lang sa toll free number (taray!). Ang pamasahe, flag down ang AED 3 at at patak lang ng patak hanggang makarating ng pupuntahan (ano to ulan?). But please take note na minimum ang AED 10. Meaning kung pumatak lang ang metro ng AED 8.50 or anything less than AED 10, AED 10 pa rin ang bayad (sana naman naintindihan mo ito pagod na ako magpaliwanag).
ATBP.
In addition to those 3 means of transport are Dubai water taxi and Abra. Para yung sa Pasig Ferry na maganda (infairness gusto ko yun at madalas kong sakyan, malinis, air-conditioned at kahit madumi ang Pasig marami pa ring magagandang scenery sa Manila). For more info about this, you may visit http://www.rta.ae/wpsv5/wps/portal?SwitchToLatestLocale=true
Sa araw-araw na buhay ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa, malaking tulong ang ibat-ibang klase ng transportasyon. Bus man yan o tren o taxi, ang importante e naihahatid kami nito sa mga trabaho at pauwi sa bahay ng maayos at ligtas. May sariling sasakyan man o wala, mahalaga na laging ligtas ang bawat paglalakbay. Ganyan din naman ang buhay in general di ba? We always wish for a smooth run para mairaos ng maayos ang mga buhay natin. At ano mang bagyo o delubyo ang maranasan natin sa paglalakbay na ito, impoprtante na may pamilya tayo at kaibigan na kaagapay sa paglalakbay. At siyempre ang piloto at nagpapatakbo ng sasakyan ng buhay, ang Poong Maykapal. So let’s all continue to ride and to explore more places and events, sa experience tayo matututo at patuloy na tatatag.
*credits to google for the photos