Friday, March 16, 2012

ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI VISIT VISA


Sa survey na ginawa ko (hindi ng SWS, Kantar Media at AGB Nielsen, teka sino nga ba ang totoong number 1? Kapamilya? Kapuso? Kapatid? O Kabayan?), nagtanong ako kung anong topic ang gustong mabasa at matutunan ng mga tagasubaybay ng blog na ito (radio drama? Komiks? May tagasubaysabay?). Nakapasok sa top 3 ang (drum roll): Love and Relationship (naghahanap ba sila ng tunay na pag-ibig? Wala bang magkagusto sa kanila? Maghintay at manalig, dadating din yan balang araw), Lifestyle in Dubai (maglalabasan ang mga pasosyal sa mga eksena dito) at paano makahanap ng trabaho sa Dubai o paano makarating sa bansang ito (sasakay po sa eroplano). And since marami ang talagang gustong makipagsapalaran, ayan at pag-usapan na nga natin ang mga paraan ng pagpunta ng Dubai kung saan ang pinakapopular ay thru visit visa (bisita hindi bwisita kaya dapat marunong makisama).

Visit visa is issued to those who will be visiting a country for some period of time.  And since we are talking about Dubai, e bakit ko naman ididiscuss ang visit visa ng Amerika, o ng Europa, o ng other countries in Asia, Dubai na lang (wag pahirap sa buhay, magresearch). But before we finally talk about it, I just want to mention that one good way to work here is of course by applying through an agency. Apply ka lang, process ng papeles at pag nakapasa sa lahat ng pagsubok (hindi kasama ang pagkain ng apoy, pagsayaw sa bubog at pagtulay sa alambreng may tinik na kasing lapad ng sinulid), e pasok ka sa grand finals at makakarating ka sa Dubai para makapagsimula ng bagong buhay (bagong-laya? Bilibid?). But make sure na ang agency na yan e listed sa POEA (please define in 30 seconds. Time stars now!). Wag magtiwala sa mga nagpapanggap, sa mga individual na nangangako, sa mga kunyaring opisina daw o agency dahil madali lang namang malaman kung tooo o peke, sa madaling salita, wag patang-tanga. Maaari ring makapagtrabaho dito kung directly hired ka. Gaya ng company na tatawag sa yo from Dubai, interview by phone or skype (sosyalan) at pag nakapasa ililipad ka nila (manananggal?) para makasigaw ka sa airport ng Dubai ng malakas na malakas na “Tagumpay!” (bilang practice, isigaw ito ngayon na punong-puno ng emosyon at buhay habang nakapikit ang mata at kunyaring tatalon pero di natuloy).

VISA THRU FAMILY MEMBER

At since napasobra na naman ang daldal ko at nawala na naman tayo sa topic, balik tayo sa visit visa. Some are asking if you need a relative to be your sponsor, well that is one option pero kung wala ka talagang kamag-anak (o ayaw ka nilang kilalaning kamag-anak #away-pamilya2012) you can go directly to an agency who can be your sponsor for your visit here in Dubai. Doon sa mga mapalad na kinilala ng kamag-anak (may kapalit kaya?), ganito ang usual process: make sure na nakahanda ang passport copy mo, birth certificate, valid ID, titulo ng lupa, raffle coupon na may lagda at suking tindahan, at slum book kung saan nakasulat ang mga paboritong artista, awitin, pagkain, laro at iba pa. Kung kumpleto na ang lahat, maaari nang tumungo sa Immigration office ang kapatid, tiya o magulang hindi para ihulog sa tambyolo (raffle machine) ang application mo for visa kundi para simulan na ang proseso. It is possible to get the approved visa within the day or kinabukasan kung walang gana ang gumagawa (magdala ng red bull at ipainom ito sa immigration employee o pwede din namang Enervon C for more energy).  Para sa karagdagang impormasyon basahin ito: http://dubai.ae/en/Lists/HowToGuide/DispForm.aspx?ID=2 (Sinasabi nang basahin! Basahin mo muna!) Once the visa is ready, tumungo naman sa Philippine Consulate para sa red ribbon (walang ribbon cutiing na magaganap, red ribbon lang for authentication. Bakit nga ba red ribbon? Pwede namang green ribbon? O ang mas sikat na yellow ribbon? Backround music: Tie A Yellow Ribbon habang naka Cory sign). Within a week of two, or a year (depende sa sipag ni Kabayan na for sure e nakabusangol ang mukha habang nagpaprocess) e makukuha na ang visa with red ribbon (naiirita ako sa red ribbon sana yellow na lang). Maghanda ng at least 200DHS para sa proseso. Kung handa na ang mga legal na papeles, pwede nang ibook ang plane ticket na magdedepende ang presyo sa petsa ng pagpunta sa Dubai. Paala-ala: Walang biyaheng Dubai ang Zest Air.

