Saturday, July 2, 2016

WERK, WERK, WERK! (Paano mag-apply ng trabaho sa Dubai kung nandito ka na sa UAE)

Trabaho. Isang salitang maaaring magpayaman ng karunungan, magdagdag ng maraming karanasan, magpasigla o magpalugpo sa katawan (sa mga adik sa OT at kunyari nag OOT) , magdala ng maraming kayamanan (sa mga masisipag siyempre) o bahala ka nang magbigay ng sarili mong kahulugan (kanya-kanya na muna tayo). 


This is our blog version of DuBlog's Episode 3: We're Hiring!!! (paano nga ba maghanap ng trabaho sa Dubai kung ikaw ay nasa UAE na). Panooring ang link sa baba, now na!


CV/Resume. Ang professional/career summary ng inyong buhay. Hindi pwedeng mag apply ng trabaho kung wala nito. Hindi na rin uso ang bio-data na nabibili ng 2 piso isang piraso at ikaw na bahala mag fill-up at maglagay ng picture gamit ang paste o kanin. 2016 na po. At para sa maayos at effective na resume sa pag apply, narito ang ilang tips:

  • Siguraduhing kumpleto ang information. Mula sa pangalan (na wag mo naman sanang kalimutan), address, email at contact number (wag malaglagay ng mahigit sa dalawang contact number, pati ba naman ang gamit mo sa pasaload business isasama?). Ilagay ang lahat ng experiences sa trabaho na relevant at hindi kung ano-ano lang, isama ang educational attainment (yung may diploma kang mapapakita na hindi galing Recto), ilagay ang mga impormasyon tungkol sa sarili (except ang favorite colors at cartoon characters) at references (optional) para sa process ng HR (siguraduhing kaibigang walang galit ang ibibigay na reference).
  • Put your experience in chronological order from the latest to the oldest. Sa ganitong paraan ay mas malinaw na makikita ng HR ang iyong career history. Wag nang isama ang mga experience noong ikay ay nasa elementary at high school, kaloka ka.
  • Wag magsinungaling. Be consistent. Siguraduhing tama ang date ng employment sa mga experiences at wag mag imbento ng tabahong di mo naman talaga ginawa. Ikaw lang ang magpapahamak sa sarili mo sa interview. Remember that Karma is a bitch, and she's my sister. Char!
  • Keep it short. The ideal CV should be 3 pages long. Tandaan na hindi ka sumusulat ng nobela o pocket book, ipaubaya mo na ito sa Precious Hearts Romance, CV ito, CV. K. Bye.
Kung handa na ang CV, narito naman ang mga paraan ng pag-apply

1. Online. The following are the trusted and most popular websites in the UAE when applying for a job:







Gumawa ng account, iupload ang CV at simulang maghanap ng trabaho sa listahn ng mga vacancies.

Formula: Log-in daily, update and send at least 30 applications daily para sa mas malaking chance na mareview ang inyong CV at matawagan ng employer (wag tamad, sundin ang formula).

Tip: Wag magpaloko. Kahit sa Dubai ay di sila nawala. Wag magbabayad ng kahit na magkano dahil libre mag apply ng trabaho. 

2. Walk-in. Although most companies doesn't encourage this and will still ask you to go to their websites to apply, wala din namang mawawala. Pwedeng idrop ang mga CV sa mga opisina, stores at showrooms, wag sa drop boxes ng raffle walang papremyong magaganap. Siruraduhin lamang na kunin na ang kanilang website at email para sa iba pang impormasyon ukol sa kumpanya. Wag mahiyang magtanong, kapalan ang mukha.

3. Referrals. Hanapin ang mga kaibigan, nagpapanggap na kaibigan at mga nais maging kaibigan. Tanungin kung may vacancy, isend ang iyong CV at magdasal na matanggap ka. Paala-ala: hindi dahil nirefer ka e matatanggap ka. Walag palakasan system na magaganap. Attend ka pa rin ng interview kung nashortlist at dadaan sa tamang proseso. Walang mga padulas or padrino system. Mali ito.

Kapag naipasa na ang CV, the recruiters will review it at kung swak ang CV mo sa vacancy, they will call you for an interview.  Magsisimula ito sa phone screening (siguraduhing hawak ang telepono all the time para di mamiss ang tawag), susundan ito ng interview with HR, magkakaroon ng pagsusulit if applicable (magreview), kasunod ang interview with the management or line managers at dapat na sundan mo ng marami at mataimtim na dasal habang naghihintay ng resulta.  Kung ikaw ay di natanggap. wag mawawalan ng pag-asa, charge it to experience and learn from it, kung natanggap ka naman, e di ikaw na! Congratulations!

If selected, you will receive an offer letter (by email or maaaring ipatawag ka sa opisina, hindi sa presinto). Basahin ito at pag-aralan, magatanong kung di malinaw at wag magpanggap na alam lahat (bawal ang mahilig ngumiti ang yes lang nang yes tapos di pala alam). After signing the offer, sisimulang iproseso ang iyong visa.  This might take 2 weeks or more depende kung walang problema sa iyong mga dokumento at papeles (pag-uusapan in details sa susunod). Kapag maayos ang lahat, pasok ka sa banga (halimaw?) at magsisimula na iyong tagumpay at pagsigaw ng katarungan. Mabuhay ka kabayan!

Tatapusin muna natin dito ang usapan (ang haba na rin naman). Sa mga susunod na kabanata ay mas marami at mas detalyadong impormasyon pa ukol sa pag apply ang pag-uusapan natin. Alam kong maraming gustong malaman ito kaya itutuloy tuloy lang natin (walang kapaguran para kay kabayan). 

Wag din kalimutang panoorin ang youtube version ng blog na ito, bisitahin ang DuBlog at ilike para sa marami pang adventure.


Magcomment lang kung may tanong para masagot. 



*Salamat google sa mga larawan.