VISA THRU AN AGENCY

At kagaya nga ng aking nabanggit para sa mga walang kumikilalang kamag-anak (pakitaas po ng kamay at sabay-sabay na umawit ng Kahit na Konting Awa ni Ate Guy para sa pelikulang Flor Contemplacion #chos), isinilang na ang pag-asa para sa sana’y mas maalwan na pamumuhay – ang mga agency. Pakiusapan na lang ang mga kaibigan o nagpapanggap na kamag-anak na dalhin ang mga dokumentong nabanggit sa itaas sa agency para sa processing ng visa at ticket. Sila na ang bahalang mag-ayos ng inyong visit visa under their name, at kung na issue na ito isusunod na nila ang ticket at ipapadala na rin sa inyo via courier ang visa copy (#SilaAngBahala). Madalas na may promo ang mga agencies dito sa Dubai para makakuha ng maraming customer. Starting from 2,800DHS at madalas e pinakamahal na ang 3,300DHS e kasama na ang lahat sa package na ito (free boy bawang at tubig na malamig habang naghihintay). May libreng sakay pa ng camel (kung gusto mo lang naman). Within a month (kung makulit ka at bubulabugin mo ang agency kahit madaling-araw at pagbabantaan na mapuputulan sila ng kuryente at tubig) marerelease na ang visa at ticket. Maximum of two months lang ang kayang ibigay ng agency unlike kung may kamag-anak ka (hanapin mo na kaya sila pati mga kapatid mo sa labas para matigil na ako kakadaldal;), hanggang 3 months ang visit visa mo. E ano bang mangyayari kung mag expire na ang visa? Yan ang dapat nyong basahin sa baba. Ayan oh.

EXPIRED VISA

Wag matatakot kung expired na ang visa (ano yan Aswang?). Ang unang dapat gawin ay basahin, alamin at bilangin ang tamang araw simula ng pumasok sa Dubai (kahit walang calculator mabibilang mo basta kumpleto ang daliri #IwasPaputokNgDOH). Please remember that you are given either 60 days or 90 days max (maximum po hindi Alvarado) to stay in Dubai kung naghahanap ka ng trabaho. You can automatically renew the visa kung 30 days lang ang original na kinuha mo. Kung talagang sagad na at di ka pa rin pinalad na makakuha ng trabaho (kasabihan: Nasa Diyos ang Awa Nasa Tao ang Gawa. Bow), e kailangan mo nang mag exit (hindi sa fire exit) sa ibang bansa and you are only entitled to come back to Dubai after a month. Pwedeng sa Pinas ka umuwi (pwede din hindi na bumalik kung di talaga kaya ang pagsubok at di na kaya ng bulsa #magdasal) o pwede din namang sa pinakasikat na isla at lugar ng mga nag eexit from Dubai, ang Kish Island. Oh sandali, di ako pwede magkwento about Kish kase kailangan ng isang buong episode about that. Isang buong Maalala-ala mo Kaya para lang sa Kish. Abangan po. At ngayong natapos mo na ang 30 days outside Dubai, muli ay Malaya ka nang bumalik at makipagsapalarang muli.

MGA KARAGDAGANG PAGSUBOK KAAKIBAT NG PAGPUNTA SA DUBAI UNDER VISIT VISA:


Philippine Immigration – katakot-takot na tanungan ang magaganap sa airport ng Pinas na akalA mo’y ikaw si Justice Corona sa impeachment trial bago ka makaalis ng bansa. The reason behind this according to them is to avoid and to prevent human trafficking (nagtatraffick din pala ang mga tao? Same color din kaya to stop and to go?). Marami daw kaseng napapariwa pagdating ng Dubai na nakavisit visa. Tama din nga naman sila. Pero kung gusto mo talagang makaligtas sa kamay na bakal ng immigration (Martial Law?), make sure you have your supporting documents gaya ng passport copy ng mga tatayong sponsor mo sa Dubai, titulo ng lupa nila (tenancy contract) at lahat ng magpapatahimik sa kanila except pera. Wag na wag magbibigay. At kapag itinanong na ang mahiwagang tanong na “Anong gagawin sa Dubai? (sa tonong gobyerno na akala mo’y pagod na pagod sa trabaho) isagot lamang ang katagang “Bakasyon po” (sa tonong magalang, very sweet at may halong pang-uuto). Pasok ka sa banga!


Finding a job – hindi ganon kadali humanap ng trabaho kagaya ng inaasahan. Tyaga, pagod, hirap, dasal at maraming Lucky Me Pancit Canton ang katapat nito (pwede ding Indo Me na bagong paborito ng mga pinsan ko). As an HR Recruiter at bilang isang taong nasanay na sa paghahanap ng trabaho (hindi po ako hopper, promise), use all the means in finding a good job. Send CVs thru job portals and emails daily. Ang goal ko dati 50 applications daily (#sugapa). Isama na din ang walk-in, pangungulit sa mga kaibigan at paghahanap sa diyaryo (sa nagtatanong wala pong TikTik at Abante). Kung makahanap ka agad, the sponsoring company will then change your visit visa to an employment visa. Hindi agad dadating ang trabaho minsan kase natatraffic sila kaya kailangang kumilos, makibaka, lumaban para sa katarungan. Palayain ang mga pesante at magsasaka! Katarungan para ka kay Lando! Katarungan!


Gastos – hindi na kailangan ng mahabang paliwanag. Bawat kilos at kibot pag wala sa sariling bayan may kaakibat talaga na halaga. Kaya matutong magtipid at humanap ng mga kaibigang may puso at awa (meron ba?). Magplano ng tamang pagkain araw-araw. Iwasan muna ang pansit canton at Indo Me kahit minsan. Wag uminom ng tubig kung di naman nauuhaw. Ulit-ulitin ang damit kung wala pang amoy. Ang huling tubig na pinang balaw ng labada ay subukang gamiting pangsipilyo.


 Adjustment – tandaan na wala ka na sa Pinas at wala ka na sa bahay mo. Iba na ang schedule ng TV patrol at Showtime. Ang init ng araw sa labas ay pangkaraniwan lamang at walang nagaganap na El NiƱo. Wag lalabas sa tanghali para maghanap ng banana q at sa malamig sa kalye o sa gabi para kumain ng isaw, bbq at adidas. Wag umasang sa isang kanto ay patatagayin ka ng mga tambay at wag mataranta kung makarining ng “Pasaload. Pasaload” sa mga iskinita. Tandaan na wala ka sa India kapag lumabas ng bahay at nakakita ng maraming Pana. Nasa Dubai ka. Hala, mag –adjust at unti-unti’y namnamin ang paligid. Wag choosy, wag maarte, dayuhan ka lamang ate.


Homesick – madalas na marinig sa mga commercial at pelikula. Totoo pala ito. Para itong sakit na bigla na lang aatake kahit saan at kahit anong oras. Walang pinipili, walang sinasanto (kontrabida?). Kaya dapat buo ang loob kung aalis ng Pinas dahil pag inatake ng homesickness, patay kang bata ka! Ang reseta ko sa mga inaatake nito: ice cream o tsokolate. Effective din naman.

O ayan, alam nyo na di madali pumunta ng Dubai. Di basta-basta. Sa visa pa lang nakakataranta na at sure na magagastusan ka. Kaya kung ang rason ng pag-iibang bansa ay wala sa puso at dahil gusto lang lumigaya, aba mag-isip ka. Walang bagay na madali sa buhay. Hindi nakukuha ang pag-asenso dahil gusto mo lamang. Kaakibat nito’y hirap, sakripisyo, diskarte, inspirasyon, pagmamahal sa pamilya at pananalig sa Maykapal. Hindi masamang mangarap. Hindi rin masamang umalis ng Pinas para makatikim ng kaunti o malaking ginhawa. Pero dapat handa ka. Dapat sigurado ka. Dapat manalig ka.